Chapter 10: Church Boy VS The EX

366 7 0
                                    

Written on Tuesday, September 6, 2011 at 9:52pm

 Selos. 

Panibugho. 

Jealousy. 

Jelly jelly. 

Isang salita pero larawan ng tunay na nadarama. 

Bakit nga ba nagseselos ang tao? 

Nagseselos ang tao kapag ang atensyon ng taong mahalaga sa kanya ay nasa iba. 

At mas nakakaasar ang pagseselos kung wala kang karapatan dun sa taong pinapahalagahan mo. 

At wala siyang pakialam sa pagseselos mo dahil hindi naman kayo... 

================================================= 

What: Arthrun Sev Magca 21st Birthday 

Where: Somewhere OutThere Resort 

When: January 27, 2012 

Birthday ni Art at imbitado ang barkada. 

3 days and 2 nights na party party. 

Ano kaya ang mangyayari? 

Channie POV. 

"Nakuha mo na yung invitation?" --si Armi. 

"Yep. Pwede ko kaya isama si Macro?" --ako. 

"Oo naman!" --si Art. 

Nasa clubhouse kami ngayon. Inaayos namin ni Armi yung mga gagamitin sa party ni Art. 

"Channie. kamusta kayo ni Macro?" --si Armi. 

"Ok naman. Masaya. Bakit mo natanong?" 

"Wala. Curious lang. Ehehehe~~" 

"Asus... E kayo ni Art? Musta naman? Kalantod a.."  

"Naku Channie! Lagi ako bugbog diyan sa kaibigan mo. Amasona e!" si Art sabay takbo palayo kay Armi na may hawak na walis tambo. 

"Ganyan kayo maglambingan?" 

Nakatingin ako ngayon sa dalawa na naghahabulan habang hinahampas ni Armi ng tambo si ARt. Sabay kuha ni Art sa tambo at biglang hinalikan si Armi sa cheeks. 

Namula tuloy si Armi at binatukan si Art. 

The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon