Chapter 7: Operation Church Girl courts Church Boy

364 6 2
                                    

August 25, 2011 at 12:09am 

Kung tunay mong mahal ang isang tao, di mo siya basta-basta isusuko. Hihintayin mo siya na magbago ang nararamdaman niya no matter what it takes and how long it will take. At kung hindi magbago yung nararamdaman sa'yo ng taong yun... Isa pa... Try mo uli! At kung ayaw talaga... 

.  

Leshe! Kung ayaw madala sa santong dasalan... 

Idaan mo sa simbahan! Tapos saka mo pakasalan! 

Buset! 

>_<

 

 

 

GIRL POWER! 

Channie POV 

 Gusto kong mas makausap si Migo kaso medyo maraming natutulog sa jeep na sinasakyan namin ngayon kaya't heto... Bounce bounce moment na lang ako sa cp. 

 Si Migo naman napaka-busy sa ka-text niya. Panay ngiti siya at hindi niya rin pansin na kanina ko pa siya minamanyak sa isipan ko... 

 Minamanyak? Hanu beh yen?? 

Erase! Erase! Di naman minamanyak e! 

Grabe ka writer! Napaghahalata... XD 

 Tinititigan ko lang siya ngayon. 

Hayaan niyo na 'ko sa ganito. 

Hanggang titig lang naman ako sa nilalang na ito na over rated sa pagka-magandang tanawin.. este.. lahi pala... 

 Pero pag tinititigan ko si Migo, di lang yung mukha nya yung nakikita ko. 

Naalala ko yung mga magandang pakikitungo niya sa akin. 

Na mas nagpapakilig sa 'kin.. >w<

O di ba? Ong londe...

Bukod kasi kay Migo at sa talipandas kong ex.. 

Oo! Kahit na kapeste-peste yung nilalang na yun eh, 

maganda pa rin naman ang trato sa 'kin nun. 

Bakit kami nag-break? 

Dahil kay Migo? 

Ah... wag na natin siyang pag-usapan.  

Nasisira ang momentum ko kay Migo... XD

Ay.. Andito na pala kami... 

"PARA!" -ako. 

Halatang super busy sa ka-text niya si Migo. 

Nagulat siya na nagpara na pala ako. 

Bumaba na kami. 

Naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle. 

The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon