Perfect Love, Perfect Chemistry: CHAPTER 7

739 17 0
                                    

CHAPTER 7

Nagmamadaling nagtungo si Jana sa bahay ni Jasper at dali-dali siyang umakyat patungo sa silid nito. Nakita niya itong nakahandusay sa sahig kaya agad niya itong dinaluhan.

"Jasper!"

Hindi niya alam ang gagawin. Kung bakit kasi hindi na lang siya naging isang nurse para alam niya ang kanyang mga gagawin kung sakaling magkaroon ng mga ganoong sitwasyon. Nagpa-panic na siya kahit hindi dapat. Hinawakan niya ang noo at leeg nito. Nag-aapoy sa init iyon. Idagdag pa ang panginginig nito. Lalo siyang nataranta.

Agad na hinanap niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa ngunit naiwan niya ito sa kanyang kwarto. Mabuti na lamang at naroon ang telepono ng binata na nakapatong sa kama. Agad na dinampot niya iyon at tinawagan ang kanyang pinsan. Mabuti na lamang pala at kabisado niya ang numero nito.

"Genil!"

"Aray! Nabasag yung tympanic membrane ko, Ate Jana! Makasigaw naman to-"

"Genil tulungan mo ako! Si Jasper-"

"Oh! Sino 'yang umuungol sa linya mo?!"

"Huh?"

Nilingon niya ang nakahandusay na binata at nakita niya ang pag-ungol nito. Tila may dinadamdam ito base na rin sa panlulumong nakikita niya rito.

"Jana..." mahinang tawag nito. Pawis na pawis ito at tila kinakapos ng hininga. Agad niya itong nilapitan at pinunasan ang mga pawis nito gamit ang kanyang mga palad.

"Ate Jana, ha! Bakit kelangan niyo pa akong tawagan habang nagla-loving-loving kayo ni Jasper mo. Nakaabala pa tuloy ako." Kahit kailan talaga ay berde ang utak nito.

"Hoy! Genelika Maria Arellano! Magtigil ka nga riyan sa pinagsasabi mo-"

Muli na namang umungol ang binata at hinihingal. Kahit nakapikit ito ay nababasa niya ang nararamdamang sakit nito.

"Ohlalala! Ano 'yan, Ate Jana! Ibababa ko na itong telepono at kung ano-anong mga tunog na hindi pambata ang naririnig ko."

"Sira ka talaga, Genil! Mali ang iniisip mo! Ang init-init ni Jasper. Pinagpapawisan siya tapos kinakapos ng hininga-"

"Ano naman ngayon?"

"Anong 'ano ngayon'?!"

"Eh, 'di ba normal naman 'yang mga ganyan kapag gumagawa ng baby? Nabasa ko iyon sa anatomy book ko dati." pagpapatuloy pa nito.

Kung katabi lamang niya ang pinsan marahil ay binatukan na niya ito dahil kung anu-anong kaberdehan ang pumapasok sa utak nito.

"Mali nga ang iniisip mo! Si Jasper may lagnat! Ang taas-taas kasi sobrang init niya. Pinagpapawisan siya tsaka hinihingal! Ano ang gagawin ko bruha, sumagot ka!" pabalang na sagot niya rito.

"Makasigaw!" reklamo pa nito. "Heto naman kasi si Ate Jana, dapat sinabi mo agad na may lagnat hindi 'yong kung anu-anong description binibigay mo."

"Sagutin mo na lang 'yong tanong ko!" Kulang na lamang ay magbuga siya ng apoy.

"Oo na, oo na."  

Sinabi na nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin at maigi niya iyong inintindi. Inalalayan niya ang binata patungo sa kama nito subalit nang ibaba niya ito ay na-out balanced siya kaya bumagsak siya rito. Ngayon tuloy ay nakapaibabaw siya rito. Nang mag-angat siya ng tingin ay dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.  

Damn those brown eyes for being so good to be true! Kahit na nahihirapan ay nagawa pa rin nitong ngumiti sa kanya.

"May sakit na nga ako Jana binabalakan mo pa akong rape-in. 'Wag ngayon Jana, hindi ako ready."

Hinampas tuloy niya ito sa dibdib. Napasinghap naman ito sa sakit.

Agad siyang tumayo at hinawakan ang noo nito. Mainit pa rin iyon.

"May sakit ka na nga puro kaberdehan pa rin iyang utak mo, lalaki. Diyan ka muna saglit kukuha lang ako ng tuwalya at tubig pampunas sa iyo." Ginawa niya ang sinabi. Kumuha siya ng tuwalya at maligamgam na tubig na nasa isang maliit na palanggana at saka ay umupo siya sa upuan katapat ng kama. Pinunasan niya ang mga braso nito pagkatapos ay pinaupo niya ito sandali at saka ay pikit-matang pinunasan niya ang katawan nito. What a damn hot oozing sexy body. Sabi na lamang niya sa sarili.

Susme! Patawarin ninyo ako!

Matapos niyang punasan ito ay binuksan niya ang closet nito at saka ay kumuha siya ng pamalit. Napabuntong hininga na naman siya nang makita niyang muli ang napakagandang katawan nito. He never failed to surprise her.

"Umupo ka muna at bibihisan kita. Ayan kasi eh! Hindi mo inaalagaan 'yang sarili mo nagkakasakit ka na! Mag-day off ka naman kasi minsan hindi yung subsob ka sa trabaho."  

Patuloy ang paglilitanya niya habang binibihisan ito ng pang-itaas. Nang ibuka nito ang bibig ay nagtayuan ang kanyang balahibo nang masamyo ng kanyang pisngi ang minty at mainit na hininga nito.

She could almost freeze out with that simple gesture. Akmang aalis na siya upang banlawan ang tuwalya nang hawakan nito ang mga kamay niya. She could feel that oozing electric current flowing in her body that unwinded the horses in her heat. When she turned to him, she saw his sincere smile.

"Thank you Jana..."

Nginitian niya ito bilang sagot.

Abala si Jana sa pag-eedit ng mga pictures sa kanyang computer sa loob ng kanyang studio nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang napakagwapo niyang manliligaw. Na hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang siya ang nagustuhan ko. May dala itong pumpon ng mga rosas.

"Hi pretty lady!" anito sa kanya at saka ay iniabot sa kanya ang pumpon ng mga rosas at umupo sa isang upuan sa tapat ng kanyang mesa.

"H-hi Dennis! Napadalaw ka. Maraming salamat pala rito sa mga bulaklak." Nakangiting bati niya rito. Sinuklian nito iyon ng napakatamis na ngiti.

Bakit ba kasi hindi na lang ikaw?! Nakakainis!

"Walang anuman. Are you free tomorrow night?" Marahil ay yayayain na naman siya nitong lumabas. Saglit na nag-isip siya.

"Wala naman akong gagawin. Bakit mo naman natanong?"

"I'm asking you to be my date on my bestfriend's birthday. And I'm not taking 'no' for an answer." Nakangiti pa rin ito subalit nararamdaman niya ang tinig ng pakikiusap nito. Ilang beses na rin niyang tinanggihan ito subalit heto pa rin ito't masugid siyang sinusuyo.

"Ah, sige. Anong oras ba iyon para naman mapaghandaan ko kahit papaano."

"I'll pick you up at eight in the evening."

"Sige."

"Thanks."

"Huh? Para saan?"

"For being my date tomorrow."

"Sus, wala iyon. In fact, kulang pa nga iyon kumpara sa dami ng mga binibigay mong bulaklak. Kung kukuwentahin mo nga yon lahat ay puwede na akong magpatayo ng flower shop."  

Binuntutan pa niya iyon ng tawa. Nakitawa na rin ito sa kanya.

"Paano, mauna na ako. May work call na naman ako. Ang totoo dinaan ko lang rito yang bulaklak."

How sweet of him! He's a doctor yet he has time for her. Not to mention, he's giving out his precious time just to deliver flowers to her studio. And this doctor is no ordinary. He's tall, handsome, masculine and he has good charisma. Sino ba namang babae ang hindi mahuhumaling rito?

Ikaw. Kasi may laman na yung puso mo! Sigaw ng isang panig ng kanyang isip.

"Okay. See you."

Muling ngumiti ito bago umalis.

Perfect Love, Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon