CHAPTER 2: Crumpled Paper
PAGPASOK ko pa lang, sinalubong na ako agad ni Crisper, yung officemate ko. Well, maswerte pa nga ako kasi sya ang sumalubong sakin at hindi yung sermon ni Ma'am.
"Uy, Shin, phone call. Hurry up!" she handled me the receiver and gave me a teasing smile. I just rolled my eyes as a reply. Hindi ko na kailangang isipin kung sinong caller. Isa lang naman kasi ang suki ng telepono tuwing umaga, si Mr. Robles.
"Yes, Good Morning!” bati ko after hearing his voice sa kabilang linya. Si Sir Tony nga. Whatta a morning! “What can I do for you, Sir?" tanong ko habang pilit na itinago sa boses ko yung pagkairita. Mamaya malalaman nyo kung bakit.
"Hi Shin, Good Morning!” umpisa nya. “Uhmm, nagbreakfast ka na ba?” Napataas yung kilay ko sa tanong nya.
Client namin si Sir Tony Robles. Sya ang lagi kong ka-transaction sa planta. At higit sa lahat sya rin ang dakilang asungot sa umaga ko. Hindi dahil sa makulit sya at super demanding, nagpapalipad hangin kasi sya sakin which is nakakainis. Haler! I’m only 21 and he’s 45. He’s too old for me.
“Opo, sir. Tapos na.” I answered while rolling my eyes.
“Buti naman. Wag magpagutom.” Dyas ko pei! Awatin nyo ako, babagsakan ko ito ng phone! Bumuntong hininga ako saka muling nagsalita. “What can I do for you sir?” I asked in a formal tone para makahalata naman sya na ayoko ng pinatutunguhan ng usapan.
Tumikhim sya sa kabilang linya saka sumagot.“Remind ko lang saan yung mga files na hinihingi ko. Kailangan ko kasi yun before eleven.”
Oo nga pala! Napakamot ako ng ulo saka hinalungkat yung drawer ko. Ayun! Kinuha ko yung folder saka binuksan. Tapos ko na naman gawin yun kagabi pero kailangan ko pang i-check para siguradong kumpleto bago ko i-scan.
"Oh sir, don't worry. I’ll just have to check these if complete na then send ko po later.” Ibinaba ko sa table yung folder saka tumingin kay Crisper na kasalukuyang ngiting ngiti.
“Good.” Masayang sagot naman nito. “Uhmm, Shin, are you free tonight?” Bigla nyang dugtong.
Pakiramdam ko umakyat sa toktok ko yung magkabilaan kong kilay. Ayan na naman po sya!“Ano, sir?” pagkukunwari kong hindi ko sya narinig. Hinila-hila ko yung cords ng phone saka nagsalita muli. “H-helo—hello--sir? Hindi ko po kayo marinig. Hello---hello—“ pagdadrama ko saka ko pinindot yung end button. Whahahaha…Akala mo ha!
Binalingan ko si Crisper. “Makangiti ka dyan!” Bigla tuloy syang tumawa.
“Namiss ka ba?” tudyo nya sa akin. Alam kasi nya na naha-highblood ako sa pagpapapansin ni Sir Tony.
“Sira!” sagot ko sabay bato ng tissue sa kanya. Lalo lang syang tumawa.
I took a deep breath and turned on my computer. It's going to be a stressful day, indeed. Mabuti na lang ang gwapo ng desktop background ko. Kilala nyo ba si Tak Gu? Si Baker king, yung gwapong taga-masa ng tinapay sa isang koreanobela sa channel 7. Oh my, I so love the guy.
“Good morning, my labs.” Nakangiting bati ko with matching haplos ng gwapo nyang face. “Wag mo naman akong ngitian masyado, baka hindi ako makapag-work ng maayos nyan.” Bulong ko habang titig na titig sa kanya. Tapos bigla kong na-alala yung mayabang na lalake kanina. Medyo hawig nya si fafa Tak Gu ko.
His image flashed back into my memory. He is tall, maybe 5'9" or 6' yun. Cute siya with his well bridge nose and chinky eyes. And I swear, that the man could pass as a model and not just an ordinary employee. Ano kaya sya dito? Kanina ko lang sya nakita sa tinagal tagal ko dito sa company.
Ang gwapo nya but for Pete's sake, the fact does not give him the right to shout at me. Napasimangot tuloy ako nung maalala ko kung gaano sya kasungit. Super suplado naman kasi. Bubulag-bulag daw ako! Yabang nya!
“Hay fafa , magkahawig lang kayo pero sa ugali, hinding-hindi!”
Nakita ko yung sheet of paper sa ibabaw ng desk ko. I crumpled it and throw it to the trash bin. "That's where you belong, Mr. Sungit!"
BINABASA MO ANG
Not Your Rebound Girl (Remarkable YOU ♥♥♥ )
HumorSheena Mariel Gomez Rosalez, 21 yrs old. "Shina" or simply "Shin". Weird, funny and clumsy. Zachary Liam Marquez, 21 yrs old. Call him "Zach" or "Liam". Suplado, gwapo at mayaman. He is one of the heirs of Marquez Textile Co. pero mas pinili niyang...