Chapter 10

5 0 0
                                    

Nang nasa comfort room na ako, agad kong binasa yung mukha ko at tumingin sa salamin.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin, naguguluhan na ko" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Inisip ko yung mga nangyari kanina. Naalala ko yung part na biglang umalis si Lawrence.

"Hindi ko talga siya maintindihan" ginulo ko pa yung buhok ko pero agad ko rin iyong inayos at umalis na.

Pero ng makalabas ako may biglang humila sa akin kung saan.

Idinala niya ako sa isang abandonadong silid. Itunulak niya ako sa dingding.

Napa-aray ako sa sakit ng pagkatulak niya.

"Are you guys, dating?" Napatingin ako kay Lawrence.

"Ano bang problema mo? We're not dating. Are you happy now?'' Di ko talga siya maintindihan lalo na yung mga kinikilos niya.

Ginulo niya yung buhok niya.

"Argh!" Umalis na siya. Pero bago siya umalis sinuntok niya yung pader na siyang ikinagulat ko.

Huminga ako ng malalim. Nanlambot yung mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.

With that tumulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napansin kong lagi na lang akong umiiyak pero kahit ganun di pa rin ako nauubusan ng luha.

Natawa ako sa kalagitnaan ng iyak ko dahil sa iniisip ko.

Nandito pa rin ako sa silid. Naenjoy ko na ata yung pag-upo dito.

"Arvee! Nasan ka na ba?" Narinig ko ang boses ni Gabriel. Halatang nag-aalala na talga siya dahil sa tono ng boses niya. Siguro masyado akong natagalan sa pag-upo dito.

Napagpasyahan kong tumayo at lumabas na ng silid.

Nang nakita agad ako ni Gabriel agad niya kong niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya.

"Akala ko nawala ka na. San ka ba pumunta?Okay ka lang ba?" Masyado talga siyang nag-alala. Sana ganun din si Lawrence sakin. Sana hanapin niya rin ako kapag nawala ako.

"I'm fine" sabi ko sabay bitaw sa yakap niya.

"Anong nangyari sayo? Bakit namamaga yung mata mo?" Hinawakan niya pa ko sa pisngi para masuri ang mukha ko.

Umiling ako. "Pagod lang ako" Maggagabi na rin pala kaya wala ng masyadong tao.

Umihip ang malakas na hangin. Hinawakan ko yung braso ko dahil sa lamig na dumadantay sa balat ko.

Napansin yun ni Gabriel kaya agad niyang hinubad yung jacket niya at inilagay yun sa balikat ko.

"Sa susunod kasi wag kang magsuot ng ganyang damit para di ka lamigin" seryoso niyang sabi.

Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula ng maglakad. Lutang pa rin yung isip ko hindi ko ba alam masyado na kong  nagiging emosyonal.

Napansin kong sumunod din sa akin si Gabriel sa paglalakad.

"Ihahatid na kita" tumango na lang ako sa sinabi niya.

Hanggang sa biyahe, hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi din naman nagtanong si Gabriel kaya ang tahimik namin.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad na kong bumaba. Pero bago ako bumaba nagpaalam muna ako sa kanya.

"Thanks, bye" aalis na sana ako ng bigla niyang hilain yung braso ko.

"If you have a problem, just call me. Alright?"

Tumango lang ako bilang sagot at bumaba na.

Pagkababa ko agad naman niyang pinaharurot yung sasakyan niya.

Pumasok na ko sa apartment ko. Namiss ko tuloy sila mommy and daddy. I really miss them kahit na iniwan nila ako. Yeah tama kayo iniwan nila ako. Iniwan nila ako dahil sa business. Pumunta sila sa US ng hindi ko alam. They don't even try to call or find me. They leave me behind knowing nothing.

Galit ako sa kanila pero kahit ganun hinahanap hanap ko pa rin sila. Gusto kong icomfort nila ako ngayon pero nasan sila, Wala! Damn.

Pumunta na akong kwarto ko at itinulog na lang lahat ng problema ko.

*Kinabukasan*

*Tok tok*

Naalimpungatan ako ng may biglang kumatok. Tiningnan ko ang orasan. 3 am pa lang.Sinong tao ang bibisita ng ganito kaaga sa apartment ko?

Tumayo na ako ng hindi nag-aayos ng sarili. Wala na kong pake kung may muta ako at magulo ang buhok ko.

Binuksan ko yung pinto.

"Ang aga ag--" napatigil ako sa pagsasalita ng nakita kong si Lawrence yung nasa harap ko.

Anong ginagawa niya dito?! Napanganga ako.

"Close your mouth, you look stupid" aba't nilait pa ko. Pero napansin kong amoy alak siya. Uminom ba siya?

"Lasing ka na ata, umuwi ka na nga" inis kong sabi sa kanya.

"No" pagkasabi niya nun, ay agad siyang pumasok sa apartment ko.

Aba't ang kapal ng mukha niya ah. Kahit na may gusto ako sa kanya wala siyang karapatang pumasok sa apartment ko ng basta basta.

"Hoy Lawrence! Umuwi ka na nga!" Pero imbis na sundin niya ako ay agad siyang umupo sa sofa at sumandal.

Lumapit ako sa kanya.

"Sabing umuwi ka na eh!" Sigaw ko.

"Shut your mouth, it's annoying"

"Hoy! Umuwi ka na nga! Hindi mo naman baha---" nagulat ako ng bigla niya akong hilain kaya bigla akong napaupo sa tabi niya.

Bumilis yung tibok ng puso ko.

"H-hoy! G-gumising ka nga dyan!" Haysst bakit ba ko nauutal?!

Bigla siyang ngumiti kahit nakapikit.

"Anong ngiti ngiti mo dyan! Umuwi ka nga sabi" hinihila ko pa yung braso niya pero hindi ko mahila dahil mas malakas siya sakin.

Hindi siya sumagot. Ano pa nga bang magagawa ko?

Tumingin ako sa kanya. Ang himbing na ng tulog niya kaya inihiga ko siya ng maayos. Tinitigan ko siya. Ang amo ng mukha niya pag tulog parang hindi siya yung nakilala kong masungit at walang pakeelam sa mga tao sa paligid niya. Sana lagi na lang siyang tulog.

A Heart Full Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon