Chapter 7

2 0 0
                                    

Sumakay na kami sa kotse niyang Ferrari. Sumakay ako sa passenger seat.

Pagkatapos nun wala na kaming imikan. Alam niya na kasi yung apartment ko kaya di na siya nagtanong.

Nang makarating na kami.

"Thank you" sabi ko bago ako bumaba.

Nang nakababa na ako, sinarado ko na yung pintuan ng kotse niya pero binuksan niya yung bintana.

"Please be careful"

Pagkatapos nun ay agad niya ng pinaharurot yung kotse niya.

Papasok na sana ako ng gate ng may biglang humila sa braso ko.

"So kasama mo pala si Lawrence. Kaya di ka nakapunta sa dinner natin. Bakit kailangan mo pang magsinungaling?"

Nagulat ako na nandito si Gabriel.

"I'm sorry" yan lang ang tanging nasabi ko sakanya.

"Sorry? It's not enough. Alam mo dapat di mo na lang ako pinaasa! Dapat sinabi mo na lang sakin na ayaw mo. Akala ko iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Paasa ka din pala."

*Pak*

"Wala kang alam sa mga nangyayari kaya wag kang magsalita ng ganyan!"
Napasigaw na ko sa galit.

"Walang alam? Alam kong anong mga nakikita ko. Wag mo kong gawing tanga''

"Nakikita? Dyan ka lang ba nagbabase. Wala ka nga talagang alam. Alam mo, tinuring kitang kaibigan pero di mo ko kilala"

Natulala siya sa sinabi ko.
With that pumasok na ko sa apartment ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Tumingin ako sa cellphone ko. It's 8pm. Tiningnan ko yung contacts ko at kaagad kong tinawagan sila Aimee at Kaycee.

Nandun lang ako sa pintuan hanggang sa may nagdoor bell. Binuksan ko kaagad yung pinto at pinapasok sila Aimee at Kaycee.

Umupo kami sa sofa.

"Ano bang nangyari? Atska san ka pumunta at nakadress ka?" Tanong ni Kaycee.

Kinuwento ko sa kanilang dalawa yung nangyari kanina.

"Gusto mong sapakin natin si Gabriel ngayon! Ano? Sabihin mo lang" sigaw ni Kaycee habang tinataas yung manggas ng damit.

"Makapag salita naman siya parang may relasyon kayo. Tama lang yung ginawa mo" sabi ni Aimee habang tinatapik yung likod ko.

"Pero alam kong may kasalanan din ako." Sabi ko habang pinaglalaruan yung daliri ko.

"Haysst hayaan mo na lang siya." Sabi ni Kaycee habang sumasandal sa sofa.

Ang galing talaga nila mag advice. Nakatulong talaga ng malaki Grabe!

"Arvee dito na kami matutulog. Gabi na eh. Atsaka para hindi sayang pamasahe pupunta rin naman kami bukas dito eh."

"Huh? Para san?" Sabi ko ng nagtataka.

"Yung misyon. Uumpisahan na natin siya bukas."

"HUH? SERYOSO KAYO?"

"Yup" sabay nilang sabi habang patungo sa kwarto ko.

Wala na kong nagawa kaya natulog na lang ako.

*kinabukasan*

"Arvee gising na!" May tumatapik sa pisngi ko pero di ko yun pinansin.

"Arvee!" Niyuyugyog na nila ako pero ayoko talaga gumising.

"Inaantok pa ko" sabi ko.

"Sige kapag di ka gumising dyan ihuhulog ka namin" di ko sila pinansin. Alam ko namang di nila maga--

"Aray" hinawakan ko yung pwet ko sa sobrang sakit ng pagkabagsak ko

"Sabi ko sayo eh. Ilalaglag kita" sabi ni Kaycee.

"Grabe talaga kayo!" Tiningnan ko yung orasan. "4 am pa lang kaya! My Gosh! Anong pumasok sa isip niyo at ginising niyo ko ng ganitong oras?"

"Nakalimutan mo na ba?! Ngayon na kaya ang first day na gagawin natin yung misyon" sabi ni Aimee .

"Duh! Wag na lang" sabi ko habang babalik sa higaan para matulog ulit.

Pero bago pa ko makahiga. Hinila na nila ako at tinulak papasok ng banyo.

"Maligo ka na dyan! Kung hindi ka maligo kami mismo ang magpapaligo sayo!" Sigaw ni Kaycee.

"Haysst. Oo na po" sabi ko.

Ginawa ko na ang mga dapat gawin sa banyo.

Pagkatapos, lumabas na ako ng nakatapis lang.

"Arvee sukat mo nga toh!" Sabi ni Aimee sabay bigay sa akin ng dress na black na kita ang pusod.

"Ayoko nito" sabi ko sabay bigay ulit sa kanya.

"Kung ayaw mo niyan ito na lang" binigay sa akin ni Kaycee yung tshirt na puti at maikling short.

"Sige yan na lang. Pero bakit ako magsusuot ng ganyan diba may pasok? Dapat school uniform"

Binatukan bigla nila ako.

"Oy teh Intramurals ngayon! Kaya kahit anong damit pwedeng suotin."

"Sorry na! akin na nga yan!" Kinuha ko na yung damit na hawak ni Kaycee na tshirt na puti at maikling short.

Pagkatapos kong magbihis. Hinila ako ni Kaycee.

"Dapat ganto yan" sabi ni Kaycee habang tinataas yung tshirt ko na makikita yung pusod ko. Tinali niya yung sobra sa likod.

"Kailangan ba talga ganito?"

"Syempre! Para maakit mo si Lawrence. Ang ganda mo kaya." Sabi ni Aimee.

"Duh. Nakakahiya kaya"

"Hindi kaya. Oh eto! Suotin mo" binigay ni Kaycee sakin yung rubber shoes.

Sinuot ko ito.

"Yan perfect!" Sabi ni kaycee habang pumapalakpak.

Hindi ako masyadong komportable sa suot ko pero ano pa bang magagawa ko suot ko na eh.

"Sandali lang lagyan lang natin ng konting make up yang mukha mo bago tayo umalis." Sabi ni Kaycee habang hawak hawak yung make up.

"Tapos icurl din natin yung dulo ng buhok mo" excited na sabi ni Aimee.

"Grabe kayo guys, ang dami niyo ng pinaggagawa sa akin. Baka mamaya mukha na kong ewan dito." Sabi ko habang nakaupo.

"Ano ka ba Arvee masyado kang nega!" Sabi ni Aimee habang kinicurl na yung buhok ko.

"Oo nga" sabi naman ni Kaycee habang nagmemake up sakin.

Umirap na lang ako sa kawalan. Bakit ko ba sila naging kaibigan? Mga baliw.

Pagkatapos ng 1 oras, natapos din ang pinaggawa nila sa akin. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Masasabi kong hindi naman masama ang nagawa nila sa akin kundi sobrang ganda.

"Magbibihis lang kami tapos aalis na tayo" sabi ni Kaycee.

Wala akong magawa habang nag-aantay sa kanila kaya pinaglaruan ko na lang yung cp ko.

Natapos din silang magbihis. Si Aimee ay nakapantalon at nakaputing tshirt at si Kaycee naman ay nakashorts at nakaputi ding tshirt. Pero sa kanila tago yung pusod. Ang daya.

Bago kami lumabas may binigay sa akin si Kaycee na banner. Tiningnan ko toh. "Go Lawrence" ang nakasulat dito. Naalala kong ito yung banner na ginamit ko nung naglaro si Lawrence.

Napangiti ako. Naalala ko kasi yung nangyari kagabi. Feeling ko safe na safe ako nung niyakap niya ko. Excited na kong makita siya ulit. Lalo na na maglalaro siya ngayon.

A Heart Full Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon