Part 2

337 18 4
                                    


"HELENA!"

Hindi na nagtangka pang lumingon si Helena. Mas binilisan niya ang paglalakad nang marinig ulit ang boses ni Linus. Linus was her ex-boyfriend. Nauwi sila sa hiwalayan nang sabihin nitong pagod na ito sa kanya at may iba na itong mahal. Ngunit noong nakaraang araw lang ay bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin. Gusto daw siya nitong makausap na siya namang pilit niyang tinanggihan. She had enough with his bullshit. Iniignora na nga niya ang bawat text at tawag nitong nagmamakaawang kausapin niya ito. Binantaan na nga siya nang mga kaibigang sasabunutan kapag nakipagbalikan siya sa lalake.

Hindi niya alam kung paano siya nito natunton. Kanina pa ito sunud ng sunod sa kanya. At kanina pa niya ito iniignora. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na wala siya sa coffee shop at namili siya sa grocery store na iyon. Pinilit niyang magbingi-bingihan while acting normal. Baka isipin pa ng mga tao, kilala niya ito.

Mabilis siyang nagtungo sa counter upang mabayaran ang mga pinamili niya. "Helena, please mag-usap naman tayo. Alam kong mahal mo pa ako. At mahal na mahal pa din kita." Lakas-loob na deklara habang sinusundan siya. Ni hindi man lang nahiya sa mga taong makakarinig sa kanila!

Hindi siya nagsalita. Iniwasan niyang lingunin ito. Paano nito nasasabi sa kanyang mahal pa niya ito? Bakit si Linus ang nagdedecide niyon? Siya lang ang makakapagsabi kung mahal pa niya ito! Isa pa, sinabi nitong may mahal na itong iba kaya huwag siya nitong mautu-uto na mahal pa rin siya nito. Aba'y hindi climate change ang puso na pabago-bago ng minamahal!

Nakatitig lamang si Helena sa kanyang mga pinamili habang inaayos iyon ng cashier na pasulyap-sulyap sa kanila. Sinamaan niya ng tingin ang cashier nang tumunganga ito sa kanilang dalawa na para bang nanonood ng teleserye.

"Miss, matagal pa ba?" Madiing tanong niya.

"S-Sandali lang po, Ma'am." Bahagya itong nataranta at nagmamadaling tinapos ang ginagawa. Hindi na ito sumulyap pa ulit sa kanila.

"Please, Helena. Mag-usap tayo. Ayusin natin ito. Alam kong nagkamali ako sayo noon. At pinagsisihan ko na iyon ngayon. Helena, please..."

Geez, this man just won't stop! Pumikit siya ng mariin. She tapped her finger while waiting for the things she bought. Hindi pa rin niya ito pinansin. Ni ang lingunin ito ay di niya ginawa. Mabali na ang lahat ng buto niya, hindi talaga niya ito lilingunin.

"Helena, love—"

"Shit!" Napatalon siya sa gulat nang hawakan nito ang braso niya. "What the heck! Sino ka ba? Hindi kita kilala!"

Nagulat din si Linus sa inakto niya. Kitang-kita niya iyon sa mukha nito. Nagulat at naguguluhan. "H-Helena, come on. Huwag ka namang ganyan, love. Alam kong galit ka pa rin sa akin. I will do anything for you to forgive me." Nang tangkain pa ulit siya nitong hawakan ay mabilis siyang sumigaw at lumayo rito. Alam niyang nakakagawa na sila ng eskandalo ngunit kung di talaga siya nito tatantanan, ipapabaril na niya ito sa Monumento! Naririnig na niya ang mga bulung-bulungan ng mga tao. Mas ginalingan pa niya ang pag-arte.

"Huwag mo nga akong hawakan! Hindi nga kita kilala eh! Kanina ka pa ha?" Lumingon-lingon pa siya sa paligid habang umaatras. Humakbang din ito palapit sa kanya. Umakto siyang nagpapanic. "Oh my gosh! Guard! Guard!" Tawag niya sa gwadiyang papalapit na sa kanila. Sa isang iglap, hinila nito si Linus na naguguluhan pa rin sa mga pangyayari.

"Sir, sa labas nalang po tayo."

"No, wait! Nagkakamali kayo. Kilala niya ako. Boyfriend niya ako!" Paliwanag pa nito sa guwardiya. Tiningnan pa siya ng guwardiya. Umiling siya rito. Hindi iyon nakita ni Linus sapagkat nakatalikod ito sa kanya.

Helen of TroyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon