First date!?

193 2 0
                                    

 First date?

 Shin's POV

ANG daming tao…Wala na akong maupuan.  Mabuti na lang hindi pa nag-uumpisa yung misa. Pasaway kasi si Me-an.Naisip ko na naman yung mukha ko kanina, natatawa parin ako. Pagtingin ko sa kaliwa ko, nakatingin sa akin yung matandang babae. Nagtataka kasi nangingiti akong mag-isa kaya naman nginitian ko na lang siya.

“Peace be with you po.” Tapos tumalikod na ako. Lilipat na lang ako ng pwesto baka akalain niya nababaliw na ako eh. Pumunta ako sa bandang gilid, malapit sa electric fan. Nakatayo man ako, atleast mahangin naman.

                Haay..Lord Thank you po sa  lahat ng BLESSINGS…..

Tapos na yung mass. Ang daming tao.Siksikan kaya hinintay ko munang lumuwag yung exit. Malapit na ako sa gate ng matanaw ko yung tatlong batang kalye. Nandun sila malapit sa magandang sasakyan. Na-curious ako.

 “Ano kayang ginagawa nila?” Lumapit ako at nakita ko tinatanggal nung isang bata yung side mirror ng sasakyan samantalang yung dalawa naman, look out.

 “Hoy!  Anong gingawa nyo dyan ha?” sigaw ko habang papalapit sa kanila.

 
“Lagot Pare! Takbo!” Tumakbo sila kaya naman tumakbo rin ako! Naabutan ko yung isa! Binugbog ko!

Joke lang!

Nahawakan ko yung laylayan ng tshirt nun isang bata. Huli ko na siya kaso tinulak niya ako ng malakas. Sumubsob tuloy ako sa kotse.

                “ARAY!” Ang sakit nung noo ko.Bukol na yata!

 WANG!  WANG!  WANG!  WANG! WANG!  WANG!  WANG!  WANG! WANG!  WANG!  WANG!  WANG!

                Hala! Lagot na! May alarm naman pala yung kotse! Bakit ngayon lang tumunog!?

                WANG!  WANG!  WANG!  WANG! WANG!  WANG!  WANG!  WANG!

Pambihira naman! Tatakbo na sana ako..Kaso may biglang humawak sa braso ko!Huli. 

“Hep! San ka pupunta?” sabi nung mama na humawak sa akin.

  “WALA NAMAN AKONG KASALANAN! PROMISE! NAPADAAN LANG AKO! HINDI NAMAN AKO YUNG MAY GAWA! YUNG MGA BATA YUN! WAG NYO PO AKONG IPAHULI SA PULIS!.”

Bigla syang humagalpak ng tawa. Nilingon ko yung mama. “That’s so funny! You should’ve seen your face.”  Tawa siya ng tawa. Hawak na nga niya yung tyan niya. Tinitigan ko siya. Parang familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Di ko naman makita fully yung face niya, naka-shades kasi.
Hindi parin siya tumitigil sa kakatawa. Batukan ko na kaya?

 TING!   TING!   TING! Tumunog yung kampana. Lord joke lang po. Tiningnan ko ulit yung mama. Nakatalikod na siya sa akin pero natawa parin siya.
Parang pinipigilan nya na yung tawa niya pero di parin niya magawa. Baliw na yata to! Makaalis na nga! Tumalikod na ako at nagumpisang maglakad palayo.

 “Sandali, saan ka pupunta?” Hinawakan niya yung braso ko at hinila ako paharap. Nagulat naman ako  kaya na-out of balance ako. Subsob na naman ako sa kotse. Napapikit na lang ako. Ang malas ko naman.

                10 seconds…

                Hindi ako sumubsob sa kotse. Naramdaman ko may nakahawak sa waist ko. Sniff… sniff..sniff ang bango naman.

                “Acqua di Guio”

                Dumilat ako.  “Huh?” Ngumiti sya ng nakakaloko.

Not Your Rebound Girl (Remarkable  YOU  ♥♥♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon