CHAPTER 10
Magaan na magaan ang pakiramdam ni Jana nang imulat niya ang kanyang mga mata. She felt that she had slept for a year or two. But then something pricked her thoughts. Nang pagmasdan niya nag paligid ay hindi pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. She was in a airconditioned nipa hut. Napabalikwas siya ng bangon. Ano ba ang nangyari sa kanya at paano siya napunta sa lugar na iyon? Ang tanging naalala niya ay dinala siya sa ospital ni Jasper nang bigla na lamang siyang himatayin.
Jasper!
Agad na tumayo siya at napangiwi nang mapuwersa niya ang nakabendang paa. Napatingin siya sa kanyang suot. Hindi na ang kanyang patient's gown ang suot niya kundi isang... maluwag na t-shirt at shorts? May kung anong kaberdehan ang namuo sa kanyang isipan. Hindi kaya... Umiling-iling siya.
Imposibleng gawin ni Jasper iyon!
Pero para na rin makasigurado ay mabilis na nagsuot siya ng tsinelas at lumabas ng nipa hut na iyon. Pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Doon sila nagreunion na magkakaklase kamakailan. Ngunit anong ginagawa niya roon?
Namataan niyang nakaupo si Jasper sa buhanginan at nagbo-bonfire ito. Tila malalim ang iniisip nito. Tumayo siya sa harapan nito kaya nag-angat ng tingin ito.
"B-bakit ako nandito?" nakakunot-noong tanong niya rito.
"Why do you think?" nakataas ang isang kilay nito.
"Wala akong matandaang sinabi ko na gusto kong magswimming o kaya ay manghuli ng shokoy sa dagat."
"Wala nga."
"Eh bakit mo nga ako dinala dito?"
"It's because you keep on running away from me." Tumayo ito at tuluyang hinarap siya.
"I'm not running away from you." kaila niya. Pero nababasa niya sa mga mata nito na hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Nag-iwas siya ng tingin dahil nag-aalala siya na baka mabasa nito ang kanyang nararamdaman.
"Yes you are." Hinawakan nito ng mahigpit ang isang braso niya. Napaigtad siya nang tila may kuryenteng hatid ang mainit na kamay nito. "I know that you're running away from me because I've done that too just not so long ago!"
Hindi niya alam kung ano ang gustong ipahiwatig nito subalit nababasa niya ang kyuryosidad at pagtatampo sa mga mata nito.
"Stop this Jasper!" hindi niya maiwasang magtaas ng boses. "Uuwi na ako!" hahakbang pa lamang siya nang pigilan siya nito sa kanyang mga braso.
"Hindi ka makakauwi. Ang mga caretaker ng resort na ito ay umalis. Meaning, tayong dalawa lamang ang narito. So don't bother to go away kung ayaw mong ang mababangis na hayop at maligno diyan sa gubat ang makasagupa mo kapag nagtangka ka pang tumakas muli."
"Ano ba talaga ang gusto mo?! Do you think it's funny pulling out this spunks and pranks on me?! We're no longer those teenage kids-"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang bigla na lamang nitong inangkin ang kanyang mga labi. She could sense desire in his kisses. Lalo pang lumalim ang mga halik nito at dahil sa pagkabigla ay tila nagyelo siya sa kinatatayuan. Tila tumigil ang oras nang mga sandaling iyon. He was kissing her torridly and she was just like a frozen human species. Gusto niyang itulak ito subalit ayaw sumunod ng kanyang katawan sa pinag-uutos ng kanyang isipan.
"Jasper..." she uttered between his kisses.
Tumigil ito sa paghalik siya at saka ay pinakatitigan siya. His eyes seemed to be cold unlike before, they were smiling.
"Why are you not answering my kisses?" may tinig ng pagdadamdam ang boses nito.
"Because..."
"Because?"

BINABASA MO ANG
Perfect Love, Perfect Chemistry
Romance"I really enjoyed doing those school activities with you and I don’t want anyone else to be paired up with you. " Jana and Jasper has been the hottest loveteam of their section during high school days. Bukod doon ay kapitbahay rin niya ito. Minsan n...