CHAPTER 4
Hindi kataka-takang malaki nga ang babayaran ng mayamang lawyer na si Martin sa reunion nilang iyon. The place was indeed extravagant. Parang hindi mo na gugustuhin pang bumalik sa buhay sa Maynila. Boracay is, without a doubt, one of the hottest tourist destinations in the Philippines. The water was crystal clear and the sand was powder white.The striking Mediterranean-inspired architecture, gardens and the beach front of the resort was indeed standing unparalleled in beauty of the entire island.
Sobrang ganda in short!
Tanging sila-sila lamang magkakaklase ang naroon sa resort dahil isa iyong private resort na inarkila ni Martin sa kaibigan nito. Ngunit ni isang anino ng mga kaklase niya ay hindi niya matagpuan. Pinili na lang niyang maglakad-lakad sa tila powderized na puting buhangin niyon at singhutin ang simoy ng hangin kaysa magpakapagod na galudgurin ang lugar para mahanap ang mga magagaling niyang kaklase.
Ah...heaven...
Habang naglalakad siya ay mayroon siyang napansing lalaking nakatayo sa 'di kalayuan.
"Aba! May gwapo!" sabi niya sa sarili.
Oo gwapo, kahit likod pa lang ang nakikita nya ay naamoy na niyang gwapo ang lalaking hubat barong iyon.
Napakakisig kasi nitong tignan base na rin sa tindig ng katawan nito. That guy was half-naked and he's wearing a floral blue summer shorts but it didn't even lessen his appeal. Napaka-guwapo talaga nito kahit hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Napakaganda kasing pagmasdan ng likuran nito. Kahit sino sigurong babae ay gugustuhing dumantay sa malapat na mga balikat ng lalaking iyon. Tila may kung anong magnetong humahatak sa kanya para lapitan ang lalaki. Ilang hakbang na lamang ang layo niya sa lalaki nang biglang lumingon ito sa kanya.
Tila nagulat ito nang makita siya ngunit napalitan agad iyon ng isang matamis na ngiti. Napatigil tuloy siya sa paglalakad at tumabingi ang kanyang ngiti.
"Jasper?!"
"Yes?" anitong hindi inaalis ang pagkakangiti.
"Sus! 'Kaw lang pala 'yan." ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Nakakailang kasi ito kung makatingin.
"Bakit? Disappointed?"
"Oo. Pagmumukha mo kasi 'yang nakita ko. Nasira tuloy ang umaga ko."
Matagal bago nakasagot ang binata kaya nilingunan niya ito. Doon lang niya napansing muli ang kakisigan nito. Totoo nga ang sinasabi nitong hindi na ito ang kilala niyang 'biik' in terms of body-built. He was oozing with sex appeal that every woman except her would scream for. And that handsome face, no woman except her could resist him. That broad shoulder and abs of his, all women except her would want to sweep there. And when she accidentally looked into his pinky lips, each and every woman except her would want to taste those lips. Hanggang sa biglang may sumulpot na ideya sa utak niya-na mukhang kasama na ata siya sa each, all and every women na tinutukoy niya... Hindi pwede to!
Talaga?
Inihit tuloy siya ng ubo nang ma-realize niya ang mga sumulpot na ideya sa kanyang utak. Ano nga ba kasi ang pumasok kanyang utak at bigla niya itong pinuri?
"Okay ka lang?"
Nang mag-angat siya ng tingin ay ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanyang mukha kaya tila may mga dagang nagrarambulan sa kanyang puso. Inihit na naman tuloy siya ng ubo kaya ay tinapik-tapik nito ang kanyang balikat.
"'Wag mo kasing masyadong titigan ang kakisigan ko, 'yan tuloy inuubo ka na."
Nang sa wakas ay makabawi siya ay pumikit siya at huminga ng malalim at saka ay binalingan ito.

BINABASA MO ANG
Perfect Love, Perfect Chemistry
Romantik"I really enjoyed doing those school activities with you and I don’t want anyone else to be paired up with you. " Jana and Jasper has been the hottest loveteam of their section during high school days. Bukod doon ay kapitbahay rin niya ito. Minsan n...