Chapter 4

4 1 0
                                    

Nang nasa supermarket na ako napansin kong pumasok si Lawrence kasama yung Diana.

Kasama na naman niya yung babeng yun kainis ah!

Nakita ako nung Diana kaya biglang hinigpitan niya yung hawak niya sa braso ni Lawrence.

Pupuntahan ko na sana sila para tanggalin yung hawak ni Diana sa braso ni Lawrence ng may biglang humila sa akin.

"Gabriel?"

"Kanina pa kita tinatawag eh! Di mo ko pinapansin. Kaya lumapit na ako dito."

"Bakit ba?" Nairita ako kasi istorbo sya.

Napansin niyang parang nairita ako kaya bigla aiyang sumimangot.

"I'm sorry. Naistorbo ba kita?" Natauhan ako bigla. I am so rude! I need to say sorry.

"I'm sorry too. I need to go kasi. Nagmamadali kasi ako may pupuntahan pa ko eh." Ok. I lied.

"Ah ganun ba. Iimbitahan sana kita mamaya for dinner. Pero sige next time na lang siguro"

"Im sorry talaga. Pramis babawi ako."

"Sige" ginulo niya yung buhok ko.

Argh. Maiinis na sana ako sa ginawa niya ng biglang dumaan si Lawrence kasama ni Diana sa gitna namin.

Nagulat ako. Bakit sa gitna pa namin sila dumaan? Ang laki kaya ng daanan. Seriously?

"Sige Gabriel. I have to go"

Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Pumunta na kong counter at nagbayad ng mga pinamili ko.

Pagkatapos kong magbayad lumabas na ko.

Ang bigat ng mga dala dala ko. Wala pa kong masakyan dahil sa hapon na, mahirap ng sumakay.

"Miss gusto mo bang ako na lang maghatid sayo" sabi ng isang matandang lalaki na kung makatingin ay parang may masamang binabalak.

"No thanks" lalayo na sana ako ng bigla niyang hinila yung braso ko.

"Miss wag ka ng pakipot. Sumama ka na lang sa akin"

"Bitiwan mo nga ako" pero di niya pa rin ako binibitawan. Help! Please someone help me!

"She said. Let her go!" Narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Wag kang makialam dito binata!" Binitawan ako ng matanda at bigla niyang sinuntok si Lawrence.

"LAWRENCE!" Napasigaw ako ng makitang pumutok yung labi ni Lawrence dahil sa pagkakasuntok sa kanya nung lalaki

Argghh Bwiset tong lalaking toh ah. How can he do that to my Lawrence!?

Sumugod ako sa lalaki at pinaghampas hampas ng dala ko.

"Aray Aray"

"Walang hiya ka! Yan ang dapat sayo! Manyak! Manyak!" Pinaghahampas ko pa rin siya, pero natigil ako ng biglang hinawakan ni Lawrence yung braso ko.

"Stop" Nang tumigil ako biglang umalis yung matandang lalaki. Natakot siguro.

Umayos ako ng tayo.

"Why are you so stupid? You're here in this dark place alone and you're wearing that stupid clothes! If I didn't come, that old man will rape you"

Grabe! Sobra na ata ang lait niya sa akin!

"For your information I'm not stupid! Atsaka hindi ko naman sinabi na pumunta ka dito!"

"Ok. I'll leave!" Naalala kong may sugat siya kaya hinigit ko yung braso niya.

Nairita siya sa ginawa ko.

"Gagamutin ko muna yang sugat mo. Sumama ka sa akin." Hinila ko siya papuntang sakayan at sakto may taxi na dumaan kaya agad ko yung pinara.

Pumasok kami sa loob. Hindi siya nagreklamo. Tumingin ako sa driver.

"Sa May Anne's apartment po"

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating na kami sa apartment ko.

Binubuksan ko yung pintuan ng bigla siyang nagsalita.

"Tss. You don't know me yet but you welcome me on your apartment. How stupid you are?"

"Kilala kita. Kilalang kilala." Pagkasabi ko nun saktong nabuksan ko na yung pinto.

Binuksan ko yung ilaw.

"Pasok ka"

Pumasok nga siya. Sinabihan ko siyang umupo sa sofa at agad niya naman itong sinunod.

"Saglit lang kukunin ko lang yung first aid kit" Binaba ko muna yung mga pinamili kong parang ewan na dahil sa paghampas ko kanina sa lalaki.

Pumunta akong kwarto at kinuha yung first aid kit.

Pagkatapos kong kunin, agad akong pumunta sa sofa kung san siya nakaupo.

Hinarap ko kaagad yung mukha niya sa akin. Pinahiran ko kaagad ito ng bulak na may betadine.

"Aray!" Inilayo niya agad yung mukha niya ngunit agad ko ulit yung kinuha at inulit ulit yung ginawa ko kanina.

"Bakit ka pa kasi nangeelam kanina eh di sana di ka magkakasugat ng ganito"

"Why can't you just thank me for what I've done for you?"

"Ok fine! Thank you for saving me. Pero pwede ba tigilan mo na ang pag iingles nakaka nose bleed" pinunasan ko pa yung ilong ko na parang may dugo nga.

He chuckled.

Napangiti ako. Minsan ko lang siyang makitang matawa at ako pa ang dahilan nun. Wahhh kinikilig ako.

"Why are you smiling?"

"Kasi napatawa kita. Achievement kaya yun para sa akin"

"You're crazy!" Napailing na lang siya.

"No I'm not . You are "mapang-asar kong sabi sa kanya

" Nah. I'm not stupid.It's you" mapang-asar niya ding sabi sakin

"Fine. Ako na stupid " sabi ko sabay pout

"Don't pout. It makes you look like a duck. Rephrase that. An ugly duck to be exact "

The heck? Arrrggh kung di ko lng tlaga gusto tong lalaking toh kanina ko pa toh sinapak -_-

"Arrgghh nakakainis. Yan tapos ko ng gamutin yang sugat mo." sabi ko habang nakasimangot pa rin

"I'm going" tumayo siya at pumunta sa pintuan. Pero bago pa siya makaalis hinila ko yung kamay niya.

"Thank you nga pala ulit kanina" sabi ko sabay ngiti sa kanya

" No need to thank me. I just did what's right." Tumalikod na siya sakin pero nung malapit na siya sa pinto huminto siya " By the way, Always be careful and Thank you " Pagkatapos niya yung sabihin ay umalis na siya

Oh my gosh ! I'm so kinikilig . I can't believe na nakasama ko siya ngayong araw kahit na medyo epic hahah .

He makes this day very memorable for me. And there's only one thing I know, I will sleep with a smile on my face.

A Heart Full Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon