CHAPTER 1 : Watch Out
Chapter 1
Shin's POV
"KANTO na lang po!" sigaw ng katabi ko kay mamang driver saka nagmamadaling bumaba ng jeep. Bahagya na kasing umusad iyon dahil sa traffic. Pasimple kong sinilip yung wristwatch ko. Hala! Malelate na rin pala ako. Mukhang aabutin pa ako ng syam-syam dito. Nagpalinga-linga ako at saka sumilip sa bintana. May isang kanto pa bago yung bababaan ko.
"Ano ba iyan? Umaandar ka na naman." bulong ko. Napuyat kasi ako kagabi kaya tinanghali ako ng gising. Ang dami ko kasing tinapos na reports. Puro deadlines kaya halos alas-dose na ako nakauwi. I doubt it kung mukha pa akong twenty one dahil sa stress.
Maya-maya, umandar na yung jeep.Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman. Humanda ako sa pagbaba at hinintay na makarating sa kanto. "Para po!" sigaw ko. Nang tumigil yung jeep, mabilis akong bumaba. Habang naglalakad, kinapa ko na rin sa bag ko yung time card ko para makapag-time in agad. Patakbo akong pumasok sa gate. Hindi ko tuloy napansin na may mabubunggo na pala ako.
"Oooops, sorr---"
"Have you forgotten to wear your glasses? Watch your steps or else you will meet an accident worse than this!"maangas na bulyaw nya sakin.Inenglish ako ni kuya.Napatunganga tuloy ako sa harap nya dahil sa pagkabigla. Tiningnan nya ako saka nag-smirk.
"Close your mouth baka pasukin ng langaw." Nakakalokong sabi nya saka mahinang tinapik yung baba ko bago tuluyang tumalikod. Doon lang ako nakarecover.
Ang yabang! Kala mo kung sino! Nakasimangot na nagtatakbo ako palapit sa bondy clock saka nagtime-in. 9:15am. Malas naman! Padabog na sinilid ko sa bag yung DTR ko at saka tinapunan ng matalim na tingin yung paalis na kotse. Ma-flatan ka sana!
BINABASA MO ANG
Not Your Rebound Girl (Remarkable YOU ♥♥♥ )
HumorSheena Mariel Gomez Rosalez, 21 yrs old. "Shina" or simply "Shin". Weird, funny and clumsy. Zachary Liam Marquez, 21 yrs old. Call him "Zach" or "Liam". Suplado, gwapo at mayaman. He is one of the heirs of Marquez Textile Co. pero mas pinili niyang...