Under my Umbrella

217 2 0
                                    

CHAPTER 6:                Under my Umbrella

Shin’s POV

Under my Umbrella

It’s a rainy Saturday afternoon. Ngayon ko pa nakalimutang dalhin yung payong ko. Papunta na ako sa guard house para mag time-out ng aking gusot na gusot na DTR nang lumakas ang ulan. Ang malas naman! Pinunasan ko ng panyo ko ang aking braso. Ang lamig. Bakit naman kasi bigla na lang umuulan? Wala man lang pasintabi. Abnormal na talaga ang panahon ngayon.

 Matapos ko magpunch sa bondy clock ay sinilid ko na sa bag ‘yung DTR ko. Nakakinis talaga. Gutom na ako. Tapos ang ginaw pa. Di ko tuloy napigilan mga-grit ang teeth ko. I’m shaking dahil sa lamig. Pumikit ako sandali. Mukha akong basing sisiw. 

                “Excuse me.”

                Tapos tumutunog na yung tiyan ko. Gutom na ako. Hindi kasi ako nakapagmeryenda kanina. Mabuti na lang ako lang ang nakakarinig.

                “Excuse me.”

Sana po tumila na yung ulan.

                “Miss.. Sabi ko, excuse me.”                          

Napamulat ako bigla. Sino ba itong makasigaw naman.

“Miss, sabi ko--”

                “Oo, narinig kita! Hindi naman ako bingi!” pagtataray ko. Bahagya akong umusod pero hindi ko parin sya tinitingnan.

“Kasi naka ilang excuse na ako, nakaharang ka parin dyan eh Nakapikit ka pa. Hindi ka dapat dito natutulog.” paliwanag niya.

 “Aba’t namimilosopo ka pa!” sagot ko nang hindi parin lumilingon. Nakakapikon naman. Hindi naman ako natutulog. Nag-iinternalize lang ako.“Ano bang gusto mo? awa --?”  Hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Napatunganga naman ako.

“Hindi naman ako nakikipag-away. Ang akin lang, dapat hindi ka tumatayo dyan sa gitna ng daanan ng mga tao.” Mahinahon na sabi niya. Nagulat na lang ako nang bigla nyang hinawakan yung kamay ko at inakay ako papunta sa isang tabi. “There”, sabi niya sabay ngiti. Napipi na yata ako. I’m not prepared with this close encounter. Ever since, para sa akin ang brown eyes, maganda lang sa mga puppies pero ngayon nagbago na yata ang isip ko.
Ang cute ng eyes…Ang ganda pa mag-smile. Ang gwapo nya sa malapitan. Sya na yata ang real definition ng salitang…

“Perfect.” 

“Huh?”   Tanong nya. Pakiramdam ko ang pula ng mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin.

“Miss, namumula ka... Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nya na pinagtaka ko. Himala, hindi yata sya harsh sakin ngayon.

 “N-naku...o-okay lang ako.” sabi ko nalang sabay tunngo.Eh kasi naman , kinikilig ako. “ G-ganito talaga ako.. Nagkaka-alergy kapag malamig.” sabi ko na lang.

                “Ganun ba.” Nangunot yung noo niya. Nakita ko hinubad nya yung jacket niya tapos nilagay sa balikat ko.. ”Uhm..here, you can borrow my jacket?” Napatunganga na naman ako. “Hiramin mo muna. Saka mo na lang ibalik”.

Tumango lang ako nang tumango. Tapos nagsmile ulit siya saka tumalikod. Sya ba talaga yun? Parang hindi!Sinundan ko sya ng tingin.Di man lang ako nakapag-thank you.

 “Saglit lang!” sigaw ko.Lumingon naman siya.“S-salamat!”

 “Welcome” with matching smile tapos sumakay na siya sa kotse nya. Nakakaloko naman biglang humina yung ulan. Pwede ko nang takbuhin pauwi sa bago kong boarding house.Well, kapit-bahay ko na lang ngayon yung company dahil lumipat na ako kahapon. Hindi na ako male-late. Hahaha.

Not Your Rebound Girl (Remarkable  YOU  ♥♥♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon