Pumunta na kong kwarto at kumuha sa cabinet ko ng isa pang kumot.
Bumalik agad ako sa sala. Nakita kong tulog na tulog pa rin siya pero napansin kong pinagpapawisan siya. Hinawakan ko yung noo niya.
Sobrang init niya.
Nagkakasakit pala toh. Pero bakit naglasing pa siya?
Kumuha agad ako ng maligamgam na tubig at towel. Pinunas ko sa kanya iyon pero napansin kong basa yung tshirt niya.
Agad akong pumunta sa cabinet ko at naghanap ng isang puting tshirt na kakasya sa kanya. Nang tatangalin ko na yung damit niya napalunok ako.
"Sana hindi siya magising" sabi ko habang nakapikit at tinatanggal yung damit niya.
Maya maya natanggal ko din iyon at naisuot sa kanya yung puting tshirt. Buti nagkasya sa kanya.
Kinumutan ko siya bago ako umalis at natulog.
*kinabukasan*
Bigla akong naalimpungatan ng bigla akong nanaginip ng masama. Kinain daw ako ni Kaycee kasi gutom na gutom siya. Scary talaga.
3 am pa lang. Naalala kong natulog nga pala dito si Lawrence. May sakit pa kaya siya? Hayssst, mapuntahan na nga lang.
Tumayo ako sa kama at agad na pumunta sa sala. Pero pagdating ko dun, nakaupo na siya at gising na.
Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko yung noo niya. Nairita siya sa ginawa ko.
"Wala ka na pa lang sakit" sabi ko at tinanggal na ang kamay kong nakahawak sa noo niya.
"Next time, Don't touch me without my permission" seryoso niyang sabi.
Aba't ang kapal ng mukha niya. Siya nga tong hindi humingi sa akin ng permiso na pumasok sa apartment ko eh.
"Hoy! Kung sabihin ko kaya sayo na pamamahay ko toh! And for your information, hindi ka sakin humingi ng permiso para papasukin kita!" Sigaw ko sa kanya.
"Ok. I'm sorry. So, can you please shut your f*cking mouth, it's irritating" sabi niya sabay hawak sa tenga niya.
"Alam mo ang sungit mo" sabi ko habang umuupo sa tabi niya.
Tiningnan niya ko.
"So?"
"Hindi bagay sayo" wala na kong maisip na dahilan eh.
"As if I care" sabi niya habang tumatayo.
"Bakit ba ayaw mong maging mabait? Para naman kapag namatay ka mapunta ka sa langit" sabi ko ng natatawa.
Tiningnan niya ko ng masama. Kaya napatigil ako sa pagtawa.
"Tss" pumunta siya agad sa kusina.
"Hoy! San ka pupunta!? Di mo bahay toh kaya wala kang karapatang pumunta diyan" sabi ko habang pumupunta sa kanya.
"Tss" ahas ba siya? Kanina pa siya ganyan ng ganyan.
Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig. Ininom niya iyon ng isang lagok lang. Grabe ganyan na ba kapag may sakit. Grabe kung makainom ng tubig? My Gosh!
"Why are you staring at me like that?" Iritado niyang sabi.
Hindi ko pala namalayan nakatitig na ko sa kanya. Haysst. Tinampal ko pa yung noo ko.
"Are you crazy?" Dagdag niya.
"Don't mind me" aba, napapa english na din ako. Dapat siguro lagi ko na tong kasamang lalaking toh para lalo ako gumaling magenglish.
