Part 8

219 11 0
                                    

TROY became sweeter and sweeter each day. Palagi nitong si Helena dinadalhan ng bulaklak sa tuwing dinadalaw ito. Sa tuwing magkikita naman si Troy at si Linus ay hindi ito nagpapadaig sa huli. Troy would hold her tight whenever Linus is around. At palaging napipilitang umalis ang huli dahil sa malamig na pakikitungo ni Helena rito.

Hindi alam ni Helena kung bakit ayaw pa ring sumuko ni Linus. Kung totoo ngang mahal pa rin siya nito, too bad... Hindi na niya mahal ang lalake. Hindi na ito ang nagmamay-ari ng puso niya. Wala nang naiwan pang pwede nitong balikan maliban sa kapatawaran niya. At handa naman siyang ibigay iyon. Kung sana lang ay kaya nitong tanggapin na talagang wala nang pag-asang magkabalikan sila ni Linus.

"Blooming si Ma'am Helen," puna ni Anton

"Kasing blooming ng mga bulaklak dito," wika naman ni Olivia habang hinihimas ang talulot ng mga bulaklak na dala ni Troy. Dumaan muna si Troy roon sandali bago nagtungo sa trabaho nito. Nahihiya na nga siya sa linggu-linggong supply niya ng bulaklak mula sa binata.

"Love is in the air na talaga!"

Ngumiti lamang si Helena sa mga ito at hindi na nagsalita. Mas mabuting manahimik muna siya sa itinatagong feelings para sa lalake. Hangga't hindi pa siya nakakapagdesisyon kung anong gagawin sa sarili niyang feelings, mabuting protektahan muna niya ang sarili.

"Love is in the air? Kaya pala napo-pollute na ang utak namin dito." Nilingon ni Helena ang nagsalita at natagpuan sina Jean at Savannah na papalapit sa kanila. Ni hindi man lang niya namalayan ang pagpasok ng mga ito. Si Juliana ay wala, marahil ay may date ito.

"Hoy bruha! Ano, di mo na kami binabalitaan ah!" bungad kaagad ni Jean. Pumili sila ng malapit na mesa at doon umupo. Sinenyasan ni Helena si Anton na dalhan sila ng palaging inoorder ng dalawa niyang baklitang kaibigan.

"Busy ako eh," dahilan ni Helena at pasimpleng hinawi ang buhok. Pabirong hinila ni Savannah ang buhok ni Helena.

"Nagka-lovelife ka lang kay Troy, nakalimutan mo na kami?"

"Hindi kami!" pagtatama ni Helena.

"Sa mata ni Linus, oo." Sumandal si Jean at humalukipkip. Nagtaas ito ng kilay. "Ano? Kinukulit ka pa rin ng gunggong na yon?"

Dahan-dahang tumango si Helena.

"Ay, gunggong nga talaga siya!" bulalas ni Jean.

"Palagi namang nandito si Troy so..." Nagkibit si Helena ng balikat at ngumiti. Naging mapangsuspetya ang tinging ipinupukol sa kanya ng dalawa. Sakto namang dumating si Anton na dala ang pagkain at inumin nila.

"Enjoy your coffee, Ma'am!" Nagpasalamat iyong dalawa at tumango. Nang makaalis si Anton ay saka siya binalikan ng dalawa.

"Umamin ka. May something na sa inyong dalawa, ano?" Umiling si Helena. Nakataas ang kilay ni Savannah at mukhang di kumbinsido sa kanya.

"Wala talaga!" pag-amin ni Helena. "Wala pa."

"Anong wala pa? Teka nga, have you..." binitin ni Jean ang sasabihin. Tiningnan ng dalawang kaibigan ng makahulugan si Helena.

"Have what?"

Ngumunguso si Jean at ipinaparating ang gustong sabihin. Nagmaaang-maangan pa si Helena na naiintindihan ang sinesenyas nito.

"Have you kissed?" Mas malakas at mas bulgar na tanong ni Savannah. Kaagad na binato ito ni Helena ng tissue. Napapatingin sa kanila ang mga kasama nila sa loob!

"Ano nga? Sagot nalang kasi, Helena. Oo lang naman o hindi," pagpupumilit pa ng dalawa. Hindi nagsalita si Helena ngunit ang pamumula niya ang siyang nagbulgar ng mga sekreto niya. Napahalakhak sina Jean at Savannah at nag-apir pa. Umirap na lamang si Helena sa mga ito.

Helen of TroyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon