"MIA..."
"Hmmm?"
Wala sa sariling niyakap pa nito ang braso niya sa pag-aakalang unan din iyon.
"Ano ba 'yan ang tigas..." anito at saka tila ibinato ang kanyang braso.
"Aray naman!"
Biglang dinalaw si Jana ng tawag ng kalikasan ng mga oras na iyon. Laking inis pa niya at bakit ngayon pa siya nakaramdam ng pagkaihi. Tinignan niya ang kanyang relo na glow in the dark, ala-una y media na ng madaling araw. Ayaw niyang lumabas mag-isa ng tent dahil natatakot siya. Napakadilim sa labas at magubat. Muli na naman tuloy naglaro sa imahinasyon niya ang mga bagay na kinatatakutan niya. Sa kabilang banda, hindi niya pwedeng pigilin ang kanyang ihi dahil nagkaroon na siya ng urinary tract infection dati at mahigpit na ipinagbawal sa kanya ng doktor na huwag na huwag niyang pipigilan ang kanyang pag-ihi dahil maaring makapagpalala ito ng kanyang sakit.
"Mia..."
"Bakit ba..." anitong nakasaklob ang unan sa mukha at antok na antok.
"Samahan mo ako...wi-wee-wee lang ako sa labas."
"Kaya mo na 'yan. Matanda ka na." lalo pa nitong isinubsob ang mukha sa unan.
Gusto niyang hatakin ito palabas subalit alam niyang mabigat ito.
Kaibigan ko ba talaga 'to?
Muli siyang bumalik sa kanyang higaan upang matulog muli subalit hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Lalo pa't kailangan niyang sagutin ang emergency call ng kalikasan. Bumalikwas siya ng bangon at saka ay mataimtim na nagdasal.
Lord...kayo na po ang bahala sa akin...
Ilang beses pa siyang nag-sign of the cross bago tuluyang tumayo at lumabas.
Talagang madilim na madilim na nag langit bukod sa liwanag na nagmumula sa buwan at sa mahinang apoy ng kanilang bonfire. Naglakad-lakad siya upang humanap ng pwesto na kanyang bibinyagan nang may malamig na kamay na humawak sa kanyang balikat. Tila nagyelo ang buo niyang katawan. Gusto na niyang umiyak at magtatakbo dahil sa kanyang imahinasyon. Dahan-dahan niyang nilingon ang may-ari ng malamig na kamay na iyon at hindi na niya napigil na humagulgol nang mapagsino ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon.
"Okay ka lang?"
Napahagulgol na siya ng malakas subalit batid niyang hindi iyon maririnig mula sa itaas dahil malayo-layo na din ang nilakad niya. Hindi niya napigil at napahikbi pa lalo siya ng mas malakas.
"What the heck is happening to you? Why are you crying?" dama niya ang pag-aalala sa boses nito.
"Naman, Jasper eh!" Marahas na pinahid niya ang kanyang mga luha. "'Wag mo naman akong takutin. Alam mo namang mahina ang puso ko sa mga nakakatakot na bagay bigla ka pang sumulpot diyan. Sana man lang tinawag mo na lang ako para nilingunan kita." aniyang pahikbi-hikbi.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
"I'm sorry. Akala ko kasi kung saan ka pupunta kaya sinundan kita baka mapahamak ka." Masuyong dinampi nito ang kanyang pisngi. "Sorry." Napalitan ng malakas na pagtibok ng kanyang puso ang kanyang takot.
Pakiramdam niya ay pinaghehele siya nito. Kumalma na ang buong sistema niya maliban sa kanyang puso na ngayon ay tila gustong kumawala sa kanyang ribcage nang bigla siyang yakapin nito.
"Tahan na...Nandito na ako." Napakasuyo ng boses nito. Hinayaan na niya itong yakapin siya. She liked the feeling though. Pakiramdam niya ay hinding-hindi siya nito iiwan. Sana magkatotoo ang pakiramdam niya subalit alam niya na pansamantala lamang iyon.

BINABASA MO ANG
Perfect Love, Perfect Chemistry
Romance"I really enjoyed doing those school activities with you and I don’t want anyone else to be paired up with you. " Jana and Jasper has been the hottest loveteam of their section during high school days. Bukod doon ay kapitbahay rin niya ito. Minsan n...