"Hey Guyz, hindi talaga kayo sasama?" Pangungulit ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa canteen. Buti na lang, wala pa masyadong nagmemeryenda kaya naman hindi pa mahaba yung pila.
"One order po ng spaghetti" - si Lane.
Napasimangot naman ako. Hindi ba nila ako narinig or ayaw lang nila akong pakinggan.
"Hey...guyz---"
"Ay ako din gusto ko po nyan!" Napatingin ako kay Nicole. Nagraised pa siya ng hands niya as if reciting. Parang bata lang noh?
"Ako din gusto ko!" sabay sabay na sabi nila Ghie, Ross at Crisper.
Nagkatinginan nalang kami nila Shy at Lily.
"Okay, Ilan tayo?" Tanong ni Lane.
Automatic naman na nagsipagtaasan sila ng kamay kaya naman nagsipagtaasan na rin kami ng kamay. Napangiti kami sa kalokohan namin.
"Ayos ah, parang nasa classroom lang." Comment ni Manong Cantinero.
Natawa naman kami. Hindi na kami nahihiya sa asal namin kasi ka-close namin yung mga taga-canteen eh.
Matapos ibigay yung order namin, in-occupy namin yung table malapit sa bintana, katapat ng entrance. Favorite spot naming yun eh.
"Hey.. ano na? Sama na kasi kayo!" -ako ulit.
"Pass ako!" chorus na naman nila.
Napangiwi tuloy ako. ( Kailangan talaga sabay sabay kapag sumagot eh ano. Ayaw nilang sumama so ibig sabihin ako lang sa grupo namin ang aattend bukas sa Coastal Clean up na inorganize ng Company Foundation.
"Bakit ba ayaw nyo?"
"Hay naku Shin...Paulit-ulit?" Natatawang sagot ni Ross. Well, alam ko naman ang dahilan kung bakit but I'm still hoping na magbago ang isip nila. Saturday kasi yung coastal clean up at lahat sila ay uuwi sa province to spend their weekends. Ako naman, next week pa ang schedule ng uwi ko sa Cavite. Every other week kasi ako kung umuwi sa amin.
"Oo na, baka lang kasi magbago pa isip nyo eh."
"Ikaw na lang...kaya mo na yun!" -si Lily. "Malay mo..kasama pala si Fafa Zach, eh di makakapagmomment kayo." Natatawang dugtong niya.
"Ay shockz? Shin, malay mo kasama nga siya!" Excited na sabat ni Crisper.
"Eh di tanungin na lang natin. " Napalingon naman ako kay Ghie. "Ayun siya oh!" Tapos napatingin ako sa entrance.
Parang slow motion lang.
Dumaan siya at yung mga kasama niya sa malapit sa table namin. Hindi ko alam if babatiin nya ba ako if ever na batiin ko sya kya hindi ako yung unang bumati. Alam nyo na playing safe."Hi" Bati nya sa akin.
"H-hello!"
Ngayon na lang ulit kami nagkausap after nung sa Jollibee. Kasi naman bihira akong maglunch sa canteen these past few days. Ang dami ko kasing ginagawa. Nakuntento na lang ako sa mga chica ng mga friends about him sa tuwing kakain sila dito sa canteen. Infairness, na-miss ko ang smile na yan!
"Hi Zach! I'm Lane. " Ngiting ngiti ang luka-luka. Inabot nya pa yung kamay niya para makipag-shake hands. Nagulat ako kay Lane. Wag nyang sabihing itatanong nya talaga kay Zach yun.
"Hello." maikling sagot namamn. Tapos isa-isang nagpakilala yung mga friends ko. Gusto ko sana silang awatin pero hindi ko naman magawa. Mahirap na, baka mabuko pa ako. Makukulit pa naman ang mga yan.
"Uhmmm, Zach sasama ka ba bukas sa clean up?" Tanong ni Nicole. Tumingin pa sya sa akin para bang nang-aasar.
"Oh, yeah. Sasama ako. Kayo rin ba?" excited naman na sagot nya.
"Hindi eh.." Sagot nila. Chorus ulit. Napatunganga naman ako.
"Pero si Shin, kasama." Dugtong ni Ross. Nangingislap pa yung mata nya. Kulang na lang sabihin nya na "Im happy for you!""Good. Tayo na lang ang tabi sa bus tomorrow." Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Ako lang din kasi ang aatend sa grupo namin bukas eh.
"Sige.." Maikling sagot ko.
"Okay" He smiled again at me tapos nagpaalam na sya sa lahat. Nagwave pa siya sa akin.
Este sa amin pala.Zach's POV)
Maaga akong nagising for the coastal clean up namin sa Bataan. 6:00 am kasi ang call time. Hindi na nga ako nakapagbreakfast. I'm actually excited.First time ko kasing magjoin sa ganitong campaign and besides hindi pa ako nakakarating ng Bataan.
I went to 7/11 para bumili ng coffee. Magbabayad na ako nang may bigla akong maalala.
"Dalawa na po." Sabi ko sa cashier.Binigay nya naman ako ng dalawang cups. Naisip ko lang sana pagdating ko andun na sya. Sayang naman kung lalamig itong kape.Ano kayang gusto nyang timpla. Vanilla Coffee nalang kaya?
'Masarap naman ito eh.. Favorite ko nga 'to eh.. saka ni Kei--"Ano bang naiisip ko!?
Erase! erase!
After filling the cups, lumabas na ako ng 7/11. Malapit nang mag-6. Wala akong balak maiwan ng bus.
(Shin's POV)
"Ah...malelate na ako!" Bulong ko habang patakbong bumaba ng hagdan. Mabuti na lang talaga isang tambling lang mula sa boarding house namin papunta sa company.Tiningnan ko yung wristwatch ko."I still have 5 minutes!" Papasok na ako sa office compound ng marinig kong may tumawag sakin.
"Shin!" Napalingon ako sa driver ng red car.
"Sakay ka na!" Sabi nya tapos binuksan yung passenger seat. Mabilis naman akong sumakay."Ang ganda ng Umaga ko!" Nabigla kong bati sa kanya.
"Huh?" Natatawang tanong nya. Tapos inabot nya sa kin yung plastic without looking at me.
Buti nalang busy sya sa pagpa-park kaya di nya narinig."Sabi ko Magandang umaga!" Palusot ko.
"Para sa akin to?" Pagiiba ko ng usapan. Ang bango ng vanilla coffee."Good Morning din." Naiiling na bati nya. "Para sayo yan. Nainom ko na yung akin." dugtong nya pa tapos lumabas na sya ng kotse.
Bubuksan ko na sana yung pinto kaso naunahan nya ako.
Infairness,gentle man.."Thank you."Ngumiti lang sya. Tapos kinuha nya sakin yung bag ko at sya na ang nagbuhat kaya naman yung coffee na lang yung bitbit ko.
"Dalawa na lang ang kulang!" Narinig kong sigaw nung organizer."Saglit lang ha!" Sabi ko sa kanya.
Mabilis kong ininom yung coffee..baka matapon eh..Hindi naman na ako mapapaso kasi maligamgam na.
Nakatingin lang sya sakin. Parang pinipigil na naman nya yung tawa nya.
Matapos maubos yung kape, tinapon ko yung cup sa trashcan.Nagulat na lang ako nang hilahin nya yung kamay ko.
"Tara na!"Sabay kaming tumakbo palapit sa bus.Ito ang tinatawag na HHWR.
Holding Hands While Running!
BINABASA MO ANG
Not Your Rebound Girl (Remarkable YOU ♥♥♥ )
HumorSheena Mariel Gomez Rosalez, 21 yrs old. "Shina" or simply "Shin". Weird, funny and clumsy. Zachary Liam Marquez, 21 yrs old. Call him "Zach" or "Liam". Suplado, gwapo at mayaman. He is one of the heirs of Marquez Textile Co. pero mas pinili niyang...