Chapter 13

5 1 0
                                        

PS. Sorry  sa late update.

Please vote and comment. Hope you like it. ^_______^

------------------------------

May biglang tumawag sa akin kung saan. Ayoko sanang pansinin kaso kanina pa niya ako sinisitsitan.

Lumingon ako.

"Arvee, kanina pa kita sinisitsitan di mo naman ako pinapansin" hingal na hingal na sabi ni Aimee.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Ng ganitong oras?

"Hindi mo kasi ako tinawag sa pangalan ko. Alam mo naman diba? Nga pala saan ka pumunta at nandito ka ng ganitong oras?" Naglalakad na kami habang sinesermonan ko siya.

"Aba't ako pa ang tinanong mo ng ganyan! Dapat nga ikaw yung tatanungin ko eh! San ka galing?" Aba't binalik sakin yung tanong.

"Ikaw muna ang sumagot! Ako unang nagtanong eh!" Duh.

"Fine. Pumunta ako kila Kaycee, nakipagkwentuhan at kumain lang kami. Ayun napasarap kaya gantong oras na ako nakauwi" ang daya naman nila.

"Bakit di niyo ko sinama! Dapat tinext or tinawagan niyo manlang ako diba!?" Tampo na ko sa kanila. *pout*

"Hoy kung sabihin ko sayo nakailang text at tawag kaya kami ni Kaycee sayo pero di mo sinasagot. San ka ba pumunta!?" Hala! Hindi ko napansin na tumatawag at nagtext sila kanina. Nasa bar kasi nga ako eh. Si Lawrence kasi eh.

"Pumunta ako sa bar" tinakapan ko na yung tenga ko. Alam kong sisigaw yan.

"BAR!? MAY BALAK KA BANG SIRAIN ANG BUHAY MO!" sabi ko sa inyo eh.

"Duh. Hindi noh. Kasama ko si Lawrence" inosente kong sabi.

"SI LAWRENCE!? ANONG GINAWA NYO DUN!?" ang green talaga masyado nito. Hindi ako ganung babae ah.

"Hoy! Hindi ako ganung babae na basta basta na lang na ano basta ganun" taka naman niya akong tiningnan.

"ARAY!" napasapo ako sa noo ko dahil sa pitik niya. Ano na namang ginawa ko?

"Ang green mo! Tinatanong lang naman kita kung anong ginawa nyo dun. Kung ano ano na nasa isip mo" hala? Bakit di ko naisip yun! Haysst ako pa tuloy yung green. *pout*

"Ano nga ginawa niyo dun?" Tanong niya ulit.

"Hinila kasi ako ni Lawrence kasi gusto niyang pagselosin namin si Sabrina"

"Pumayag ka naman!?"

"Wala na kong nagawa hinila niya ako eh."sabi ko sabay kamot sa batok.

"Tss. Bahala ka nga" pumasok na siya sa apartment KO? Nandito na pala kami. Pero bakit siya pumasok dun eh di naman niya apartment yun?

Pumasok na ko sa loob at naabutan siyang kumakain ng vegetable salad sa kusina ko.

"Hoy bakit ka nandito? Di ka pa ba uuwi?"

" Nahh. Matutulog na lang ako dito. Gabi na rin ay umaga na pala."

"Haysst. Bahala ka nga. Punta na akong kwarto. Antok na ako eh."

"Gesge"

Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga. Hay, nakakapagod ngayong araw. Nakakainis kasi si Lawrence eh. Kung ako na lang san yung nagustuhan niya edi walang lroblema. Sasaluhin ko naman siya eh. Hindi kagaya nung Sabrina na yun.

Naramdaman kong humiga na si Aimee sa tabi ko. Maya maya ay nakatulog na rin ako.

---------------------------------

Sorry kung konti lang po yung update ko dito. Dadamihan ko na lang sa next update. I hope na maintindihan niyo po ako. Salamat po.

PS. Please vote and comment parin po. Thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Heart Full Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon