Perfect Love, Perfect Chemistry: CHAPTER 3

884 19 0
                                    

CHAPTER 3

"Anak naman ng kalbo, oo! Mga gurang na kayo!" sigaw niya sa mga kaklase niya na nasa reunion nila.

"Jana!" bati sa kanya ng mga at saka sila nagyakapan.

"Naks! Kamusta na ang napakagaling na photographer?" bati ni Karl, ang kaklase niyang palabiro at ngayon ay isa nang sikat na news anchor.

"'Eto, maganda pa rin! Charot!"

"'Oy, Jana! Dalaga ka na talaga!" bati naman sa kanya ni Ginnil, ang kaklase niyang pasaway at isa nang sikat na model.

"Oo naman. Medyo na-late nga 'yong hormones ng pagdadalaga ko kaya ngayon niyo lang napansin." natatawang sabi niya.

"Hindi ka pa 'din nagbabago, Jana, kaya hindi ko pa rin tatanggalin sa'yo ang korona bilang reyna ng mga loka-loka." natatawang sambit naman ni Kelly, ang kaklase niyang isa nang sikat na pharmacologist.

"Teka nga, ba't hindi kayo na lang nagsabay ni Jasper eh 'di ba magkapit bahay lang kayo?" tanong naman ni Veen, ang kaklase niyang isang magaling na multimedia artist.

"Hay naku si biik ba 'kamo? Hayun, iniwan ko muna sa bahay para mag-alaga ng mga anak namin."

Halatang nawindang ang mga ito sa sinabi niya.

"Siyempre joke lang 'yon. Saan ba may bangin at tatalon na ako. Ngayon din."

Napuno ng halakhak ang grupo nilang iyon at saka ay patuloy na nagkantyawan ang mga naroon. Halatang na-missed talaga nito ang isa't isa. Wala pa ring nagbago sa kanilang lahat. Mga abnormal pa din. Masaya siya dahil lahat sila ay nagtagumpay sa kanya-kanyang field na pinili.

"'Andito na ang mga bagong kasal!"

Nakita niyang dumating ang blooming na blooming na mag-asawang Julius at Julia. Natutuwa siyang malaman na ang mga ito rin ang nagkatuluyan. Sumunod namang dumating ang mag-asawang Jeremy at Cassey pagkatapos ay ang makulit na pares nila Tyrone at Theena.

Haay...nakakatuwa naman...ang dami palang kaklase ko noong high school ang nagkatuluyan...

"Hoy, Jana! Ba't wala pa si Jasper?" si Mia ang nagsalita.

"Susmaryosep naman MamaMia! Balak mo ba talaga akong patayin?! 'Wag mo naman akong gulatin nang ganyan at baka matuluyan ako."

"Grabe naman 'to maka-react para naman akong multo niyan. Bakit wala pa si Jasper?"

"Tinapon ko sa bangin. Bakit?"

"Pangit ka!"

"Lalo ka na. Hindi naman ako mukhang lost and found center 'di ba?"

"Bakit ba ang sungit-sungit mo pagdating kay Jasper? Samantalang hottest loveteam kayo noong high school."

"Alam mo kasi bakla-"

"Jasper!"

Napatigil siya sa pagsasalita nang marinig ang pangalan nito. Agad na sinalubong ito ng iba pa niyang kaklase habang siya ay naupo na lamang sa isa sa mga upuan roon at umiinom ng wine.

"Akala namin hindi ka na dadating."

"Sus. Pwede ba naman 'yon?"

"Sabi ni Jana hindi ka daw makakapunta kasi wala daw magbabantay sa mga anak ninyo."

Biglang inihit siya ng ubo nang marinig ang sinabi ng kanyang kaklase. Nabaling tuloy sa kanya ang atensyon ng lahat ng naroon.

"Oh, come on! The hottest loveteam!" banat naman ng mga kaklase niya.

"Akala nga namin kayo ang nagkatuluyan ni Jasper."

"Sus! Ano ba kayo-" hindi na niya natapos pa ang pagsasalita nang lumapit sa kanya si Jasper. Napatayo tuloy siyang bigla at pilit na ngumiti.

Perfect Love, Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon