Chapter 4: Textmates Part 2

376 6 0
                                    

Written on Sunday, August 21, 2011 at 3:21pm 

MIGO POV... 

--texting session-- 

Me: Oi... Magkita na-- *tooooot~~ 

Ay naku! Binabaan ako? Akala ko ba? Crush nya ko... Eh bakit ganun? 

Pangit ba siya? Ok lang naman sa 'kin. Ang akin lang... 

Gusto ko kasi siyang pasalamatan kasi araw-araw nyang pinatataba ang puso ko. 

Lagi ako binobola ng babaeng 'to! ^_^ 

Pinangingiti ang mga labi ko... 

Hui! Migo! Ang KESOOOO! ;) 

Hay... 

[1 New Message Received: Channie Baliw] 

Channie: Sorry Migo... Inagaw kasi ng pusa yung phone ko e... =^.^= *nyaw~ 

Hahahaha! Sira talaga 'tong babaeng 'to. Ay... Papa-tampo effect ako para pumayag na sya. 

Me: ........ 

Channie: Huh? 

Me: ........ 

Channie: ui. Sira ba cp mo? Puro ...... lang natype mo? 

Bukod sa adik. SLOW pa!  

(Shhh... Nagsalita ang hindi SLOW!) 

Me: ........ 

Channie: Galit kb? Sorry na... 

Me: ........  

Inaabangan ko yung reply nya na... "Ano ba? Umayos ka naman!" 

Channie: Sorry talaga. :(

Me: ....... 

Channie: Ui... Sorry talaga... luluhod pa 'ko.. 0TL (Taong nakaluhod yan yung nakayuko) 

Me: ...... 

Channie: Kahit ........................ pa ang i-reply mo, magtetext pa rin ako. 

Me: ......... 

After mga 20 texts ko na puro ........, ako na rin ang sumuko. 

Ang tiyaga ng babaeng 'to!  >.<

Migo: KFYN. 

Channie: WHOA! Anu yan? 

Migo: oK FYN? 

Channie: Alam ko. KFYN for what? 

HUWAAAA?!! God! Bakit po ang SLOW ng taong 'to? 

Migo: Kako, ok lang kahit ayaw mong makpag-meet. 

Channie: Weh? Totoo? Di ka galet? 

Migo: Hnd. 

Channie: Ows? 

Migo: Hnd nga. 

Channie: Tampururut? :] 

TAMA! Galing manghula ng babaeng 'to! 

Migo: yep. 

Channie: Nyek.. Ngapala, musta na si Pia? 

Tsssss.... Ang galing sumegway a... 

Migo: Maganda pa rin.  

Erm... Actually, may boyfriend na si Pia.

Kaya syempre. Stop na. 

For some unknown reasons..

Di ako naging affected nung nagka-bf na si Pia.

Naka-move on na rin ako.  

Aasarin ko lang 'to. 

(Migo! Bad!) 

Channie: Kaya nga kayo bagay e... Maganda siya at gwapo ka. :] 

Weh? Di ka naaasar? Or nagseselos?

Migo: Sinong gwapo? XD Di ka nagseselos?

Channie: Gwapo? Yung aso niyo. :p Selos? Wuush.. Asa ka men! Haish... Sayang~~ 

Migo: Bakit? 

Channie: May gusto ka na kasi... Liligawan sana kita...  

Wow! Ang pranka mo girl! Naku. Naku. Naku. 

Migo: Baliw ka talaga... Lalaki dapat ang nanliligaw. Hindi babae. 

Channie: Makaluma ka naman. Wala naman yan sa kung sino ang nagsimula.  

Migo: You mean? 

Channie: It doesn't matter whether it's the boy or the girl who asks first. What matters most is how they will keep the relationship stronger. 

Hmmm... Tama! May point rin siya. Pero kung ako, gusto ko ligawan ang babae... Para makilala ko siya. Well, kaya naimbento ang ligaw is para makilala mo yung taong gusto mo. 

Migo: You got a point. You want to know me better right? 

Channie: Yes... And I'm not expecting a "YES" from you. 

Migo: Why? 

Channie: Kasi nga... May Pia ka na! :D  

Migo: Eh bakit mo pa ako liligawan kung di mo rin pala ako mapapa-"OO"? Nagseselos ka e!

Channie: Nu ka ba? Nagjojoke lang ako! :p Di ako nagseselos nu! Pero gusto kitang makilala. I want to know the reason kung bakit ka biglang umepal sa buhay ko...

Migo: Eh? Ganun? Epal ako? >___< Pero alam mo... Ako din.. Gusto kong makita ka para maalala kita at maisip ko rin ang reason ng existence ko sa buhay mo. 

Channie: Hmmm... Fine. Let's meet. :] 

Migo: Talaga? Kelan?  

Channie: Sunday. In one condition... 

Migo: What? 

Channie: Kahit ano pa itsura ko, you won't hide from me or run away. :D 

Migo: Sure. Wag mo lang akong kakainin... XD 

Channie: And another thing.... 

Migo: Oi.. 2 conditions na yan. 

Channie: Eh di TWO! Kasama si Drei. 

Migo: Sure. Saan ba? What time? 

Channie: Sa church. Last mass.  

Migo: Walang indyanan? 

Channie: Baka ikaw? XD 

Migo: Hahahaha! Oi! Hindi ako ganyan! 

Channie: Ow shige~~ Gudnayt kras.... :] 

Migo: Sure. Nyt.  

OYEA! Magkikita na sina CHURCH BOY at si CHURCH GIRL? 

 

Hmmmm? Ano kayang mangyayari?

The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon