*School*
Pagkapasok pa lang namin ng gate. Pinagtitinginan na kami. Ewan ko kung kami o ako lang. Magsuot ka ba naman ng ganito eh, di ka pagtitinginan.
May mga nakasalubong akong mga kaklase namin.
"Arvee, You look stunning"
"Thank you" ngumiti ako sa nagsabi nun.
Naglakad lakad na kami hanggang sa nakapunta kami sa court kung saan maglalaro sila Lawrence.
Nakita ko kaagad si Lawrence na pinagkakaguluhan ng mga babaeng parang clown na sa kapal ng make up. Nakavarsity kasi siya at sobrang hot niya.
Lumapit ako doon.
"Bitawan niyo nga si Lawrence'' hinila ko yung mga babaeng nakahawak kay Lawrence.
"Hoy miss! Sino ka ba? Ikaw lang ba ang may karapatan sa kanya? Atsaka pantay pantay lang tayo dito kaya wag kang mayabang diyan"
"Hoy ako mayabang? Kayo nga yun eh. Ang kapal nga ng mukha niyo na hawak hawakan si Lawrence! Sayo ba siya?!" Sabi ko habang dinuduro siya.
"Aba't ang kapal ng mukha mo!" Sinabunutan na niya ako pero hindi rin ako nagpahuli at sinabunutan ko din siya.
May mga kasama siya at nakisama na rin ito sa pagsasabunot sakin.
Argh.
"Yan bagay sayo! Bitch!" Sigaw ng babae habang sinasabunutan ako. Pinagtutulungan na nila ako. Para na kong makakalbo sa ginagawa nila.
May biglang humila sa akin.
Pinunta niya ako sa likod ng classroom.
"Why are you keep getting into trouble?!" Sigaw ni Lawrence sakin. Halatang galit na galit na siya.
"Inilalayo ko lang naman yung mga babae sayo eh" pagpapaliwanag ko.
"And why?" Napasinghap siya.
"Kasi alam kong naiirita ka sa kanila"
"Why do you say so? What if I say I'm not? And if ever I feel it , I am the one who will stay away from them. I dont need your help." seryoso niyang sabi.
Hindi ako nakapagsalita. Naubusan ata ako ng salita ngayon.
Umalis na siya pero bago siya umalis may sinabi siyang napagpatulala sakin.
"By the way , I'm not yours"
I'm not yours.
I'm not yours.
I'm not yours.Paulit ulit yan na nagfaflashback sa isip ko. Nandito pa rin ako sa likod ng classroom. Natauhan lang ako ng narinig ko na sa speaker ng school namin na mag-uumpisa na yung game.
Agad akong tumakbo papunta sa court kahit na alam kong dapat hindi na ko pumunta dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Nakita ko sila Aimee at Kaycee na nasa gilid ng bench kaya agad akong pumunta doon.
"Arvee! Bakit ngayon ka lang? Saan ka pumunta?" Tanong ni Aimee.
"Wala dyan lang" sabi ko ng walang gana.
Hindi naman na siya nagtanong. Dahil kapag nagtanong siya wala rin akong maayos na maisasagot.
Nag-uumpisa na yung game. Kinuha ko na yung banner at agad na tumayo para magcheer.
"Go lawrence!" Sigaw ko habang tinataas yung banner.
Nakita ko agad na umirap si Lawrence. Pinagtitinginan na din ako ng mga babaeng nakaaway ko kanina. Ang sama ng mga tingin nila.
Pero bigla kong nahagip ng tingin si Gabriel na naglalaro din pero nakatingin sa akin ng diretso. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagchicheer ko kay Lawrence.
Pagkatapos ng game agad akong lumapit kay Lawrence at inabutan siya tubig.
"I have my own" sabi ni Lawrence sabay inom ng tubig niya.
Sumimangot ako.
Aalis na sana ako ng may humila sa tubig na dala ko.
"Painom nauuhaw na ko eh"
Gabriel? Galit siya diba?
"Yan! Sayo na ulit yan." Sabi niya sabay abot sa akin ng bote ng tubig na walang laman.
"Wala naman na yang laman! Sayo na yan!" Balik ko ulit sa kanya ng bote.
Ginulo niya yung buhok ko.
"Ano ba!" Sabi ko sabay tabig ng kamay niyang nasa ulo ko.
Tumawa siya ng bahagya pero tanging irap lang ang binalik ko sa kanya.
Bigla siyang sumeryoso.
"Sorry na" sabi niya habang nakatingin sakin ng diretso.
Hindi ako umimik.
"I'm sorry nung gabing sinabihan kita ng kung ano ano. Nadala lang kasi ako sa emosyon ko. Ayaw kitang nakikitang may kasamang iba. Nagseselos ako"
Napanganga ako.
"Nagseselos? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya.
"Gusto kita Arvee, matagal na"
Nagulat ako, hindi ko inaasahan na magcoconfess siya. I don't have any idea about this.
"Pero, alam mo namn diba, na may i-iba a-akong gus-sto"
"Alam ko pero, gagawin ko ang lahat para magustuhan mo din ako"
"Pero ayoko ng may umaasa sa akin. Ayoko na masaktan ka"
"Wala kong pake kung masaktan ako. Gusto kong subukan" hinawakan na niya yung kamay ko.
"I don't know" tinanggal ko yung kamay ko na hawak niya.
"Pinapatawad na kita pero hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo" dagdag ko and with that umalis na ko.
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari ngayong araw. Napahiya ako sa maraming tao, sinabihan ako ni Lawrence ng "I'm not yours" at ang pagcoconfess sa akin ni Gabriel.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Wala akong pakeelam sa mga taong nasa paligid ko.
Hanggang sa may nabunggo ako.
*boogsh*
"WHAT THE HECK!? ARE YOU BLIND?!" sigaw ng isang babae na sobrang ganda at sobrang puti.
"I'm sorry" sabi ko. Hahawakan ko na sana siya dahil nakaupo pa rin siya sa sahig ng itabig niya yung kamay ko.
"Dont touch me!"
Aba't siya na nga yung tinutulungan siya pa yung galit. Para namang may germs ako na dapat layuan.Tumayo na yung babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Cheap" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
Aba't ang kapal ng mukha niya na sabihan akong cheap eh mas mukha naman siyang cheap sakin dahil sa ugali niya. Bwiset.