"Wahhhh sige ishoot mo yan Lawrence! Ang galing galing mo talaga!" Sigaw ko habang itinataas ang tarpaulin na ang nakalagay ay "Go Lawrence!".
Biglang napatingin si Lawrence sakin at bigla akong inirapan. Napangiti ako dahil tumingin siya kahit na ganun ang pinakita niya sa akin.
Araw-araw naman ganun eh. Sanay na ko.Sanay na ako na mareject niya. May biglang pumito. Hudyat na yun na tapos na ang game. Tiningnan ko kaagad si Lawrence na pawis na pawis na pumupunta sa isang bench.
Agad ko siyang pinuntahan.
"Lawrence ang galing galing mo kanina grabe! I am your no. 1 fan!" Bigla siyang napatingin sakin. Tinaasan niya ko ng kilay.
"What are you doing here?!" Iritadong sabi niya sakin.
Di ko pinansin yun at patuloy pa rin ako sa pagpapapansin sa kanya.
"Nauuhaw ka ba? Binilhan kita ng tubig, ito oh" ibibigay ko na sa kanya yung tubig ng bigla niya itong itinabig.
"Stay away from me" Tumayo siya at iniwan niya akong nakatunganga don.
Bumuntong hininga ako. Alam ko namang mangyayari yun e pero bakit parang anytime tutulo na yung luha ko. Hindi naman ako ganun kaganda katulad ng mga nakakarelasyon niya kaya alam kong kahit kailan di niya ako magugustuhan.
Natauhan ako ng may biglang kumuha ng tubig sa kamay ko.
"Painom nauuhaw na ako eh. Salamat'' napatingin ako sa kanya.
"Gabriel?! Ano ba wag mo ngang inumin yan! Di naman sayo yan eh!" Sigaw ko sa kanya habang kinukuha ulit sa kanya yung tubig pero bigla niya itong inilayo sakin.
"Wala namang umiinom eh. Kaya akin na toh" Inaabot ko pa rin yung tubig na itinataas niya pero di ko maabot.
Bigla akong naout of balance kaya ang position namin ngayon ay nakahawak ako sa dibdib niya at siya naman ay sa bewang ko.
Napansin kong may itsura rin siya. Matangos na ilong, may brown na mga mata at makinis na balat. Syempre, isa siya sa mga kinahuhumalingan ng mga babae dito sa university bakit pa ako magtataka?
"Ehem! Enjoying the view?'' bigla akong natauhan ng bigla siyang magsalita. Dali dali akong tumayo.
"Hindi kaya! Ang kulit mo kasi e, akin na nga yan!" Kinuha ko yung bote ng tubig kaso wala na itong laman. Binalik ko ulit sa kanya iyon.
"Sayo na nga yan!" Bigla syang tumawa sa ginawa ko.
"Anong tinatawa tawa mo dyan!?"
"Ang cute mo kasi" bigla niyang pinisil yung ilong ko dahilan upang biglang mairita ako sa kanya.
"Aray ko! Hoooy ano ba!" Tinanggal ko yung kamay niyang nasa ilong ko.
Magsasalita pa sana siya nang may biglang tumawag sa pangalan niya.
"Gabriel tawag ka na ni coach! Dalian mo daw!" Boses pa lang alam ko na kung sino yun. Tumingin ako kay Lawrence. Ang gwapo niya talaga kahit ang layo niya.
Ngumiti ako at kumaway sa kanya pero binalewala niya lang ito.
"Arvee alis na ko, mamaya na lang ulit" napatingin ako kay Gabriel at bigla niyang ginulo yung buhok ko. Nainis ako sa ginawa niya pero bago ko pa siya sigawan nakaalis na siya.
Inayos ko yung buhok kong medyo nagulo. Sinuklay ko ito gamit ng kamay ko. Biglang kumulo yung tiyan ko. Naalala kong wala pa pala akong kinain simula nung nag-umpisa yung game. Masyado kasi akong naexcite kanina na mapanood si Lawrence na maglaro.
Pumunta na akong cafeteria. Nakita ko kaagad sa isang table sina kaycee at Aimee, mga bespren ko. Pinuntahan ko kaagad sila.
"Arvee! Kamusta? Success ba ang pagpapansin mo?" Tanong sa akin ni Aimee habang kumakain ng paborito nyang fries.
Sumimangot ako bigla."Hindi eh"
"Ano pa nga bang bago?" Sabi ni Kaycee habang umaayos ng upo.
Umupo ako sa upuan at kumuha ng fries na kinakain ni Aimee.
"Ano ba kasing gagawin ko para mapansin ako ni Lawrence?" Nakapalumbaba kong tanong sa kanila.
"Okay lang yan Arvee, mapapansin ka din nun." Aniya ni Aimee.
"Aimee wag mo ngang paasahin si Arvee" binatukan niya si Aimee. Pero bigla niya ring binaling ang tingin niya sakin.
" Arvee dapat kasi tigilan mo na ang paghahabol sa kanya. Di lang naman siya ang lalaki sa mundo.""Pero kasi gusto ko siya matagal na and I think I'm inlove with him"
"Tigilan mo nga yan Arvee! Ang corny!" Sigaw ni Kaycee habang iniinom yung softdrinks niya.
"Grabe ka Kaycee sakin! Kapag ikaw nainlove, sasapakin ka namin ng sabay ni Aimee. Diba Aimee?"
"Bakit mo ko dinadamay? Ikaw na lang" Ansama talaga.
"Support naman please grabe" Sarcastic kong sabi.
Tumawa sila nang sabay. Grabe talaga, lagi silang ganyan. Pero kahit ganyan sila nandyan sila palagi para sakin kahit sa kabaliwan ko kay Lawrence.
Tumayo na lang ako at bumili ng pagkain.Pero bago pa ako makabili may biglang humarang sakin.