Teaser

1.3K 31 2
                                    

Tragic para kay Helen ang sinapit ng kanyang lovelife mula sa ex-boyfriend. At mukhang hindi pa tapos ang tragic story na iyon. Nagbabalik na naman kasi ito upang magmakaawa at kumbisihin siyang magkabalikan silang dalawa. Matapos siya nitong ipagpalit sa iba ay nagagawa pa nitong sabihing mahal nila ang isa't isa at dapat silang magkasama.

At hindi pa doon natatapos ang lahat. Nagbabalik din ang lalaking unang bumihag sa kanyang puso noon, si Troy. He was still the same egoistic yet charming boy she knew. He was her first love and her first heartbreak too.

Di pa man nadidispatsa ni Helen ang ex-boyfriend niya, pati si Troy ay dumadagdag pa sa panggulo sa isip niya. Hindi na malaman ni Helen kung paano siya tuluyang lulubayan ng ex. Kaya nang magkagipitan na ay naipakilala niyang boyfriend si Troy! Na malugod namang pinatulan ng hinayupak!

Troy made her ex believed that they were together in order to drive him away. Sa sobrang galing nito, kahit siya ay napaniwala sa de-kalibreng acting nito. Mukhang sineseryoso na ata nito ang pagpapanggap nila. Wala tuloy nagawa ang walang kalaban-laban niyang puso kundi ang unti-unting bumigay sa karisma nito. Iyon nga lang, mukhang mauulit na naman ata ang kanilang nakaraan.

Looks like another heartbreak from another tragic love story is about to happen again. Wala na ba talaga siyang karapatang magka-happy ending?

**

This is gonna be a short one. I believe na-feature ko sila sa isa ko pang story. :) Hahaha


Helen of TroyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon