CHAPTER 1
"HINDEEEEEEE!" impit na sigaw ni Jana nang biglang magshut-down ang kanyang laptop computer.
"Lintek naman o! Hindi ko pa nase-saved yun!" hinubad niya ang suot na salamin at hinilot ang kanyang sentido.
Kasalukuyan kasing nilalaro niya ang sikat na computer game na "Plants vs Zombies" nang biglang mamatay ang kanyang laptop. Nakita niyang lumabas sa isang sulok kung saan naroon nakasaksak ang laptop ang kanyang pusang si naruto.
"Aha! Humanda ka sa'kin ngayon!"
Malamang ay pinaglaruan na naman nito ang wiring kaya namatay ang kanyang laptop. Malapit na sana niyang maabutan si naruto nang biglang bumukas ang pinto at tumama ang noo niya roon.
"Aray!!!"
"Huh?"
Umawang ang bibig niya nang mapagsino ang may kasalanan ng bukol sa kanyang noo.
"Jasper?!"
"Missed me?" nakangiting anito sa kanya.
"Anong ginagawa-"
"Jana, ano bang ginagawa mo diyan at nakaupo ka sa sahig? Padaanin mo naman itong si Jasper at mabigat ang mga pinamili namin." ani ng kanyang Nanay Tanya habang nagpapaypay.
Agad na tumayo siya at sinubukang kunin sa binata ang ilan sa napakaraming supot na hawak nito.
"Ako na at baka mabali pa 'yang mga buto mo. Mawawalan pa si nanay Tanya ng skeletal system model." anitong natatawa. Hinampas niya tuloy ito sa braso at inismiran.
"Kapal mo biik. Ikaw nga diyan ang laki ng bilbel mo dinaig mo pa 'yong bulldog nila Ate Rizza."
"Bilbel? Pakita ko pa sa'yo 'tong six pack abs ko eh."
"Utot mo! Six pack abs? Wuu! Baka 'kamo six fat abs!" binuntutan niya iyon ng tawa.
"Next time ipapakita ko sa'yo 'tong abs ko at nang matahimik ka." natatawang anito.
"Muka-"
"Kayong dalawa, ipasok ninyo na nga iyang mga pinamili ko at baka mangamoy na ang mga isda riyan."
"'To kasi eh!" binelat-an pa siya nito ngunit bago tumuloy ito sa kanilang kusina ay tumitig sa kanya ito na naging dahilan para maging uneasy siya. Bumilis kasi bigla ang kanyang puso sa 'di niya malamang kadahilanan.
"Nangingitim na 'yong noo mo. Lagyan mo ng cold compress baka magmukha 'yang dart target." anito saka tuluyang na siyang iniwang nakatanga.
"Biik!"
Biik at buto. Iyon ang naging tawagan nilang dalawa ni Jasper simula noong first year high school pa sila. Mataba kasi si Jasper noong nasa elementarya pa lamang ito kaya biik ang asar niya dito. Siya naman, dahil sa payatot, siya ay tinatawag nitong buto. Pero nang nasa kolehiyo na sila pareho, hindi na sila biik at buto. Inaamin niya na hindi na nga mataba si Jasper. In fact, may katawan na ito at mas lalong naging guwapo. Heart throb na kasi ito simula high school pa lang sila at maging no'ng mag-college sila. Minsan na niyang naging apple of the eye ito noong high school pa lamang sila ngunit agad na nawala din iyon dahil nalaman niyang may iba pala itong gusto. Kaya pinatay na niya ang anumang espesyal na damdamin dito at nanatili silang magkaibigan.
Muli niyang isinaksak ang kanyang laptop upang ipagpatuloy ang paglalaro nang may biglang umagaw sa kanyang upuan.
"Hoy biik, tabi nga d'yan. Maglalaro ako eh!"
"Sandali lang, may titignan lang ako."
Tinulak-tulak niya ito.
"Ano ba naman 'yan buto, ang dali-dali na nga nitong larong 'to tapos level two ka pa din? Ako nga sa isang oras kaya ko na 'tong tapusin eh!"
"Yabang talaga nito! Ikaw na! Ikaw na magaling!"
"Ako na talaga ang magaling." anitong ngumiti na kayang magpabuwag sa lahat ng mga babae maliban sa kanya.
Pero mukhang mapapasama ako sa mga babaing iyon... piping sabi ng isang sabi ng utak niya. Na agad namang kinontra ng kabila.
Utot!
"Oh, napano ka na buto? Natutulala ka na naman sa'kin. Ganoon ba talaga ako ka-guwapo?" pumalatak pa ito habang umiiling. Halatang nang-aasar. Salamat sa kayabangan nito at bumalik siya sa kanyang huwisyo.
"Kapal mo talaga biik ka." Tinulak niya ito ng malakas subalit mabilis na nakailag ito. Muntik na siyang sumubsob sa sahig ngunit nasalo siya nito. Napaupo tuloy siya sa mga hita nito at napayakap siya rito. Tila bombang sasabog na ang kanyang puso sa lakas ng pagtibok niyon. Agad niyang inilayo ang kanyang mukha sa leeg nito. Ngayon ay ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nito sa kanya. Halatang nagulat din ito sa naging sitwasyon nila ngunit agad din itong nakabawi at ngumiti.
"Nakaka-ilang tsansing ka na sa'kin Jana. Baka kasuhan na kita ng sexual harassment niyan." anito sabay tawa.
Nag-iinit ang kanyang mukha pero kailangan niyang bumawi dahil baka isipin nitong tuwang-tuwa siya sa kanilang sitwasyon. Kinurot niya ito sa bandang dibdib.
"Ouch!"
"Baka 'kamo ako ang magsampa sa'yo ng kaso. Lumayas ka na nga dito sa palasyo ko at-"
"Tita Jana!"
Isang boses ng batang lalaki ang kanyang narinig.
"Ate Lorie?!"
Dumating ang kanyang pinsan kasama ang anak nitong si Renze. Agad na tinakip nito ang kamay sa mata ng anak nito.
"Mali...ang...iniisip...mo?!"
"ANO KA BA NAMAN JANA, wala iyon. Kunwari na lang wala kaming nakita ni Renz."
"Mali nga kasi ang iniisip mo! Niyo pala."
"Okay nga lang iyon ineng. Aba'y bente syete ka na. Matagal ka nang college graduate pero ni hindi ka pa nagkakaroon ni isang boyfriend. Saka, bagay naman kayo ni Jasper eh. Maganda ka. Guwapo siya. Matalino ka. Matalino din siya tsaka boto sa kanya ang magandang angkan natin-"
"Hay naku Ate Lorie, 'wag mo na ngang itukso sa'kin 'yang si Jasper. 'Di ko siya type. Palagi niya akong inaaway saka magkaibigan lang kami. Period."
"Aba'y bahala ka nga diyan. 'Ayan lang siya, katapat lang ng bahay niyo. Baka mamaya may iba pang makasibat ng puso niyang si Jasper at manghinayang ka."
"Naku 'teh, ginawa mo namang katutubo 'yong biik na iyon. Eto, itaga mo sa lahat ng batong madadaanan mo. Nevah kong magugustuhan 'yong biik na 'yon!"
"O sige pupusta ako, isang milyon."
"Okay. Game."
Ah! Talaga! Nevah ako magkakagusto sa biik na iyon! Nevah!

BINABASA MO ANG
Perfect Love, Perfect Chemistry
Romance"I really enjoyed doing those school activities with you and I don’t want anyone else to be paired up with you. " Jana and Jasper has been the hottest loveteam of their section during high school days. Bukod doon ay kapitbahay rin niya ito. Minsan n...