Chapter 6

3 1 0
                                        

*Hello guys sorry ngayon lang ulit nakaupdate. Hope you like it. Please vote and comment. Thanks!

--------

*Apartment*

"Anong sinabi sayo ni Lawrence kanina?" Tanong ni Kaycee habang pinapapak yung eden.

"Wala, sinabi niya lang na mag-ingat tayo" sabi ko habang kumakain ng tsitsirya. Alam kong andami ko ng kasalanan kay Lord dahil sa pagsisinungaling ko pero kasi ito na lang yung paraan para di na ko tanungin nila Kaycee at Aimee.


"Weh?" Sabay nilang sabi.




"Oo nga" Sabay iwas ko ng tingin. Alam kong mahuhuli nila akong nagsisinungaling oras na makita nila yung mata ko.




Bago pa ulit sila magtanong nagsalita ulit ako.

"Kukuha lang ako ng juice at ice cream sa ref."

Pumunta na kong kusina. Kumuha ako ng juice at ice cream.


Binaba ko muna yun sa lamesa. Sumandal ako sa ref.

Bumuntong hininga ako. Inalala ko yung mga nangyari kanina.


"Kailan ba niya ko magugustuhan?" Tanong ko sa sarili ko. Alam kong para kong tanga dito na kausap yung sarili ko pero gusto kong malaman mismo sa sarili ko kung anong dapat gawin.

"Hoy!"


"Ay palaka!" Muntikan na akong matumba.


"Ano ba naman kayo!" Iritado kong sabi sa kanya.


"Arvee, kailangan mo ng karamay tapos di mo samin sinasabi. Ang daya mo" sabi ni Aimee.


"Hoy hindi noh! Wala naman akong problema"


"Wala kang problema pero kanina nung wala kami may pa drama drama ka dyang nalalaman. "Kailan ba niya ko magugustuhan" sabi ni Kaycee habang nakasandal sa ref at ginagaya yung kanina kong ginawa.


Natawa ako bigla sa mga pinapakita ng mga kaibigan ko. Mga baliw talaga!


"So ano na nga! Ano bang problema?" Tanong ni Aimee.

"Fine. I don't have any idea para magustuhan ako ni Lawrence." Bumuntong hininga ako.


"Lawrence na naman! Wala naman siyang pake sayo eh" sigaw ni Kaycee.


"Oo nga kaya nga kailangan magkaroon siya ng pake sakin" sabi ko ng seryoso.

Sila naman yung bumuntong hininga.

"Fine tutulungan ka namin" sabi ni Aimee.

"Paano?" Takang tanong ko.


"Kailangan gumawa tayo ng misyon"
Sabi ni Kaycee.


"Misyon?" Sabi ko.


"We need to prove Lawrence that you are not the type of person who easily gives up" sabi ni Kaycee ng nakangisi.


Pagkatapos ng matinding usapan namin. Umuwi na sila Aimee at Kaycee. Napapayag nila ako sa gagawin nilang misyon. Ano pa bang magagawa ko? Kahit naman anong sabihin ko sila parin ang masusunod.


*kring kring*

"Unknown number?"

Sinagot ko ito.

"Hello?" Sabi ko
"Hi''
"Who are you?"
"Gabriel"
"Gabriel? Paano mo nakuha no. ko?"
"Kay Kaycee"
"Ahhh"
"Pwede ka ba mamaya? For dinner?"
"Hmmm"
"Please, nung una nga tinanggihan mo ko. Pwede ba ngayon pumayag ka na? Please"
"Sige na nga. Kinonsensya mo ko eh"
"Hahahah sige see you mamaya. Antayin mo na lang ako sa tapat ng jollibee. Susunduin kita"
"Sige"

Pinatay na niya yung tawag.


Wala naman sigurong masama kung magdidinner kami. It just a friendly date.


Naligo na ko at nagsuot ng blue na dress at tinernuhan ko ng blue flat shoes. Nagmake up din ako ng light.


Pagkatapos nun dumiretso na ko sa tapat ng jollibee.


Habang nag-aantay ako napansin ko yung pusa sa kalsada. Nung una di ko yun pinansin pero ng may dadaan ng sasakyan at handa na siyang sagasaan, agad akong tumakbo doon.

Sasagipin ko na sana yung pusa ng bigla yung tumakbo at ako yung pumalit sa pwesto niya. Alam kong masasagasaan na ko pero ayaw gumalaw ng paa ko kaya pumikit na lang ako.

Hinihintay ko na lang na masagasaan ako pero bakit parang may nakahawak sa akin at ang bango niya.



Pagkadilat ko nakita ko kaagad si Lawrence na nakayakap sakin. Bigla niya akong inilayo sa kanya.

"ARE YOU DEAF? F*CK YOU'RE SO CLOSE TO DEATH! ARE YOU TRYING TO KILL YOURSELF?!"




"H-hindi n-naman. I-i w-was j-just trying t-to save the c-cat"

"F*CK! YOU'RE TRYING TO KILL YOURSELF FOR THAT STUPID CAT! ARE YOU INSANE?!"





Hindi ko alam ang sasabihin basta't naiinis ako sa kanya at sa sarili ko.
Naiiyak na ko. Alam kong kasalanan ko pero hindi naman niya ko kailangan sigawan at pagsalitaan ng kung ano ano.


Hindi ko na namalayan na tumutulo na yung luha ko. Natatakot ako hindi lang sa nangyari pati sa kanya.
Bigla niya kong hinawakan sa braso.



"Shit. I'm sorry stop crying please" napaiyak lalo ako ng sabihin niya yun.




And with that bigla na lang niya kong niyakap.


"I'm sorry'' sabi ko sa kanya.
"Shhh ok. No need to say sorry. Please Stop crying"


Sobrang komportable ako na yakap yakap ko siya. Ayoko ng umalis sa ganung pwesto pero lumuwang na yung pagkakayakap niya sa akin at binitawan na niya ako.


"I'll drive you home" sabi niya
"Wag na, may pupuntahan pa kasi ako" Naalala kong may dinner kami ni Gabriel.
"I'll join you"
"Wag na. Dyan lang naman atsaka baka kanina pa ko inaantay ng kasama ko"
"Who's with you?"


Pero bago ko pa masagot yung tanong niya may biglang tumawag sa akin.


*kring kring*

Sinagot ko kaagad yung tawag ng nakita kong si Gabriel yun.



Lumayo ako ng kaunti kay Lawrence.



"Hello" sabi ko
"Where are you?" Halata sa boses niyang nag-aalala na siya.
"Naglakad lakad lang. Naboboringan kasi ako kanina"
Bigla siyang bumuntong hininga.
"Ok. Pero nasan ka banda? Para masundo kita?"


Tumingin ako kay Lawrence. Nakatingin siya sa akin. Inaantay niyang matapos yung usapan namin.


"Gabriel, pwede bang sa ibang araw na lang tayo magdinner? Sumama kasi yung pakiramdam ko"

"Alright. Pero nasan ka para ihatid kita sa apartment mo"

"Ok lang ako. I'm sorry talaga."


"Ok sige Ingat"

"Sige bye"

Pinatay ko na yung tawag.
Humarap ako kay Lawrence.

"Who's the caller?"
"Gabriel"
"So, the two of you are dating?"
"Hindi. We're just friends''
"Ok so you need to go?"
"Yup. But I'm going home"


Aalis na sana ako ng hilain niya ako.

"I'll drive you home" inulit niya ulit yung sinabi niya kanina.
"Pero sa--"
"Please"


Bumuntong hininga ako.
"Alright"

A Heart Full Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon