POV ni Mr. Suplado

211 1 0
                                    

Zach’s POV

                PALABAS palang ako ng office nang biglang bumuhos ang ulan. Wala man lang pasabi. Ni “Hi” or “Hello” man lang. Basta buhos na lang bigla. Badtrip!
Ayoko talaga nang umuulan. Hassle kasi eh. Maputik na daan. Maruming sapatos...Basang damit…At higit sa lahat...mas malalang traffic. 

Ako nga pala si Zachary Liam Cruz Marquez. “Zach “or “Liam” for short.  I’m 21 years old. Single and a graduate of Business Administration. It’s been six days since I got hired in CBCPI, Ltd as Financial Analyst. First job ko ito kaya naman medyo nangangapa pa ako sa trabaho kaya nga heto kahit sabado, pumasok pa rin ako.

Actually, hindi ko naman talaga kailangan magtrabaho sa ibang company. Hindi nyo lang naitatanong, our family owned a company in Cavite, ang Marquez Textile Co. Si Ate Fria, my older sister ang nagtakeover ng negosyo ng pamilya matapos mamatay sila mommy at daddy sa isang car accident five years ago. Dalawa na lang kami sa buhay. Sabi nga nya sa akin tulungan ko na lang siya magmanage ng company tutal sa aming dalawa naman iyon pinamana ng parents namin. Pero sabi ko, ayoko muna. Bigyan niya muna ako ng isang taon para gawin ang gusto ko. After that, I will help her with the company. Pumayag naman siya. Mabait yon kaya heto ako ngayon.

“Whew, ang lakas ng ulan!” Wala pa naman akong payong pero mabuti na lang may jacket ako. Kaso, may isa pang problema, sa guard house pa ako mag a-out. Asar talaga! Bad Trip! Bahala na. tatakbuhin ko nalang.  Mabilis akong nakarating at hindi ako masyado nabasa kasi water proof naman yung jacket ko. Well, product ito ng company namin. Astig noh?

“Thanks, Manong Guard” sabi ko sa gwardiya sabay salute. Aalis na sana ako kaso yung babae nakaharang sa daan. Nakapikit sya. 

 “Excuse me.”, sabi ko. Nakapikit parin siya…Hindi niya ako pinansin. “Excuse me.”  Inulit ko pero wala parin. Tinitigan ko siya. Sya yung nakabunggo ko. Si Ms. Five second beauty…Yung nasa canteen…Saglit nga lang…Ang cute pala niya sa malapitan para siyang angel na natutulog. Parang ang sarap pisilin nung pisngi niya. Napangiti ako, ang bochog kasi! Tapos yung lips niya naka- pout. It’s really cute. 

“Miss, excuse me.” sabi ko ulit. Nilakasan ko yung boses ko para magising siya. Pambihira naman kasi natutulog nang nakatayo sa gitna pa ng daan. Dumilat na siya pero hindi siya tumingin sa akin. “Miss…sabi ko--” uulitin ko sana kaso hindi ko na nagawa kasi bigla siyang nagtaray.

 “Oo, narinig kita! Hindi naman ako bingi!” Kung narinig nya ako bakit di man lang siya sumagot agad?
“Kasi naka ilang excuse na ako, nakaharang ka parin dyan eh... Nakapikit ka pa... Hindi ka dapat dito natutulog.”

Nagalit siya.“Aba’t namimilosopo ka pa!Ano bang gusto mo?” 
Napatunganga tuloy ako. Hinahamon na niya ako ng away. Hinarap nya ako tapos bigla siyang natulala. Natandaan niya kaya ko?

“Hindi naman ako nakikipag-away. Ang akin lang, dapat hindi ka tumatayo dyan sa gitna ng daanan ng mga tao.” Hinawakan  ko yung kamay nya at inakay siya papunta sa isang tabi. “There”, sabi ko  sabay ngiti.Maya maya may sinabi siya. It sound like Per?? Pref ?? Per?? Pref ??  Ah ewan ko. Hindi ko naintindihan kaya sabi ko, “Huh?” pero hindi na siya nagsalita. Napansin ko na lang, namula siya. Bigla siyang yumuko.

                “Miss, namumula ka... Okay ka lang ba?” Parang syang sili. Nag-alala naman ako bigla kasi  pati tainga, ang pula na rin.

 “N-naku...o-okay lang ako..” sagot niya sabay tungo ulit. Ganito talaga ako.. Nagka-kaalergy kapag malamig.”

                “Ganun ba…” May ganun pala. “Uhm...here, you can borrow my jacket?” Hinubad ko yung jacket ko kasi mukang ginaw na ginaw talaga siya. “Hiramin mo muna..saka mo na lang ibalik”, patuloy ko nang hindi siya nagsalita.Tango lang siya ng tango. Ang cute!

Mabuti na lang humina na yung ulan kasi naman, kung magtagal pa ako dito, makukurot ko na yung pisngi niya eh.Ay Shit lang! Ewan makaalis na nga. Tumalikod na ako. Hindi pa aman ako nakakalayo, nang tawagin nya ako. “Sandali!” Lumingon ako.

“Thank you.” Sabi ko naman, “Welcome” then sumakay na ako sa kotse.

TRAFFIC. Sabi sa inyo mas ma-traffic kapag umuulan. Makapagpatugtog na nga lang. Tiningnan ko yung drawer.

                Ayos may CD! Pero hindi naman akin ito. Kay Ate Fria siguro ito. Hiniram niya kasi yung kotse yesterday. Baka naiwan niya. Binuksan ko ang case at isinalang sa player ang CD.

                You’re stock on me and my laughing eyes I can’t pretend though I tried to hide…I like you… I like you…

“Pssh...” Tiningnan ko yung cover ng CD. Si Colbie Calliat pala. Favorite ni Ate Fria.

 Traffic parin.

                ♫I think I felt my heart skip a beat…

Nailing tuloy ako. Naalala ko kasi noong tinitigan ko si Ms. Five seconds Beauty. ‘Yung heart beat ko ang bilis.” Shit lang. Napaisip tuloy ako. Baka kailangan ko na magpatingin sa doctor. Mabuti nang maagap. Si lolo kasi heart attack yung ikinamatay.

Sumilip ako sa bintana. Ang haba na ng pila ng mga sasakyan.

                I’m standing here and I can hardly breathe…You got me… you got me…

                Pero sa totoo lang, hindi ko nga alam kung bakit. So far wala naman akong alam na may sakit ako sa puso. Pero basta parang hindi ako makahinga nung ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Ang cute nya kasi. Napangiti tuloy ako. 

                The way you take my hand is just too sweet… And that crooked smile of yours…it knock me off my feet…

                Pambihira naman. In-off ko yung player. Kung anu-ano na ang naiisip. Nag-umpisa nang umandar yung kotse sa unahan ko kaya sumunod na rin ako.

Not Your Rebound Girl (Remarkable  YOU  ♥♥♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon