Written on Monday, October 24, 2011 at 9:37am
How can you prove your love to someone?
"Madali lang yan." say ng mga bihasa.
"Mahirap yan." say naman ng mga torpedo.
Paano mo mapapatunayang mahal mo siya kung iniisip mo pa lang ang gagawin mo, naduduwag ka na?
Paano mo masasabing mahal mo siya, kung hindi ka pa nga nagsasalita, nabubulol ka na?
Paano nga ba?
Kung mahal mo ang isang tao...
You'll do everything, say anything and do nothing.
Mahal mo e! Didiskartehan mo!
Make her believe that it is LOVE.
MIGO POV.
[3:00 AM]-----------(O_O)
alarm clock----------ako
Di ako makatulog.
Kakauwi lang namin from Art's party.
Naunang umuwi sina Channie at Macro dahil maaga pa ang pasok ni Channie.
Kaya naman asar na asar ako sa buong biyahe.
Hindi rin nagtetext sa akin si Channie.
Paano ko ba papatunayang I am DEAD serious sa kanya?
"AAAAAAAAAAA!" napasigaw ako sa sobrang inis sa sarili ko.
"Migo? Nanaginip ka ba ng masama?" si Mama biglang napasok sa kwarto ko.
Gising na kasi sya ng ganitong oras para ipagluto kami ng almusal at ihanda ang damit ni ate.
Naupo ako sa kama.
"Hindi ma. Naiinis lang po kasi ako sa sarili ko." sabi ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Babae yan no? Di mo masabi sa kanya ang nararamdaman mo. Naku. Ganyang-ganyan din ang kuya mo nung mainlove." sabi niya.
"Talaga ma? Anong ginawa ni kuya?"
"Kung ano ano. Puro kalokohan pero napansin siya nung babae. Kita mo ngayon, kasal na sila." sagot ni Mama.
"Sige na ma, ikwento mo please?" pakiusap ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]
HumorMeron ka bang crush na lagi mong nakikita? Pero... Di mo siya kilala. And isang araw... nadiskubre mo ang FB niya. At nalaman mong kaibigan siya ng kaibigan mo... Anong gagawin mo?