PARA sa miyerkules ng linggong iyon ay chess game ang naging theme ng coffee shop nila Helena. Maaga palang ay naroon na sila para mag-ayos. Dinisenyuhan nila ang buong paligid ng kahit anong may kinalaman sa chess. Mayroon din silang mga chessboard doon para sa mga gustong maglaro.
Helena was wearing an all-white uniform. Ang iba namang kasama niya ay itim. Mayroon din siyang karamay na puti ang suot. Nagsuot din siya ng koronang pang-reyna.
"O sino ang gustong maging King?" tanong ni Helena sa mga ito.
"Ako lang ata ang karapat-dapat na maging hari dito." Nilingon ni Helena ang nagsalita at natagpuan si Troy na nakangiti at naglalakad palapit sa kanya. Narinig pa niya ang bulungan at hagikgikan ng mga babaeng staff. Sinamaan niya ng tingin sina Anton na nakangisi sa may counter.
Napabaling ulit si Helena kay Troy nang kunin nito sa kamay niya ang korona ng hari at isinuot sa ulo nito. "Since you're the Queen, I should be the King. That makes you the Queen of Troy." anito at ngumisi.
Iniikot lang ni Helena ang mga mata at tinalikuran ito. "This is not a playground, Troy. Bakit nandito ka na agad? Hindi pa kami, open." saad niya rito habang inaabala ang sarili sa pag-aayos ng mga mesa.
Umupo si Troy sa isang mahabang upuan roon at prenteng-prenteng sumandal. "I just thought I'd visit before I go to work..." Tumigil si Helena sa ginagawa at nilingon ang binata. He was watching her, intently. Iyong tipo ng tingin na, parang na-miss siya nito, ayaw lang sabihin.
Asa pa.
"Saan ka ba nagtatrabaho?"
Unti-unting gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi ni Troy "Bakit? Pupuntahan mo ba ako doon?" Nagsimula na namang mangantyaw ang mga staff sa kanila. Kung di pa pinandilatan ni Helena ang mga ito ay hindi pa titigil.
"Then go to work. Naiistorbo mo kami rito," pagtataboy ni Helena kay Troy.
"Maybe later..."
"Sir, na-miss nyo ba agad si Ma'am?" Naghiyawan na naman sa pangangantyaw ang mga nilalang roon sa pangunguna ni Anton.
Tumawa lamang si Troy bago sumagot. "Oo. Babantayan ko lang baka madagit e. Mahirap na." Lalong umingay sa loob dahil sa sinabi ng binata. Matalim na tiningnan ni Helena si Troy. Talagang pinananindigan nito ang role nito ha? Ni wala pa nga sa paligid si Linus ay nagwa-warm up na!
Bigla nalang natahimik ang mga staff niya na siyang ipinagtaka ni Helena. Nag-angat siya ng tingin at nilingon ang tinitingnan ng mga ito. Napaawang pa ang bibig niya nang makita roon si Linus. Hindi ba talaga siya nito tatantanan?
"Helena," Tawag ni Linus sa kanya. May dala pa itong paperbag na sa hula ni Helena ay pagkain. Hindi siya nagsalita. Bumuntong-hininga lamang siya at tumingin kay Troy na hindi na mabasa ang ekspresyon. He was just... expressionless. Nanatili itong nakaupo at nanonood. Para bang naghihintay lang ng signal sa kanya.
"Troy," untag ni Helena rito. Sa paraan ng tawag niya rito, she was as if begging for another favor. Para namang may choice siya kundi panindigan ang drama nilang ito.
Nilingon naman siya ng binata at tipid na nginitian. "I know, Helen."
Kumalma si Helena nang dahil doon. Hindi siya sigurado kung dahil sa ngiti nito at presensya nito roon o dahil sa sinabi nitong alam nitong kailangan ulit nitong umakto bilang magaling niyang boyfriend.
Lumapit si Linus kay Helena. Sigurado si Helena na nakita nito si Troy ngunit hindi nito iyon pinansin. Parang walang nakita, walang narinig basta diretso lang na nagtungo sa kanya. Linus plastered a smile. Itinaas nito ang hawak na paperbag.