Perfect Love, Perfect Chemistry : CHAPTER 5

1.1K 20 0
                                    

Nagpunta si Jana sa maliit niyang opisina upang kahit sandali ay makapagpahinga. Napagod siya ng husto nitong nakaraang linggo dahil sa napuno ang schedule niya ng photoshoot para sa mga fashion magazine. Kulang na kulang ang tulog niya at minsan ay nalilipasan na siya kaya marahil ay nangayayat siya. Gutom na talaga siya at inaantok ngunit bago pa man siya makalapit sa swivel chair niya ay biglang may tumawag sa kanya mula sa labas. Kaya kahit nahihilo na siya ay napilitan siyang lumabas.

Tumambad ang isang boquet ng pulang rosas nang buksan niya ang pinto. It was Dennis. The greatest physician she ever knew. And her suitor as well. Mula nang magkakilala sila nito noong isang buwan ay hindi na siya tinantanan pa nito. Nagkakilala sila noong ma-ospital bigla ang isa sa mga modelo niya kaya siya mismo ang nagsugod nito sa ospital. Ito rin ang naging doktor ng kanyang modelo kaya nagkakilala sila nito hanggang sa sinabi nitong liligawan siya nito. He was tall, white, handsome, elegant, and smart like Jasper. Teka nga, ba’t ba niya ito ikinukumpara sa kaibigan niya? Iwinaksi niya sa kanyang isipan si Jasper pagkatapos ay nginitian ito. Gumanti din ito ng ngiti na umagos hanggang sa tainga. Halata kasi rito na talagang may pagtingin ito sa kanya, sabi ng mga katrabaho niya.

“Dennis, anong ginagawa mo dito?”

“Just to deliver this.” iniabot nito sa kanya ang boquet ng rosas. Although she really doesn’t like flowers, she just appreciated the effort. “And this.”

Mayroon itong iniabot sa kanyang invitation card. Binuklat niya iyon.

“If you wouldn’t mind. Can you be my date on that day?”

“Huh?” tinignan niya ito. Gwapo ito, oo. At halos lahat na ng magandang katangian ay narito na. Pero bakit ganon at hindi nito kayang patibukin ang puso niya? Hanggang sa napuno na naman ng imahe ni Jasper ang kanyang isip. Sa kanyang isip ay naglalakad ito papalapit sa kanya na salubong ang kilay. Pero bakit nakasimangot ito sa kanyang imahinasyon? Hanggang lubusang nakalapit ito sa kanya at tapikin siya nito sa noo. Hindi pala imahinasyon iyon kundi katotohanan. Ngunit anong ginagawa nito roon? Hindi muna niya ito pinansin.

“Ahm…Dennis itse-check ko muna 'yong schedule ko kasi maraming follow-up photoshoot events pa akong dadaluhan kaya hindi ako makakapangako kung makakasama ako.”

Hindi niya alam kung bakit pero nang balingan niya ang dalawa ay parang leon at tigre ito kung magtinginan. Huh?

“Uhm… Dennis, this is Jasper, my…friend and Jasper, this is Dennis, my friend too.” pagpapakilala niya rito. Hindi niya alam kung bakit tila may tensyong bumabalot sa pagitan ng dalawa. Pero hindi niya inaasahan nang biglang ngumiti si Jasper sa 'di malamang kadahilanan at nakipagkamay.

“Jasper Castillo.”

“Dennis Florencio, pare.”

Biglang tumunog ang cellphone ni Dennis. Marahil ay galing iyon sa ospital. Sandaling nagpaalam ito sa kanila upang sagutin ang tawag. Napakasuwerte nga niya kung tutuusin dahil sa kabila ng pagka-busy nito sa ospital ay nagagawan pa rin nitong mag-aksaya ng oras para ligawan siya. Nakakainis! Bakit ba hindi na lang ako sa iyo nainlove Dennis?! Para hindi komplikado ang lagay ng puso ko!

“Jana, I need to go. I’ll pick you up later at six. Sabay na tayo magdinner.” Bumalik na si Dennis sa kinatatayuan nila at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa nito. Iyon ang unang beses na hinalikan siya nito kaya hindi kaagad siya nakapag-react. Nakita na lang niya itong hinawakan ang balikat ni Jasper tanda ng pagpapaalam. Bago pa ito lumabas sa kanyang studio ay kumaway pa ito sa kanya at ngumiti.

“Nagulat naman ako doon at nagpapahalik ka na pala sa kung sinu-sino.” narinig niyang sabi ni Jasper pagkatapos ay umupo ito sa kanyang swivel chair.

Perfect Love, Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon