Part 9

181 10 0
                                    

"GOLDEN LA FLOR." Binasa ni Helena ang pangalan ng malaking establisyemento sa harap niya. Hindi pa siya nakarating doon kailanman. Ni hindi pa siya dinala ni Troy doon kahit isang beses. Marahil ay dahil pareho naman silang abala sa kanya-kanyang negosyo. Lalo tuloy siyang kinakabahang pumasok. Ilang beses pa siyang napadasal bago tuluyan nang pumasok.

Nakangiting babae ang bumati kay Helena pagpasok. Tumuloy siya sa loob kasama ng iba pang nakasabay na kliyente. Pagpasok palang sa loob ay kaagad na siyang namangha. The interior looked amazing. Mas malawak pa iyon kaysa sa inaakala niya. May mga furnitures at flower vases. Mayroong iba't ibang klase at laki. Kahit saan siya tumingin ay may iba't ibang uri ng halaman at bulaklak. Nangingibabaw ang halimuyak ng mga bulaklak.

Mayroon ding iba't ibang disenyo ng mga basket na may iba't ibang laki. Napupuno iyon ng iba't ibang klase ng bulaklak. Mayroong orchids, tulips, roses, sunflowers, carnations, gerberas, alstroemerias, lilies, ecuadorian roses, stargazers, at kung anu-ano pa. Assorted flowers with assorted colors. Manghang-mangha siya sa pagkakaayos. Kaagad na may lumapit sa kanyang babae. Magiliw ang ngiti nito sa kaniya. Bumati ito samantalang ngumiti lamang siya.

"May I help you, Ma'am? Para po sa kasal? Anniversary?"

Mabilis na umiling si Helena. "Ah, hindi. Gusto ko lang sanang makausap si Troy. I'm his f-friend. Nandito ba siya?"

Saglit na nagulat sa kanya ang sales assistant. Tila nag-alinlangan pa ito kung sasagutin ang tanong niya. "May appointment po kayo sa kanya, Ma'am? May kausap pa po kasing mahalagang tao si Sir."

Bumakas ang lungkot sa mukha niya. Hindi naman niya alam na ganoon pala ka-busy si Troy. Kaya siguro hindi niya ito ma-contact kanina pa habang nasa byahe siya. "Ah ganoon ba? Sige, maghihintay nalang ako." aniya.

"Pasensya na talaga, Ma'am. Baka matagalan pa po si Sir. Magkasama pa po sila ni Ma'am Patrice..."

Tila nabingi si Helena sa pangalang binanggit ng sales assistant. Ni hindi na niya nakuha pa ang sumunod na sinabi nito. "S-si... Patrice? Patrice Guerrero?"

"Yes Ma'am. Pinag-uusapan pa po nila ang mga bulaklak na gagamitin sa kasal kaya baka matagalan pa..."

Napaatras si Helena at tila nanghina ang kanyang mga tuhod. Mabuti na lamang at nakahawak siya kaagad sa isa sa mga lamesa na naroon. "Ayos lang kayo, Ma'am?" nag-aalalang tanong ng babae.

Umayos si Helena ng tayo at pilit na ngumiti rito. "Oo. Sorry, medyo masakit na kasi ang paa ko. N-nasaan ba rito ang restroom niyo?"

Itinuro ng babae ang direksyon ng restroom. Ayaw pa sana siyang iwanan ng babae ngunit nag-insist si Helena na ayos lamang siya. Wala sa sariling naglakad siya at tinungo ang maling direksyon. Imbes na restroom ay lobby ang tinungo niya. Lumilipad ang utak niya habang paulit-ulit na naririnig ang sinabi ng sales assistant.

Patrice. Kasal. Bulaklak. Ikakasal na ba sila ni Troy?

Pagliko ni Helena ay tumambad na sa kanya ang bahaging binabaha ng iba't ibang kulay ng rosas. Mayroon pang mga nakadisenyo at nakasabit sa itaas. There are other flowers displayed as well but they were outnumbered by roses.

Mas kaunti ang kliyenteng naroon kaysa sa lobby na pinanggalingan niya. Mayroong mga sofa at couch. Mayroon ding mga mesa kung saan okupado ng mga kliyenteng tingin niya ay VIP. Ngunit imbes na mamangha sa ganda ng lugar at sa mga nagkalat na mga bulaklak ay tila kabaliktaran niyon ang nararamdaman ni Helena. 

Tila nanigas siya sa kinatatayuan nang matanaw si Troy na may hawak na bungkos ng puting rosas. Sa harap nito ay si Patrice. The even more beautiful Patrice in her now short hair. There were flowers on the table behind Troy. Tulips, white and red roses and lilies. Abala si Troy sa pag-aayos ng isang bouquet ng iba't ibang klaseng bulaklak. Nagtatawanan pa ang mga ito kaya marahil ay hindi nito matapos-tapos iyon.

Helen of TroyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon