Chapter 13: The Flight to Forever

336 6 0
                                    

Written on Tuesday, October 25, 2011 at 8:45am

Pag naging in a relationship kayo, this doesn't mean na kayo na talaga. 

Kung ang kasal nga naghihiwalay, kayo pa kayang magkasintahan pa lang? 

Paniguradong susubukin kayo ng tadhana. 

Pagtitibayin o wawasakin. 

Kung magpapatalo ba kayo sa pakialamerong tadhana... 

Kayo ang magpapasya... 

At hindi ang tadhana... 

=============================== 

Migo POV. 

March 27, 2012. 

Yan ang date kung kelan ako sinagot ni Channie. 

Anniversary rin yan nung una naming pagkikita sa simbahan. 

Kasi March 27, 2011 yun. Minarkahan talaga ni Channie yun sa sobrang pagkabaliw nya sa akin. Hahaha! 

Halos dalawang buwan ko din syang niligawan. 

Bakit may ligaw pa? For formality syempre saka masaya kaya! 

Hindi mahirap. Masaya. 

Iba pala pag mahal mo talaga. 

Yung tipong di mo siya minahal dahil sa pisikal na itsura o kung ano pa man. 

Yung pagmamahal na di mo maipaliwanag sa sarili mo kung bakit mo siya mahal despite her weaknesses. 

Iba ang feeling pag napapasaya mo yung taong mahal mo. 

Di matatapos ang araw mo nang di mo iniisip kung paano mo siya papasayahin. 

Nababakyaan na ba kayo sa mga sinasabi ko? 

Well... Try niyong ma-inlove at mabakyaan din kayo sa sarili niyo!  

Kung itatanong niyo kung magkasama kami ngayon... 

Pwes... HINDI. 

Oo. Di ko kasama ang lalabs ko. T_T 

Nasa Seoul sya. Malantod talaga yun. Nung malamang tanggapan ng programmers sa Korea, agad nag-apply. 

Eh ayun. Natanggap siya agad kasi marunong naman siya mag-Korean, tapos marunong din naman siyang mag-program. 

Naaalala ko pa sinabi niya... 

FLASHBACK~~ 

The Story of Church Boy and Church Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon