Part 3

313 17 4
                                    

NARIRINIG pa rin ni Helena ang maingay na mga kaibigan habang kasalo sa mesang inookupa si Troy kahit nang maakarating siya sa counter. Nagpaalam siya saglit sa mga ito na may gagawin lamang sandali. Hindi na rin siya pinigilan ng mga kaibigan. Binalingan niya si Anton, pagkuwan.

"Anton, bigyan mo ako ng isang slice ng choco mousse. Nagdidilim ang paningin ko."

"Naku, Ma'am! Carrot po ang kailangan niyo." Sagot pa ng binata. Ngali-ngaling batukan niya ito ngunit bahagya na itong nakalayo.

"Huwag mo akong asarin o sa sweldo mo ito magla-landing."

"Joke lang naman, Ma'am. O' heto na po kukunin ko na po, Ma'am Helena. Kayo naman, chill lang kayo Ma'am. Mababawasan ang ganda niyo niyan eh," pambobola pa nito. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay kahit na di naman mainit. Sinulyapan pa niya ang mesa ng mga kaibigan at ni Troy. Masayang nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan. Nakatagilid sa kanya ang binata. Umirap siya kahit hindi siya nito nakikita.

"Anton!" Tawag niya sa lalake. Nagmamadali namang tumalima ang binata.

"Ma'am?"

"Kita mo yung anyong lupa na yon?" Turo niya sa mesa nila Troy.

"Anyong lupa?" Ulit pa ni Anton.

"Oo! Bulag ka ba? Ayon o'. Iyong naka-damit pangtao. Yung naka-blue na long sleeve na nakatupi hanggang sa siko."

"Ah! Crush niyo ba iyon, Ma'am?" Malakas na pinalo ni Helena ang braso ni Anton. Napaigik naman ito at hinimas-himas ang tinamaang parte sa braso nito.

"Sa kanya mo i-charge itong mga inorder ko at ng mga kaibigan ko. Siya ang singilin mo sa mga ito. Gawin mo yan kung hindi, ikaw ang magsu-shoulder nito." Banta niya sa lalake.

"Ma'am naman!" Protesta nito ngunit tinalikuran na niya ito at tinungo ang staff room kung saan hindi siya maiistorbo. Bago pa man siya makapasok sa loob ay may narinig na siyang pumasok sa shop kasabay ng pamilyar na boses.

"Helena,"

Nilingon ni Helena ang kapapasok lang na hinihingal pang si Linus."Helena love, please let's talk." Punong-puno ng pagmamakaawa ang boses nito. He looked so devastated and sad. At walang ibang ginawa si Helena kundi kumunot ang noo at tingnan ito. This is the same guy she loved and yet left her. Pakiramdam niya kahit magmakaawa at lumuhod pa ang binata sa kanya hindi na nito maibabalik ang dating pagtingin niya rito. It was a little too late. Kung ginawa siguro nito iyon noong una palang baka nagbago pa siguro ang isip niya.

"Linus, anong ginagawa mo rito?" Bakas na sa tono ni Helena ang pagkairita. Hindi ba talaga siya nito tatantanan? Lumapit si Linus sa counter. Inilapag naman ni Helena ang dalang cake upang salubungin ito. She stopped him half way.

"Umalis ka na."

"Helena naman... mahal mo ako hindi ba? Don't do this please."

"Umalis ka na, Linus. Hindi mo ba nakikita? Wala na tayo!" Itinulak niya ito palayo ngunit hindi natitinag ang lalake.

"Helena, please. I still love you. I am truly in love with you. Please huwag mo naman itong gawin sa akin. Sa atin." Pagmamakaawa nito. She gritted her teeth. She wanted so hard to slap him. Paano nasasabi ni Linus na huwag niyang gawin iyon rito. Kung ito nga nagawa siyang ipagpalit sa iba!

Sa atin? Walang atin! Hunyango ka!

Hinawakan pa ng lalake ang kamay ni Helena. "Mahal pa rin kita."

Sinalubong ni Helena ang mga mata nito. Siguro sa dami ng iniyak niya para sa lalakeng ito, namanhid na ang puso niya. Kahit paulit-ulit nitong banggiting mahal pa rin siya nito, hindi na niya makuha pang maging masaya. The butterflies in her stomach escaped and died.

Helen of TroyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon