Pagkagising ko. Naalala ko na naman yung kagabi. Kinikilig talaga ako.
Monday na ngayon. May pasok kami kaya agad akong naligo at nagbihis.
Aalis na sana ako ng biglang nagring yung cellphone ko.
*kring kring*
Sinagot ko agad ito.
"Hello"
"Arvee! Sabay na tayong pumasok pupunta ako dyan sa inyo may ikukwento ako"
"Ano na namng ikukwento mo Aimee! Tungkol ba kay Bryle?" Excited kong tanong sa kanya.
"Basta. Oo nga pala daanan na rin natin si Kaycee bago tayo pumuntang skul. Nagpapsundo eh."
"Sige."
"Sige na bye papunta na ko''
"Sige bye bye"
Pinatay ko na yung tawag. Binuksan ko na lang yung TV para may magawa ako.
Maya maya may nagdoor bell. Pumunta agad akong pintuan at binuksan iyon.
"Aimee! Dali na kwento mo na sakin!"
"Excited much? Kunin mo muna yung bag mo para sa daan ko na lang ikukwento."
Sinunod ko yung sinabi niya. Kinuha ko yung bag ko at agad na sinarado ang pinto.
"Kwento mo na!"
"Sige na nga"
Nagsimula na kaming maglakad habang nagkukwento siya.
"Alam mo ba pinili niya ko kaysa kay Bea! Grabe kinikilig talaga ako" talon talon pa siya habang sinisigaw yun.
"Alam mo Aimee, wag ka na kasing magdeny hanggang ngayon si Bryle pa rin yung gusto mo!"
Bigla siyang sumimangot.
"Oo na! Pero hindi kami pwede kasi he loves Thrice. At alam ko kahit kailan di niya ako magugustuhan" May luhang lumandas sa pisngi ni Aimee. Hindi ko alam kung paano siya icocomfort basta't hinagod ko na lang ang likod niya.
"Don't lose hope! Don't give up magugustuhan ka din niya, siguro di lang ngayon pero diba malay mo kapag nakita ka niya magbago yung nararamdaman niya tapos ikaw na yung magugustuhan niya dahil sa sobrang ganda mo. Kaya wag ka ng umiyak"
Natawa siya bigla.
"Yan dapat lagi kang nakangiti. Mas lalo kang magugustuhan ni Bryle!"
"Ano ka ba Arvee! Nambola ka pa! Ako maganda? Isa lang naman akong hamak na nerd. Anong maganda dito?"
"Don't down yourself! May ganda ka na hindi nakikita ng iba pero nakikita ko" tumawa ako sa sinabi ko. Ewan ko ba kung ano anong pinagsasabi ko.
"Grabe ka!" Pinunanasan niya yung luha na lumalandas sa pisngi niya at inayos yung sarili niya.
"Tama na nga toh! Naiiyak na ko sayo eh. Puntahan na nga natin si kaycee."
"Mabuti pa nga"
Pumunta na kami sa apartment ni Kaycee. Kumatok ako sa pintuan.
"Kaycee!" Pero walang sumasagot.
"Baka tulog pa yun!" Dagdag kong sabi.
"Ano pa bang bago? Hayst!" Inis na sabi ni Aimee.
"Wait alam ko na!" Pumunta ako sa pintuan niya at kumatok ng sobrang lakas.
Dahil nasa pintuan ako natumba ako ng biglang buksan iyon ni Kaycee.
![](https://img.wattpad.com/cover/69367293-288-k952304.jpg)