Chapter 8: Crazy Love Hurts Crazy

330 5 0
                                    

August 25, 2011 at 1:59pm

Happy reading mga tropa. :D 

 Kapag nagmamahal ka, nababaliw ka. Nakakagawa ka ng mga bagay na di mo sukat akalain na magagawa mo para lang maparamdam at mapatunayan dun sa taong mahal mo ang tunay nilalaman ng iyong damdamin. Kahit pa na itulak ka niya palayo, mangungulit ka pa rin at umaasang isang araw ay siya na ang kusang lalapit sa'yo at sasabihing,  

 

"Hoy... Baliw na tayo pareho. Mahal na kita." 

 

Pero... Madalas kabaliktaran... Ganito sinasabi... 

 

"Sorry taken na ako. Better luck next time." 

 

Pag ganyan ang sinabi sa'yo ng mahal mo, are you still willing to wait? 

 

 No one's POV. 

Nang matapos ang kanta ay hinintay muna ni Channie na mabawasan ang dami ng tao saka siya lumapit kay Migo para ibigay yung di niya naibigay nung gabing nagkakilala sila ng personal. 

"Narinig mo?" tanong ni Channie.

"Oo. Ang cool mo pala." sagot naman ni Migo.

"So inlove ka na saken? Sasagutin mo na ako?" si Channie.

"Wag mo munang sagutin. Sige.. Aalis na ako. Bye!"

Umalis na sila Channie. 

Naiwan si Migo at saktong dating ni Ann.

"Ano yan?" tanong ni Ann sabay turo sa paper bag na hawak ni Migo.

"Wala to... Damit lang." sagot ni Migo..

Migo POV. 

 "Migo..." si Ann 

"Oh? Love?" ako 

"May problema?" siya 

"Wala. Masaya lang ako kasi tayo na." ako 

(^_^) 

Tama! Kami na ni Ann. Legal pa nga. 

At pinoproblema ko kung... 

Paano ko sasabihin kay Channie? 

Channie POV. 

Kaya nagmamadali kaming umalis kanina kasi nagpaturo ako mag-bake kay Armi. 

Eto... nag-bake ako ng cupcakes para kay Migo and his family. 

Whew... 

Ang dami kong paso. T.T 

Pero ok lang. Para kay Migo, ang paso ay balewala. ^____________^ 

Nasa harapan na ako ngayon ng house nila Migo. 

Sinabit ko yung paperbag dun sa gate. 

Palabas yung mama niya kaya nagtago ako sa likod ng kotse sa tapat nila. 

"Wow... May special delivery na naman para kay Migo... Swerte niya.." sabi yan ng mama nya pagkakita dun sa paper bag tapos pumasok na uli. 

The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon