DINALA ni Troy si Helena sa isang malaki at mamahaling restaurant. Pagpasok palang nila doon ay tumambad na kay Helena ang eleganteng interior design. From the table arrangement to the people eating there, lahat elegante. May mga chandelier na nagbibigay ilaw sa loob at bandang kumakanta sa maliit na stage. May mga ilang painting ding nakakabit sa pader. Bigla tuloy nahiya ang dalaga dahil sa suot niya. Mukha siyang gusgusin! Pasimpleng isinuklay ni Helena ang mga daliri sa kanyang buhok. Bakit sa dami-dami ba naman ng lugar, Troy!
Ngumiti lang si Troy at hinawakan ang baywang ni Helena. Hinapit siya ng binata at inalalayan. Inihatid sila ng isa sa mga waiter sa dulong bahagi. Mas may privacy roon kaysa sa bungad. Nang makaupo sila ay saka lang binalingan ni Helena si Troy.
"Bakit dito mo ako dinala? Mahal dito, Troy!"
Nagkibit ng balikat ang lalake. "I've already ordered for us. Don't worry. Alam kong magugustuhan mo ang mga pinili ko." Hindi nito pinansin ang alinman sa sinabi ni Helena.
"Pwede naman tayong kumain sa mga simpleng resto," pagpupumilit pa rin niya.
"Sagot ko naman ito, Helen. You don't have to fret about it. Plus, I always dreamed to bring you somewhere fancy."
"Kahit na!" Natigil siya sa pagprotesta nang dahil sa huling sinabi ng binata. "You what?"
"I what? I missed you? Yes, I do."
Hindi nakaimik si Helen roon, mabuti na lamang dumating ang mga waiter pati na ang mga sinasabi ni Troy na pinili nitong pagkain. "Enjoy the food. Masarap ang pagkain dito, kasama mo pa ako." saad ni Troy. Hayan na naman ang mga biro nitong wala sa lugar.
"Pag hindi masarap ang pagkain dito, hindi na ulit kita kakausapin." banta ni Helena. Ngumisi lamang ang binata sa kanya.
Nalulula si Helena sa dami ng pagkaing nakahain sa mesa nila. Saan ang fiesta? Tinikman niya iyong steak. Natigilan siya sapagkat masarap iyon. Malasa at juicy.
Ngumiti lamang si Troy kay Helena. Inabot ng binata ang gilid ng labi niya at marahang pinunasan iyon. "Mukhang papansin mo na ako palagi, Helen," anito at sinalubong ang kanyang mga mata. Mabilis na hinanap ni Helena ang baso ng tubig at bahagyang lumayo rito. Uminom siya ng tubig.
"Pinapansin naman kita a."
"Oo nga. But you were always cold towards me," saad ni Troy na may kalakip na lungkot ang tinig.
Helena breathe out. Marahil nga ay sumusobra na siya sa pakikitungo niya kay Troy. Sabagay, hindi naman nito kasalanan kung nasaktan siya noon. Ninety percent niyon ay kasalanan niya. Kung may kasalanan man ito, dapat ay hindi ganoon kabigat ang pakikitungo niya. "Sorry," mahinang wika ng dalaga. "N-nagbago na kasi ako, Troy. Hindi na ako..." Hindi na ako in love sayo... yata? Sana? "Hindi na ako tulad ng dati. People change." And feelings do, too.
Eh yung sayo? Tanong ni Helena sa sarili. Ewan baka exception siya sa general rule. Dahil kung siya ang masusunod, she wanted so much to follow the general rule and get over this. Pero parang sa tuwing sinusubukan niya, palaging may humihila sa kanya pabalik.
"I see. Is it because of your ex?" Troy asked.
Baliw. Dahil sayo. Nanisi ka pa.
Umiling si Helena. Hahayaan na lamang niya itong manghula. "I really don't want to talk about this, please."
Tumango-tango naman si Troy na tila ba naiintindihan ang pinagdadaanan niya. "Okay. Then, shall we talk about the past?"
Nag-isang linya ang mga labi ni Helena nang banggitin iyon ni Troy. Ayaw nga niyang pag-usapan e. Halatang hindi nito na-gets ang sinabi niya. Ah, mali. Wala kasi itong clue sa tinutumbok niya.