Shin’s POV
♫ Oh…I just can’t get enough…find my stoup
I neeeed to fill me uuuuup…♫
"Wooooooh! Ang lamiiiig….” sigaw ko habang tuloy tuloy na nagbuhos ng ilang tabo ng tubig. Kinuha ko yung bote ng shampoo at tinaktak Kailangan ko na palang mag-grocery.Paubos na ‘yung shampoo ko eh.Kinuskos ko ‘yun sa buhok ko at itinuloy ang aking makapagbagdamdaming pag-awit.
♫ It feels so gooood… It must be love…Its everything I’ve been dreaming off…♫I give up…I give in… I let go…lets begin…♫
“Hoy Shin! Dalian mo kaya dyan… Ang sakit na ng tiyan ko…” Yung room mate ko yun.Parang tinatawag na naman ng kanyang “morning ritual”. “Shin….!” sigaw nya sabay katok..
“Naman Me-an…Wrong time ka talaga!”
“Pleeeeeease, bilisan mo na… Bahala ka… Kasalanan mo kapag---- “
“Oo… 5 minutes…heto na…” Nagmadali akong nagsabon at nagbanlaw. Every morning, ganyan yang si Mean. Ewan ko ba sa tiyan nya, super active. Strict sa schedule.
“Hold on…baby..hold on.."
“Shin naman eh…!” Angal niya..
“OO na.. Lalabas na po..” Natatawang sagot ko. Kinuha ko yung towel sa rack at itinapis. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin yung mukha nya na hindi ma-ipinta.
“Lumabas ka na kaya… Dali…” Pagmamadali niya sa akin..
“Chillax…” sabi ko sabay tawa.
“Luka_luka..” natatawa naring sabi niya.
Naiiling na binuksan ko yung cabinet. “Hmmmn..Ano kayang maisuot?” Mini mini my ni mo...Gotcha! Kinuha ko yung light yellow na offshoulder blouse at knee length jeans.
“Yellow for happiness!” Tamang tama lang sa mood ko. I have a good vibes that today is the lucky day for me.
…♫ I can’t imagine what it’d be like..♪Livin’ each day in this life..Without you…without you..♫
Sunday kasi ngayon at walang pasok. Magsisimba ako tapos bahala na kung saan dalhin ng mga paa.Basta maglalamyerda aketch. Walang plano-plano.Hindi uso sa akin yun eh. Matapos magbihis, humarap ako sa salamin at naglagay ng powder and lipstick.
“ Ganda mo talaga!” sabi ko sabay kindat sa repleksyon ko sa salamin.
“Hay naku naman Shin! Magkape ka kaya para nerbyusin ka naman!”
“Hay naku Me-an, mag-diatabs ka kaya para--”
“Aray.” luka-luka talaga to! Batuhin ba raw ako ng unan!“Uy Shin, atleast regular ako, hindi tulad ng iba dyan…Whahaha Constip--” Toinks…This means war! Talsik yung unan sa face niya! Sapul!
“Aray! Aba’t gumaganti ka ha…” Nakita ko kumuha siya ng dalawang unan mukhang ibabato niya sa akin.
“Hep..hep…tama na..Ayaw ko na..Mabubura yung make up ko.” pigil ko sa kanya.Nakataas pa yung dalawa kong kamay. Nanlaki yung eyes niya tapos lumapit pa talaga siya sa akin.
“Make up na ba ang tawag mo dyan…?” Tumawa siya ng malakas. “Powder and lipstick..Make up na yan sayo, Nyek!” Napasimangot naman ako. Nang-aasar na naman siya. Alam niya kasing hindi ako marunong mag-make up. Nakita ko pumunta siya sa drawer niya tapos may kninuha siya.
“Lapit ka dali..Lalagyan kita ng make-up!”
“Talaga?” na-excite naman ako.
“Oo..Dali!” sabi niya..nakinang pa yung eyes niya. Lumapit naman ako.Excited much.
“Siguraduhin mong maganda ang result ha..Kung hindi..lagot ka sa akin!”
“Haha..Daanin ba raw sa laki ng braso!” Tawa siya ng tawa!
“Aba! Hoy Me-an, ang yabang mo! As if hindi malaki yung braso mo.” balik ko sa kanya.
“Joke lang..” Tawa parin siya ng tawa.
Ganito lang talaga kami. Pero infairness, mabait si Me-an. Kalog din siya saka palatawa. Kaya naman close na agad kami kahit kakalipat ko lang halos dito sa bago kong boarding house.
“Oh, ayan ha. Yan ang make up! Shockz! Ang ganda mo Neng!”sabi niya sabay takbo. Humarap ako sa salamin. Nagulat ako. “ME-AN! ! !” Luka yun, ginawa akong clown. Dinig ko pa rin yung tawa niya. “PEACE girl!” sabi niya bago isara yung pinto.
Luka luka talaga yun! Tiningnan ko ulit yung mukha ko sa salamin. “Ammmp…” pati ako, natatawa sa mukha ko. Naisahan ako nun ah. “Makapag-hilamos na nga.”
![](https://img.wattpad.com/cover/663202-288-k711158.jpg)
BINABASA MO ANG
Not Your Rebound Girl (Remarkable YOU ♥♥♥ )
HumorSheena Mariel Gomez Rosalez, 21 yrs old. "Shina" or simply "Shin". Weird, funny and clumsy. Zachary Liam Marquez, 21 yrs old. Call him "Zach" or "Liam". Suplado, gwapo at mayaman. He is one of the heirs of Marquez Textile Co. pero mas pinili niyang...