~Kirk~
Nakabalik din ng bahay. Hinayaan ko na muna yung dalawang babae sa labas. Nagbihis ako ng swimming trunks, di na kailangan ng shirt, macho naman ako eh. Paglabas ko, nagtatawanan yung dalawa. Mga babae talaga. Tsk.
"Magbihis ka na rin, Anne. Wag mong kalimutan yung towel at yung pantapis mo ah." Bakit, baka lamigin yun eh.
"Ang macho mo talaga, kuya! Si Ate Ven pala, pinalagay ko na yung gamit sa guest room." Sabay malaking ngiti.
Diretso na ko sa pool. Oo, ako na excited. Si Ven nakahiga pa dun sa may poolside. Hinihintay siguro si Anne. Or nagpapa-tan nanaman.
"Kirk! Palagyan naman ako ng sunblock. Please?" Kung interested kayo, yes, nagpapacute sya habang sinasabi yan. Edi umahon na ko. Umupo ako sa tabi ni Seven at hiningi yung lotion. Para na kaming magkapatid nito eh, so wala lang sakin to. Sa dalas ba naman na naming magkasama.
Well, yes, I had a crush on Seven dati, pero nawala na rin. Hindi ko rin alam kung bakit kami nag-away ni Seven dati. Hindi ko na maalala eh. Ang alam ko okay lang kami, tapos pagkabalik namin after ng quick vacation sa bahay ng tito namin sa India, hindi na kami magkasundo nito. Kahit si Anne hindi alam kung bakit, pero wala naman nagbago sakanila. Sa akin lang nagbago si Seven noon.
"Tumataba ka na, Seven! Tara na, swimming na tayo."
Haha! Hindi naman sya conscious sa katawan nya, though sakto lang naman katawan nya. Sexy pa nga eh, kung yun gusto nyong malaman. Wala lang, trip ko lang syang asarin. Minsan lang to.
"Kunyari ka pa, Kirk! Alam kong sexy ako. Tumayo ka nga! Ang laki mong harang eh." Sabay dilat pa. Ang ganda talaga ni Seven tumawa, ang ganda pang pakinggan ng tawa nya. Ano ba naman tong sinasabi ko? Hay nako, makapagswimming na nga lang.
"Kirk! Kukuha lang ako ng chips ha."
"Sige lang. Alam mo naman kung saan nakalagay yung chips eh."
~Anne~
Papasok na si Ate Ven! Ano ba yan, ang sweet na nila eh. Nako, makikita akong nanonood dito! Labas nalang ako, para di halata.
"Ate, tapos ka na magswimming?"
"Oh! Di kita napansin dyan Anne. Hindi pa, kukuha lang ako ng chips. Labas ka na dun, baka hanapin ka na ng kuya mong baliw." Ang saya ni Ate Ven ngayon ah.
"Oh Anne, bakit ang tagal mong lumabas?"
"Ah eh. May tinignan lang ako kanina kuya." At nagswimming na rin ako. Para di na ako tanungin ni kuya. Hihihi
"Kuya, kanina ko lang uli nakita si Ate Ven na ganun kasaya, ah."
Totoo naman kasi. Nung mas bata pa kami, sobrang close sila ate Ven at si kuya. Pero after namin puntahan yung close friend nila papa, bigla nalang nagbago si Ate Ven kay kuya. Hindi nga sya masyadong nagbago sakin, pero nakikita ko naman na hindi talaga sya masaya. Ano kayang meron kanina?
~~Paroca~~
Yiii! Tagal kong di nag-update. Hahaha! Anyway, may Facebook account na si Seven and Anne.
Anne: https://www.facebook.com/profile.php?id=100003702279376
Seven: http://www.facebook.com/profile.php?id=100003721360401
If may interested lang naman. :) So yeah, hopefully mapadalas ang pag-update ko ngayong break. :D
Another thing, casting change! :)) Makikita nalang sa FB accts nila yung kung sino ang 'cast' for this story.