The girl. Or not.

68 2 0
                                        

Nakarating din. Grabe tong si Anne, halatang excited. Sa ganitong pagkakataon kaya hindi ko kayang makitang malungkot ang kapatid ko, eh.

"Kuyaaaaa! Pagbuksan mo ako ng pinto, sige naaaaa!"

Natatawa ako sa itsura niya. Parang batang nagpapabili ng candy. Haha! Lagi kasing ganito ang ginagawa namin kapag may pinupuntahan. Hay, akala mo hindi pa sya pasimula ng college. -____-

Bumaba na ko, baka kung ano pa hilingin ni Anne. Pagbukas ko sa pinto, tumalon agad si Anne. Buti nalang nasalo ko, kundi baka kung ano pa nangyari sa kanya. Hay nako. At nakuha pang tumawa.

"Ang lakas talaga ng kuya koooo! ^___^ Ang swerte ko sayo, kuya."

Kaya mahal na mahal ko kapatid ko, eh.

Pagbaba niya, tumakbo naman papasok sa bahay ni Seven. Oo, Seven tawag ko sakanya. Masyado daw maganda pangalan niya, kaya dapat sabihin ko ng buo. Si Anne daw lang pwedeng tumawag sa kanya ng Ven. Ang bait talaga sakin ng kaibigan kong to. -___- Kung di nyo naramdaman ang sarcasm dyan, well, meron po yan.

Sinalubong ni Seven si Anne. Tsk. Kung anu-ano nanaman sinusuot nito, hindi magandang ehemplo sa kapatid ko. Akala mo nagtitipid sa tela, eh mayaman naman.

Maganda si Seven. Yung katawan niya, alinsunod sa idea ng iba bilang sexy. Kung titignan, perpektong babae si Seven. Sakin lang ata lumalabas ang pagkasiga nya. Ay, hindi pala. Sa pamilya pala nya at kay Anne din, pinapakita nya ang pagiging siga nya. Pero ako ang paborito nyang maging prey. Oo, sakin lang sya siga. Pero ayos lang, isa yung sa dahilan kaya okay lang makisama sakanya. Kesa naman sobrang landi nya tulad ng ibang babae.

"Hoy Kirk! Anong tinitingin-tingin mo dyan? Ang sexy ko, no? Wag ka na umasa, di kita type. Pumasok na nga kayo, gutom na ko. Anne, like na. Hayaan mo yang kuya mo, naglalaway nanaman." At pumasok silang nagtatawanan. Nakisama pa si Anne. Hay nako. Edi syempre tumakbo na rin ko papasok.

"Asa ka pa, Seven. Wala akong balak pumatol sa lalake, no. Ang takaw mo talaga kahit kelan, hoy! Tirhan nyo ko ng pagkain!"

~Anne~

"Aray naman, Seven!"

Hahaha! Ang cute talaga ng kuya ko. Kahit nabatukan na ni Ate Ven, ang cute nya pa rin tignan. ^___^ Teka, ang sama ko nanaman kay kuya. Waaaah! Di pwede!

"Kuyaaa! Okay ka lang? Mas macho pa si Ate Ven kesayo. Haha!" Pero niyakap ko sya. Love ko kuya ko, eh. ^____^

~Seven~

Hay nako tong nerd na to, namumuro na talaga. -___- Lagi nalang nyang sinasabi yun. Nabatukan ko nanaman tuloy. Pasalamat sya nandito si Anne, kaya titigilan ko muna sya. Ang cute nilang magkapatid, eh. Yung kapatid lang pala nya. Haha!

"Wag ka na umiyak, nerd boy! Tara na kasi, kain na. Ang daldal mo."

Parang bata talaga si Anne pag kasama nya kuya nya. Bini-baby naman kasi nitong si Kirk, eh. Grabe yang nerd na yan, talo pa ang boyfriend sa kanyang kapatid.

Dahil lang naman kay Anne kaya sya pumupunta dito, eh. Alam ko yun. Sinasabi nya na nagsawa lang kami sa pag-aaway? Asa sya. Ang sarap kaya nyang awayin. Haha! Sinabi lang kasi ni Anne dati na subukan namin magbati. Tapos parang magic, bigla nalang bumait sakin to. At dumadalas pa na ginagawa akong cook. Iba talaga sya pagdating sa kapatid nya. Gagawin nya lahat para lang mapasaya si Anne.

Pero okay lang, mabait din naman silang dalawa. Masaya naman kasama, at hindi sila tulad ng iba na ang aarte at mga plastic. -____- And at least, may nabu-bully ako. Haha! >:)

Ang sarap nyang asarin, eh. Wala pa kasi nagiging girlfriend. Tsk. Bakit kaya? May itsura naman sya. Natatago lang ng pagiging nerd nya.

~Kirk~

"Magdamit ka nga, Seven. May bata, oh!" Tinatakpan ko na rin ang mata ni Anne. Oo na, late na para gawin ko to, pero at least, sinusubukan ko pa rin!

"So gusto mo para sayo lang ako manamit ng ganito? Hahaha! Managinip ka nalang, nerd boy!"

Nangingiti nanaman mag-isa tong si Seven. Ang wirdo talaga. Yung damit pa nya, parang hindi naman pambahay. Oo, maganda legs nya, maganda katawan nya, pero yung kapatid ko. Baka gayahin ni Anne yang ganyang pananamit. Baka bastusin pa sya.

HINDI YUN PWEDE!

Wire-rimmed glassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon