Falling...

152 3 0
                                    

Zach's POV

Ding...dong...

I've waited for Shin to open the door. Nandito ako sa labas ng apartment nya. Akala ko nga hindi ako aabot sa usapan. Mabuti nalang malapit lang ang boarding house nya sa company kaya at exactly 6:30, I'm already here, waiting.

Maya-maya pa bumukas yung pinto at nakita ko si Shin. She's wearing a blue offshoulder dress. Simple yet attractive.

She smiled at me.

"Hi, Good evening" I greet her.

"Good evening rin." Sabi naman nya.

"For you.." Inabot ko sa kanya yung long stemed rose na pinilit kong prineserve sa kotse, magmukha lang fresh kapag inabot ko sa kanya. Galing yun sa mansion, same with the flowers na pinadeliver ko kaninang umaga. I don't know kung paano napreserve yung flower but I think it has something to do with the chemical na in-ispray on it.

There's nothing to worry about, sabi naman sakin ni Ate Fria,the chemical is not hazardous to health at yun talaga yung ginagamit ng florist kaya ayun napreserve yung flower.

Oooops, did I mention Ate Fria? Well, nabanggit ko sa kanya na may nililigawan ako and one of these days, gusto nyang makilala in person si Shin.

"Shall we?" I asked then offered my hand which she accepted.

"Sure" she answered then we headed to my car.

"Shin.. Wanna watch a movie with me?"tanong ko nang nasa loob na kami ng kotse.

"Sounds good. Ang tagal ko na ngang hindi nakakapanuod ng movie eh." Nakangiting sagot nya.

Actually, hindi ko alam kung anong showing. Siguro naman may magugustuhan syang panuorin.

SM Mall of Asia, here we come.

Shin's POV

Manunuod kami ng sine ni Zach. Bawal magpahalata na super kilig ako. Kasi naman, mula nang bumaba kami ng kotse, hindi na sya humiwalay sa tabi ko. Alam nyo ba yung feeling na parang artista yung kasama mo na pinagtitinginan.

Hindi ko nga mabilang kung ilang girls yung harap-harapang nagpapacute kay Zach pero deadma lang sa kanya.

Tulad kanina nang pumasok kami sa Shakeys, yung girls sa kabilang table panay ang tingin sa kanya. Narinig ko pang sabi nung isang girl, "Girlfriend nya kaya? Hindi naman sila bagay."

Sumagot naman yung isang girl,"I doubt it." Tapos sabay silang tumawa.

Badtrip lang di ba!? Kailangan naka-mega phone kapag nag-uusap?

"Honey, say ah.."

Nagulat ako kay Zach. Honey daw! Ako? Ako ba?

Nilapit nya sa bibig ko yung pizza kaya naman I have no choice but to take a bite. Hindi lang yun, pinunasan nya pa ng tissue yung bibig ko kasi may naiwan na sauce.

O ano!? Natameme yung mga echoserang girls.

Matapos magdinner, dumeretso kami sa sinehan. Bumili ng ticket si Zach.

"Happy Feet!"

Would you believe that Zach told me once that he likes penguin very much?
Kaya ayun! Yun ang panunuorin namin.

"Ang cute ng story no!?" sabi ko kay Zach nang makalabas kami sa mall at makasakay ng kotse. Gabi na rin kaya naman, after the movie, napagpasyahan na naming umuwi na.

"Yeah, very entertaining. I like the part when the penguins started to sing and dance. Sabay sabay pa sila. Nakakatuwa." tuloy tuloy na sabi ni Zach.

Not Your Rebound Girl (Remarkable  YOU  ♥♥♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon