Chapter 3

12 0 0
                                    


Pagkagising ko kinaumagahan. Gutom na gutom ako. Nakatulog kasi ako sa sofa at nakalimutan kong kumain.

Pumunta akong kusina. Tiningnan ko yung laman ng ref.

"Kailangan ko na palang pumunta mamaya sa grocery ubos na yung laman ng ref ko." Sabi ko habang kamot kamot ang ulo ko.

Sabado ngayon. Hindi ko makikita si Lawrence. Dadaan pa ang isang araw bago ko ulit siya makita.

Dahil wala ngang laman ang ref ko at wala akong makain pupuntahan ko na lang si Aimee sa apartment niya. Malapit lang naman yun dito.

Naligo muna ako at nagbihis ng simpleng t-shirt na puti at maikling shorts. Doon ako komportable eh.

Lumabas na ko ng apartment at naglakad. Pero habang naglalakad ako nakita ko si Lawrence na may kasamang babae.

Maganda yung babae. Maputi at matangkad pero mas maganda pa rin ako.

Sinundan ko sila ng patago.

"Babe saan ba tayo magdedate? Bakit kailangan pa natin maglakad. May sasakyan ka naman ah! Ang sakit sakit na ng paa ko.'' Sabi ng babae habang hawak yung braso ni Lawrence.

Aba aba ang kapal din ng mukha ng babaeng yun! Wala siyang karapatang tawaging babe si Lawrence! Atsaka may pahawak hawak effect pa siya sa braso. Ang landi talaga!

Inalis ni Lawrence yung kamay nung babae na nakahawak sa braso niya.

"Yan tama yan Lawrence! Sige itaboy mo siya." Bulong ko sa sarili ko.

"Pwede ba Diana, Get your hands off me!" Iritadong sabi ni Lawrence.

Nakita kong sumimangot yung mukha nung Diana. Natawa ako bigla.

Napalakas ata yung tawa ko kaya napatingin sila sa akin.

Tumalikod ako bigla. Tatakbo na sana ako ng biglang hilahin yung braso ko.

"You! What are you doing here?" Napatingin ako kay Lawrence.

"Masama bang dumaan dito? Kayo lang ba ang may karapatan dumaan?" Determinado kong sabi sa kanya.

Binitawan niya yung braso ko.

"Are you stalking me?"

"Dito nga ako dadaan, bakit masama ba? Kung iniisip mo ngang iniistalk kita sige isipin mo" Kailangan kong kapalan ang mukha ko para hindi maging kahiya hiya dito.

"WHAT? Are you crazy?" Halatang galit na galit siya.

"Baliw na kung baliw! Basta tutuparin ko yung sinabi ko sayo kahapon. Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo rin ako" seryoso kong sabi sa kanya.

"Lawrence! Halika na! Sino ba yang babaeng yan?" Sabi nung Diana habang nakatingin sa akin ng masama.

"Stupid girl" umalis na sila. Iniwan nila akong nakatunganga doon.

"Argh! Kainis naman, ganun pa rin tingin nya sakin" Nagpadyak padyak ako sa inis.

Biglang kumulo yung tiyan ko at lalo akong nainis dahil dun. Di ko namalayan na kanina pa pala ako nagugutom. Kainis kasi si Lawrence e.

Naglakad ako papuntang apartment ni Aimee. Nakita ko kaagad yung pintuan niya.

*Dingdong*

Binuksan agad ni Aimee yung pinto. Tuwang tuwa siya ng buksan ito ngunit napawi agad iyon ng nakita niyang ako yun.

"Oh? Bakit bigla kang sumimangot dyan? Sino bang inaasahan mong pumunta? Si Bryle ba?" Sabi ko.

"Hindi noh" namula yung pisngi niya. Haysst kahit hindi mo sabihin alam kong nagsisinungaling ka. 3 damn years ba naman nyang gusto si Bryle e.

"Bakit ka ba nandito?" Takang tanong niya.

"Bakit masama na ba ang bumisita sa isang kaibigan?"

"Hindi naman. Pero anong gagawin mo rito?"

"Makikikain sana gutom na ko eh!" Hinimas ko yung tiyan ko.

"Tss. Pagkain na naman. Atsaka bakit ayaw mo na lang bumili sa labas. Talagang dito pa talga!"

"Ayoko ng gumastos! Atsaka papasukin mo na nga lang ako gutom na talaga ako" umarte pa akong nagugutom talaga para makonsensya sya pero di pa rin nya ako pinapapasok kaya tinulak ko sya at dumiretso sa loob ng apartment niya.

"Aba't ang kapal talaga!"

Pumunta na agad ako sa kusina niya at kumuha ng vegetable salad at gatas.

Kumain agad ako. Wala na kong pake kung para na kong pulubi na kumakain dito. Gutom na talaga ako at walang makakapigil sa akin.

"Arvee! Umayos ka nga! Para kang patay gutom diyan." Sigaw ni Aimee habang kumukuha ng tubig sa ref.

Hindi ko siya pinansin. Inirapan ko lang siya.

Natapos na din akong kumain. Busog na busog ako. Lumabas na ako sa kusina niya. Nakita ko si Aimee na nanonood ng TV.

"Aimee alis na ko. Salamat sa pagkain"

"Ganyan ka naman eh! Pagkain lang ang habol mo sakin"

"Andrama. Sige na antayin mo lang dyan si bryle. Love uuu" pang aasar ko sa kanya.

Binato nya ako ng unan na galing sa sofa.

"heh wag ka ng bumalik ulit dito"

Umalis na ko ng apartment niya. Naalala ko na walang laman ang ref ko kaya napagpasyahan kong dumiretso sa supermarket para mamalengke.

A Heart Full Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon