"HOY, HELENA! YOHOO!" Napakurap-kurap si Helena nang tapik-tapikin siya ni Savannah sa pisngi. Nakatingin ang mga kaibigan kay Helena na para bang kanina pa tumutulo ang laway niya. Pasimpleng hinawakan ng dalaga ang gilid ng labi. Hindi naman tumutulo ang laway niya a. Bakit ganito makatingin ang mga ito sa kanya?
"Bakit?" Tanong niya.
"Naikwento ko na ang kasaysayan ng buong Pilipinas pero mukhang mas gustong pag-usapan ni Helena ang pag-iibigan nila ng ex niyang baliw. Well, guess what my friend? Parte na iyon ng history kaya move on na, girl!" Napapalatak si Juliana, ang kaibigan niya mula pa noong college siya.
"Helena naman, tantanan mo na yan. Kalimutan mo na nga yang hunyango na yan. Subukan mong makipagbalikan don, hindi lang puso mo ang mabi-break." Banta ni Savannah.
"Hindi no." Mariing tanggi ni Helena.
Tumaas ang kilay ng mga ito. "Mahal mo pa, ano?" Si Jean ang nagtanong. Sumimangot si Helena sa maga kaibigan bago uminom. "Pagkatapos ng lahat, tanga nalang ang magmamahal pa rin don."
"I heard a but..." Matalim ang tinging ipinupukol ni Savannah kay Helena.
Bumuntong-hininga ang dalaga. "Pero masakit pa rin. Syempre niloko niya ako eh. First anniversary na sana namin next month."Nanghihinayang na saad niya.
"Achieve mo na rin ang three month rule, next month. Plus, para sa isang lumot na gaya niya, hindi rin naman niya deserve bigyan ng three month rule. Para lamang yon sa mga karespe-respetong tao." Dagdag pa ni Savannah.
"Alam mo, Helena kung ako sayo maghahanap na rin ako ng bago. Kaunting landi lang ang solusyon diyan. Ano? Gusto mo bang i-set ka namin sa blind date?" Suhestyon ni Jean.
"Ano namang tingin nyo sa akin? Namamalimos ng lalake? Ayoko." Matigas na umiling si Helena.
"Come on, Helena. There's no harm in trying. Pwede ka namang mag-back out kapag di mo type." Tumaas-baba pa ang kilay ni Jean kay Helena. Hawak-hawak ng kaibigan ang kamay niya. Hindi talaga niya nagugustuhan ang suhestiyon nito.
Tinapik-tapik ni Juliana ang magkahugpong na mga kamay nina Jean at Helena. "Tama na yan, Jean. Baka lalong matakot iyang magmahal, mamatay pa 'yang virgin."
Iniikot ni Helena ang mga mata. "Tama na nga yan."
"So payag ka na sa blind date?" Ungot pa uli ni Jean.
"Tantanan mo 'ko, Jean. Kung gusto mo, ikaw nalang."
"Para ano? Para madagdagan ang listahan ng ex ko? Pass muna ako. Besides, I'm taking a break, Helen. Ikaw muna ulit ang makipagsapalaran sa karagatan ng pag-ibig."
Napabuntong-hininga na lamang si Helena. Hindi nga ba't kakatapos lamang niyang makipagsapalaran doon? At saan siya pinulot ngayon? Sa karagatan ng mga bigo at niloko. Malas nga ata talaga siya pagdating sa pag-ibig. Palagi nalang kasi siyang iniiwan o umaalis ng luhaan. Mula sa una niyang boyfriend hanggang sa recent one ay nakuha siyang lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Hindi din niya alam kung ano bang mali sa kanya at tila nakakahanap ng iba ang mga nakakarelasyon niya.
Cupid has been doing his job, wrong. Dapat kay Kupido ay tinatanggal sa trabaho o di kaya ay pinagse-seminar. Ilang taon nang nagmimintis ang pana nito sa tamang lalake para kay Helena. Sa ikatlong beses ay nabigo na naman siya sa pag-ibig. Nasaang lupalop ba naman kasi ng Pilipinas nagsusuot ang lalakeng itinadhana ni Kupido para sa kanya? Iyong totoo na. Iyong hindi na siya aani ng broken heart at luhaang mga mata.
"Hayaan nyo na si Helena." Singit ni Juliana. Binalingan nito si Helena pagkuwan. "Wag kang magmadali. One day, at the right time and at the right place, magmamahal ka ulit."