CHAPTER 2
"Graham. Check. Creamer. Check. Riped mango. Check. Condensed milk. Check!"
Nago-grocery siya nang araw na iyon dahil nangako siya sa kanyang bestfriend na si Mia na igagawa niya ito ng graham sa araw ng kaarawan nito. Abala siya sa pagtsi-check ng mga nasa kanyang listahan nang bumunggo ang kanyang push cart sa isa pang push cart sa kanyang unahan.
"Aw! Naku po! Pasensya na!"
Nang lingunin siya ng kanyang nabangga ay tila nakakakita siya ng anghel na bumaba sa lupa upang kausapin siya.
"Ah. It's okay."
"Naku, pasensya ka na talaga, ah."
Ngumiti lamang sa kanya ang babae at saka ay ipinagpatuloy nito ang pamimili sa stall na iyon. Napakaganda talaga ng babae. She looked like a Japanese doll. Patuloy lang niyang pinagmasdan ang napakagandang dilag na iyon na naligaw sa kapuluan ng Pilipinas. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang kasama nito. Humalik pa ang babae sa kasama nitong lalaki.
Jasper...
Hindi niya alam kung bakit pero parang binagsakan ng libu-libong canned goods ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Aalis na sana siya nang biglang may tumawag sa kanya.
"Buto!"
Napalitan ng inis ang kakaibang kabang naramdaman niya nang lumapit ito sa kanya.
"What are you doing here?" nakakunot-noong tanong nito sa kanya.
Tinignan niya ito mula bumbunan hanggang sakong ngunit masyadong matangkad ito para makita niya ang bumbunan kaya mula noo hanggang talampakan na lamang. Napakalakas ng dating nito sa suot nitong polo shirt at jeans kaya hindi na siya nagtataka kung halos lahat ng babae na nasa sangkalupaan ng supermarket na iyon ay napapatingin dito. Samantalang sa paningin niya ay isang ordinaryong binata lang ito. Ay hindi, binabawi na niya ang sinabi niya.
Walang ordinaryo sa taong ito dahil maski siya, minsan ay naakit sa gandang lalaki nito.
"Oy buto, lumilipad na naman 'yang utak mo."
Buto pala ha... pwes, binabawi ko na lahat ng papuri ko sa'yo!
"Hindi ba obvious? Bakit ba sa tingin mo ay nasa supermarket ang isang tao?"
"Para mag-grocery."
"'Ayun. Sinagot mo na 'yung tanong mo." aniya at saka itinulak na ang kanyang push cart palayo rito. Hindi na niya ito nilingon pa at binilisan pa niya ang pagpapaandar sa kanyang push cart.
"Jana." napapreno siyang bigla nang marinig ang boses ni Jasper. Nakasunod pala ito sa kanya.
"Naman Jasper! Balak mo ba akong patayin sa nerbyos?" aniyang ipinikit ang mga mata at saka ay huminga ng malalim.
Ano ba ang nangyayari sa kanya at bakit aware na aware siya sa presensya ng kanyang kaibigan? Tila nanlalamig ang buo niyang katawan lalo na ang kanyang mga kamay. Idinilat niya ang kanyang mga mata at basta siyang dumampot ng isang canned juice sa isang stall ngunit dumulas ito sa kanyang kamay mabuti at nasalo ito ni Jasper at saka inilagay nito iyon sa kanyang palad.
"Wala namang snow dito, ba't ang lamig-lamig ng kamay mo?"
Inilagay na niya ang nadampot niyang canned juice sa kanyang push cart at saka ay ipinagpatuloy na niya ang pagtutulak.
"Siyempre, namimili ako ng frozen foods kanina kaya malamig ang kamay ko." palusot niya.
"Gano'n ba 'yon?" nakasunod pa rin ito sa kanya.

BINABASA MO ANG
Perfect Love, Perfect Chemistry
Romance"I really enjoyed doing those school activities with you and I don’t want anyone else to be paired up with you. " Jana and Jasper has been the hottest loveteam of their section during high school days. Bukod doon ay kapitbahay rin niya ito. Minsan n...