Zach's POV
For almost a month, natutunan nyang patakbuhin ang kotse ng hindi nababangga. Masaya ako para sa kanya. Gabi-gabi rin akong kinabahan sa tuwing hahawak sya ng manibela at aminado akong nahirapan kami sa umpisa. Pero maganda naman ang result kaya hindi ako nagsisisi.
Naalala ko pa nung unang beses ko syang dinala sa H&K compound. Takang-taka sya nun kung bakit ko sya dun dinala. Actually, nagtaka rin ako sa sarili. Nang sabihin nyang gusto nya matutong magdrive, nag-offer ako agad. Pinagtawanan nga ako ni Mathew. Lokong yun, kung anu-ano inakala sa amin ni Shin.
***flashback
"Girlfriend mo ba, pare?" Tanong nya. Muntik ko na nga syang batukan eh. Buti mahina lang yung pagkakasabi nya at hindi narinig ni Shin. Nahihiya rin naman ako.
"Hindi, sira! Kaibigan lang." Sagot ko.
"Showbiz ka, pare." Pang-aalaska nya." Ni ayaw mo nang ipahawak yung kamay eh.Protective masyado tapos friends lang." Dugtong nya pa.
"Friends nga lang. Ano na? Pahiram muna ng parking lot. Sagot ka na agad!" Pangungulit ko.
Ngumiti sya nang nakakaloko."Sige, payag na ako. Kahit gabi-gabi pa. Bagay naman kayo eh. Goodluck sa panliligaw."
Nailing na lang ako. Akala nya talaga nililigawan ko si Shin.***end of flashback
Masaya ako lagi pag kasama ko sya. Naiisip ko sya palagi.Minsan nga sa office natutulala na lang ako tapos biglang mapapangiti. Naaalala ko yung kakulitan nya.
Parang ngayon...nangingiti na naman ako.Wala namam masama if ligawan ko sya.
Cause I think It's about time to move on.(Shin's POV)
Matapos kong i-park yung kotse, hindi na ako nagsalita. Pumikit na lang ako at in-absorb ang mga nangyari.
"Shin." He called
Narinig ko naman pero hindi ko sya nilingon.
Ang layo na ng narating ko. Parang gusto kong sumigaw sa sobrang saya.
"Shin?" Siya ulit.
Nilingon ko si Zach.
Nakatulala lang ako.
Maya-maya...
"Kyaaaaaaaaaah! Marunong na akong mag-drive! Nakita mo yun!" Sigaw ko.
Napatawa sya nang malakas."Kanina ka pa nagda-drive, ngayon mo lang narealized?"
Ang saya-saya ko.
"Thank you!" Maluha luhang sabi ko sa kanya.
"You're welcome." He smiled.
" Now, lets get off of this car so we could have our dinner." He continued.Dinner date?
(Zach’s POV)
Hindi ko maintindihan kung bakit parang sobra naman yata ang kaba na nararamdaman ko. Para akong sira. Hindi na ako teenager para makaramdam ng ganito. At lalong hindi ko naman first time na manligaw.
Nauna akong bumaba ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. Inabot ko yung kamay ko para alalayan syang bumaba. Nakakatawa kasi diba sya yung nasa driver seat. Kung sa movie ito,yung lalaking nagdadrive ang bababa ng kotse at pagbubuksan ng pinto yung leading lady nyang nakaupo sa passenger seat.
Isipin nyo na lang kung sya yung bababa para pagbuksan ako ng pinto. Haha.. Ang sagwa diba! Napangiti ako sa naisip ko
“Uy, Zach! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” Napalingon ako bigla kay Shin. “ Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman nakikinig tapos pangiti-ngiti ka pa.” Dugtong nya. “Sabi ko, kaninong mansion ‘to? Ang ganda. Baka matrespassing tayo.” Nag-aalalang tanong nya.
BINABASA MO ANG
Not Your Rebound Girl (Remarkable YOU ♥♥♥ )
HumorSheena Mariel Gomez Rosalez, 21 yrs old. "Shina" or simply "Shin". Weird, funny and clumsy. Zachary Liam Marquez, 21 yrs old. Call him "Zach" or "Liam". Suplado, gwapo at mayaman. He is one of the heirs of Marquez Textile Co. pero mas pinili niyang...