U-turn

75 3 1
                                    

~Seven~

Hay nako, kung hindi ko lang alam na magkapatid tong dalawang to, iisipin kong isang patay na patay na boyfriend ni Anne si Kirk. Seriously, kung makikita nyo sila, maiintindihan nyo kung ano sinasabi ko. Ang cute nilang tignan, eh. Haha!

Hoy! Wala akong gusto sa nerd na yan, okay? Natutuwa lang ako sa kanila. Ibang level ang bond nila, eh. Duh, may anim akong kuya, at hindi ganyan ang turingan namin. Oo, binibigay nila lahat ng gusto ko, kasi ayaw nilang magalit ako, ako paborito nila papa, eh. ^___^ 

Pareho lang edad namin ni Kirk, matalino din ako, no! We skipped a couple of years in elementary, pero ngayong college, I chose to be part of the norm na. Si Kirk nalang yung nagpapaka-nerd pa rin. So bale, mauuna pa rin sya maka-graduate sa akin by a year and a sem, and I don't really care. Five-year course kasi kinuha namin, si nerd boy, naka-skip ng ilang required subjects and sobra-sobra ang kinukuhang units per sem. Define nerd. Haha!

Pa-graduate na pala si Anne ng high school, ah. Ngayon ko lang naisip, bawal kayo umangal. Patapos na kasi ang school year. Keep up with the story, ok? Haha! Peace! A year older lang kami ni Kirk. Matalino rin si Anne, star student, pero ayaw ni Kirk na mag-skip ng grades si Anne, dahil daw masyadong mature ang mga guys sa upper years. Define overprotective. -____- Halos subuan pa ni Kirk si Anne, oh.

Fine! Susubukan ko nga rin maging mabait kay Kirk. Para kay Anne. 

Pero... Waaah! Di ko kaya! -____- Makita ko lang yang nerd na yan, gusto ko na mang-asar. Haha! Since naging classmate ko sya nung elementary, nag-aaway na talaga kami. Old habits die hard, eh. 

~Kirk~

"Hoy Seven, bakit naman matinik pa tong niluto mo? Baka matinik si Anne." -___- Hay nako. Ako naghihimay ng pagkain ni Anne, kawawa naman kapatid ko kung matinik.

"DUH, nerd boy. Akala ko ba matalino ka? Unang una, isda yan, kaya talagang may tinik. At isa pang DUH, bangus yan, in case hindi mo alam. Stop complaining, pasalamat ka nga pinapakain pa kita."

Ay letseng Seven to. Bago pa ko sumagot, sumingit na si Anne.

"Haha! Nakakatuwa kayong dalawa. Para kayong mag-asawang nag-aaway. ^___^ Kuya naman, di naman ako matitinik, eh. Kaya nga ikaw naghihimay, diba, ang galing mo nga, eh! Sarap talaga ng luto mo Ate Ven! Turuan mo nga si kuya. Haha!"

Mas masarap naman luto ko kesa dito, no. Psh. 

"Masyado ka namang polite, Anne. Okay lang naman maging honest ka kay Seven, eh. Alam naman nating pareho na mas masarap luto ko kesa dito. Tsaka, kelan pa naging breakfast food ang inihaw na bangus, ha, Seven?"

"My house, my rules, nerd boy." At ngumisi pa. Grabeng Seven to. Bakit kaya hindi sya tumataba? Ang takaw nito, eh.

"Umamin ka nga, Seven. Lalake ka talaga, no? Nagkukunwari ka lang na babae, no? Siga. -___-"

Aray! Kinurot ako sa tagiliran ni Anne. Nagiging sadista na tong kapatid ko, ah! Haaay. Natatawa kasi sya kapag tinatawag kong tibo o lalake si Seven, pero ayaw nya na nag-aaway kami. Oo na, malabo ring kausap si Anne. -___-

"Kung umaasa kang hahalikan kita para mapatunayang babae ako, sorry nalang nerd boy. Kissing a gay person won't prove my femininity."

"Haha! Ate Ven, kuya's not gay. Wala pa nga lang nagugustuhan girl si kuya. Which is okay lang sakin, I think wala pa ako na-meet na girl who deserves him rin kasi. Weeeeell... ayaw nyo kasing dalawa. ^_____^"

Sabay yakap sakin ni Anne. -___- Ito nanaman tong batang to. Hay nako.

~Seven~

Psh. As if naman papatulan ko si nerd boy. Well, I think he's too busy sa kapatid nya kaya wala pa syang nagiging girlfriend. Ang alam ko, marami namang girls na may gusto sa kanya, eh. How do I know? Ako kasi ang kawawa. Yeah, he cares for me that much kaya wala syang pakialam. -___- Parang allergic kasi si Kirk sa mga super girly girls. Actually, ako na ang pinaka-close na babae sa kanya. Yep, close na kami sa lagay na to. And, if looks could kill, I would have been killed several times na because of the girls na nagkakagusto sa nerd na to. I don't really care, as if namang may laban sila sakin. Like, duh? 

Ako? Marami na akong naging boyfriend. Pero I get bored easily. Kaya nga okay tong magkapatid na to, eh. Natutuwa kasi ako sa pag-aalaga ni Kirk kay Anne.

~Kirk~

"Kuyaaaaa! San tayo ngayong araw? Swimming uli tayo, please? Or, EK? Please?"

Tapos na kaming kumain.  Eto nga, nag-aaya nang maglakwatsa si Anne. Yakap nya ang braso ko.

"Nag-aral ka na ba? Malapit na exams nyo, di ba?" Syempre, dapat priority pa rin ni Anne ang pag-aaral nya. Sayang naman ang namana nyang katalinuhan galing sakin. Haha!

"Opo naman, kuya! Bago ako natulog kagabi, natapos ko na lahat ng subjects ko. ^____^ Habang tinatapos mo rin yung project mo, nag-aaral din ako. Ate Ven, pilitin natin si kuyaaaa!"

"Hindi na kailangang pilitin yang si Kirk. Sus. Magpapakipot pa ba, yan?" Oo, si Seven nga yan. Halata naman, di ba? -___-

"Fine! Swimming nalang tayo sa bahay. Sa summer nalang tayo pumunta ng Enchanted Kingdom. Ano, Seven, sasama ka ba? Wag nalang, please?" Pwede naman ako umasa, di ba? Haha!

"Haha! Nagbibiro ka nanaman kuya? Syempre kasama si Ate Ven, di ba ate? Yeheeeey! Sa bahay na tayo mag-lunch mamaya."

-____- Haaay. Fine. Sabi ko nga, di na ko aasa.

"Haha! Pano ba yan, Kirk? Sasama daw ako, eh. Pero, papa-deliver nalang tayo mamaya, ah? Baka lasunin ako ng kuya mo, eh." Pahabol pa nya kay Anne. "Parang I'm craving for KFC chicken. Isang bucket tayo mamaya! Libre ng kuya mo. Haha!"

Ay letse tong dalawa. Oo nalang. Naupo muna kami sa sala nina Seven habang nag-iimpake daw sya at nagbibihis. Matagal pa yun, yun pa. Nanunood kami ng cartoons, gusto kasi ni Anne. -___- Di pa nagtagal, nakatulog si Anne sa hita ko. Parang bata talaga tong kapatid ko.

***Paroca***

Hi, imaginary readers! Lilinawin ko lang, ok? Reklamador kasi yung friend ko. HAHA! Hindi by chapter ang updates ko, so sorry if they're too short. Actually, I call them installments. Nilalagyan ko lang ng 'titles' para madaling maalala kung saan ang last part na nabasa na. :] And, these title are not necessarily related sa installment. Random inputs lang. HAHA!

Wire-rimmed glassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon