Perfect Love, Perfect Chemistry : CHAPTER 8

742 19 0
                                    

CHAPTER 8

Jana was in her most beautiful state in that night. She was in her velvet tube dress and her curled hair freely flows onto her back. As she went out of the car, she was greeted by the handsome smile of her suitor, Dennis.

"You look really good tonight." Nakikita niya ang pagkamangha sa mga mata ng butihing doktor.

"Thanks."

Hindi niya alam kung ano ang ginawa sa kanya ng mga kaibigan niya at naging ganoon ang ayos niya. Lihim na nagpasalamat siya sa mga ito. Mailibre nga ng kwek kwek yung mga iyon bukas!

"Let's go inside." He offered his hand to her but she doesn't know how she would respond to him. Ito na mismo ang nag-angkla sa kanyang kamay sa braso nito.

The place was indeed extravagant. It was a garden and pool party. Everybody is in their best suits and gowns. She was dazzled by the wonder of the place with those flying lanterns. Sayang at hindi niya dinala ang kanyang camera.

Maraming tao ang bumati sa kanila at binati nila and then there was the axis of the night, the celebrant in his black suit as he greeted them with a great smile.

"Happy Birthday, pare."

"Salamat pare." Nagyakapan pa ang mga ito.

"This is Jana." Pakilala nito sa kanya.

"So you're the woman who caught the attention of this workaholic doctor friend of mine. Hi! I'm Kenneth, you can call me Ken." Nakipagkamay ito sa kanya at saka ay ngumiti. "Ang galing mong pumili pare. She's perfect." Tinawanan na lamang niya ang sinabi nito. "Maiwan ko muna kayo sandali. It's nice meeting you Jana. Ikaw nang bahala diyan sa kaibigan kong 'yan. Nasa iyo na ang basbas ko." Natatawang iniwan sila nito.

"Pasensya ka na sa kaibigan ko. Sadyang pinanganak iyon na madaldal eh. Hindi 'yon nauubusan ng kwento." Nakangiting baling nito sa kanya.

"Pansin ko nga."

"Nagugutom ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Hindi pa naman. Pero pwede rin. Mukhang masasarap 'yung mini cakes nila doon."

He chuckled. And then they went to the buffet table. She was busy choosing what she would eat when the doctor excused himself to answer his emergency calls as usual. Kawawa naman ang magiging girlfriend ng isang to... Anyway...he's a doctor, tungkulin niyang sagipin ang buhay ng mga tao.

Nang ituwid niya ang katawan mula sa pagpili ng kakainin ay bumungo ang kanyang katawan sa isang matikas na bagay. Nang lingunin niya kung ano iyon ay pareho pa silang nagulat sa nakita.

"Jasper?!"

"Jana?!"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya rito.

"Ahm... business, I think." She could sense amusement in his eyes the way he looks at her.

Tinulungan siya nitong bitbitin ang kanyang plato dahil maraming laman iyon. Naupo sila sa tables and chairs na naroon.

"What about you? Anong ginagawa mo dito?"

"Inimbitahan lang ako ng kaibigan ko. Si Doc Dennis, remember?"

Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba ang nakita niya at tila nagdilim ang aura ni Jasper. Kumunot din ang noo nito. Maya-maya ay isang maganda at sexy na babae ang lumapit dito. Akala nga niya ay bagong version ni Ruby ito dahil sa makapal na pulang lipstick nito at sa pulang plunging neckline dress nito. Isama pa ang nasa tila six inches na pulang stilleto nito.

"Hey Jasper, bakit mo naman ako iniwan doon. Nawalan tuloy ako ng date."

Akala ko ba business? Eh ano 'yan?! angil niya sa isip. Nabaling sa kanya ang tingin ng babae.

Perfect Love, Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon