Part 4

313 20 2
                                    

Halos linggu-linggo nadadalaw si Helena sa bahay ng kaibigang si Juliana. Doon lamang kasi niya nagagawang masilayan at makasama ang crush niya. Hindi naman siya nabibigo pag naroon siya. Minsan nga ay pakiramdam ni Helena talagang pinagbibigyan at sinasadya ng kaibigan na magkaroon siya ng moment kasama si Troy. Bigla-bigla nalang kasi itong nawawala sa eksena tuwing nagkikita si Helena at Troy.

"Pasensya ka na baka naabala kita." ani ni Helena.

"Ayos lang. Gusto ko lang ring magpahangin dito sa labas." sagot ni Troy. "Wala rin naman akong ginagawa sa loob. Ikaw, ayos lang bang naghihintay ka?"

"Oo naman! Great things come to those who wait." saad ni Helena. "Ako nga ang nahihiya sayo, pag nadadalaw ako rito, ikaw lagi ang naaabala ko. Ako lang ba ang laging naliligaw dito sa bahay niyo?

Troy grinned at her. Parang kinokompirma ang tanong niya. "Sige, babawasan ko na ang pagpunta rito." nakangiwing saad ni Helena.

"Silly. Why would you do that? Kahit dito ka pa tumira."

Kumislap ang mga mata ni Helena nang dahil doon. Pwede pero masyado pa siyang bata. Huwag nga itong nagsasalita nang ganoon, marupok kaya siya!

"Hindi pwede iyon. Paano nalang kapag tumanda ako, nagkaboyfriend at nag-asawa?" wika ni Helena.

Nagseryoso naman ang mukha ni Troy. "Bakit? May napupusuan ka na ba?"

Kinagat ni Helena ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Paano bang huwag magpahalata na may gusto sa taong kausap? Huminga ng malalim si Helena at tumango. Ipinagdasal na lamang niyang huwag sana siyang ipagkanulo ng pahamak niyang dila.

"Normal lang naman iyon, diba?" Kabadong tumawa si Helena lalo na nang mapansin ang matamang panonood sa kanya ng binata.

Nagkibit-balikat si Troy. "I guess, you're right. May nanliligaw na ba sayo?" seryosong tanong nito. Hindi pa man nakakasagot si Helena ay nagsalita nang muli si Troy. "Mag-aral ka muna. Huwag muna ligaw ang pagtuunan mo ng pansin. Boys can wait. Masyado ka pang bata."

Helena bit her lower lip. Masyado pa siyang bata means he is out of her league. Which means malabo itong pangarap niya. Which also means ekis siya sa mga pwedeng lumandi rito. Shet. Ganoon pala ang pakiramdam nang masupalpal nang di pa nga nakakaporma. Ngayon alam na niya kung anong pakiramdam ng mga taong binasted niya.

Tumikhim si Helena at binago ang usapan. "Nasaan na ba ang pinsan mong iyon?" Baka isipin pa ni Troy, wala siyang pakialam sa kaibigan. Syempre kahit alam niyang nasa sulok lang si Juliana at nakikipaglandian sa cellphone sa manliligaw nito, kailangan pa din niyang magmukhang si Juliana ang pakay sa pagpunta roon. At para na rin pagtakpan ang kanyang pagkabigo. Ayos lang, crush pa lang naman ito. Pero bakit parang pakiramdam niya biglang nag-crack ang salamin ng mga pangarap niya mula sa sinabi lang ng binata?

Ang sad naman, hu-hu.

"Pasensya na. Baka nakikipag-usap na naman iyon sa manliligaw niya. Sa susunod ay pagsasabihan ko siyang harapin ka muna. Nagmamadali ka ba?" tanong ni Troy. Nasa hardin silang dalawa. Nagpresinta pa itong samahan siya roong maghintay para sa pinsan nito.

"Ah, hindi!" mabilis na sagot ni Helena. Mahirap na baka paalisin pa siya. "Hindi naman gaano. Sabado naman bukas. Walang pasok."

Helen of TroyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon