Perfect Love, Perfect Chemistry: CHAPTER 9

800 20 0
                                    

CHAPTER 9

Nakarating si Jana sa isang bar sa Makati nang gabing iyon. Hindi pa siya masyadong tuyo subalit sapat na iyon upang papasukin siya sa loob ng bar na iyon. Giniginaw na rin siya ng mga sandaling iyon subalit pilit niyang iwaksi ang nararamdamang ginaw dahil ang tanging gusto niyang gawin ay ang magpakalunod sa alak upang makalimutan pansamantala ang sakit na nararamdaman niya.

She felt like her heart was shattered into pieces.

She knew that this is the consequence of loving a guy who only sees her her as a friend.

"Bigyan mo ako ng pinakamatapang na alak ninyo." aniya sa bartender na nagtataka. "What?! Are you just gonna stare at me or give me what I want?!" Agad na kumilos ang pobreng bartender pagkatapos ay iniabot sa kanya ang order niyang alak.

Mabilis na gumuhit sa kanyang lalamunan ang nakapatapang na alak na iyon. Mabilis siyang tinamaan sa ininom.

"Anak ng teteng! Bakit ba ganyan 'yang mga lalaking 'yan. Ang mamanhid! Lalo na 'yang Jasper na iyan! Nuknukan ng manhid." Idinukdok pa niya sa bar counter ang basong walang laman.

"Isa pa nga!"

"Ma'am mukhang hindi niyo na ho kakayanin kung oorder pa kayo ng isa." Nagdadalawang isip na wika ng bartender.  

Tinitigan niya ito ng matalim. Kaawa-awang bartender at ito ang nakasalo ng galit niya sa mundo.

"Customer ako kaya ako ang dapat na masunod! 'Pag sinabi kong isa pa... bigyan mo pa ako ng isa!"

Binigyan uli siya nito ng isa pang baso at nakakalahating baso pa lamang siya nang biglang may umagaw niyon.

"Ano ba?! Wala ka bang pang-order at nang-aagaw ka ng alak ng may alak?!" asik niya sa lalaking nang-agaw ng kanyang baso. Inisang lagok nito ang laman ng kanyang baso.

"Jasper?!" Napakatapang talaga ng alak na iyon at nagawa pa nitong makita ang binata sa kanyang imahinasyon.

But he seems so real...

Pagbibigyan na lamang niya ang sarili na maglitanya tutal naman ay imahinasyon lamang iyon. Baka makabawas pa iyon sa sakit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

"Ohhh... It's you my dear! Hey! You!" nabaling sa kanya ang atensyon ng mga tao doon.

Mahilo-hilo na siya kaya marahil ay hindi na rin niya alam ang ginagawa niya.

"You know what parteeehh pipol?! I have a broken heart right now! And my heart has been burned, stabbed, hurt, dumped, duped and recklessly stomped. But you know what? It's still working because I still love this guy! This guy just broke my heart!" Binalingan niya ang binata. Tila medyo nawala ang kanyang pagkahilo nang maaninag ang nag-aalala subalit seryosong mukha nito. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.

"I finally found the courage to walk out of your life but it seems that I forgot to bring my heart with me."

Kinuha niya ang kanyang pouch at agad na nagtungo sa labas ng gusaling iyon bago pa man tuluyang tumulo ang kanyang mga luha.

Jasper...

It hurts enough to say your name.

Paika-ikang naglakad si Jana sa kalye ng Makati nang makalabas siya bar na pinasukan niya. Patuloy pa rin siya sa pagpipigil ng luha subalit patuloy pa rin iyon sa pagpatak.

"Lintek naman 'tong sapatos na 'to! Bakit ba ang taas-taas ng takong! Sinusumpa ko talaga kung sinomang Poncio Pilato ang nakaimbento ng takong!" nanggigigil na hinubad niya ang kanyang sapatos. Mabuti na lamang at wala masyadong tao nang mga sandaling iyon kaya walang makakakita sa kapalpakang pinaggagawa niya.

Perfect Love, Perfect ChemistryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon