Crazy Chase

29 2 2
                                    

~Kirk~

Nakausap ko kanina si Tito Rancho. Bibisita daw sya dito. Sya yung friend nila papa na binisita namin sa India ten years ago. Oo, matagal na yun, pero hindi naman kami nawalan ng communication eh. Stay daw sya dito ng three weeks, hindi ko naintindihan kung bakit. Pero okay lang naman, may mas mature nang tao sa bahay. 

"Anne, tama na yang pag-Facebook. Ano bang napapala mo dyan?" Kanina pa kasi eh. Hindi ko alam kung nag-aral na sya. Nandito sya sa kwarto ko tumambay, may desktop computer at laptop naman sya sa kwarto nya. Hindi ko naman tinitignan yung ginagawa nya, nagbabasa lang ako dito.

"Haha! Nakakatuwa kasi si Ate Ven eh. Sino yung Chase kuya? Parang close sila ni Ate Ven, ah." Chase? Si Chase kaya yun? Ganun pa rin pala sila kaclose ni Seven. Ang alam ko kasi, sya ang pinaka-nagseryoso kay Seven, at ganun din si Seven sakanya. 

"Chase Co ba? Ex yan ni Seven. Bakit?"

"Chase Co. C-O ang surname. Ah, wala lang. Nakakatawa lang yung conversations nila. Gwapo nya ah." ^__^

"Hoy, matanda na yun para sayo. Mas matanda pa yan sa akin. Kaklase ko yan." Grabe, gwapo? Nagdadalaga na ba kapatid ko? Oo nga pala, magdedebut na sya next year. Pero, next year pa naman yun ah! Matagal pa!

"Don't worry kuya. Gwapo lang naman eh. I don't even know him. Haha!"

"Mag-aral ka na nga lang. Sabihin mo din kay Seven mag-aral na sya. Wag yung tumitingin ka ng gwapo dyan sa Facebook. Oo nga pala, dadating si Tito Rancho sa week after ng exams natin. Alala mo pa sya? And wag mong kalimutan yung pictorial para sa company nila Seven."

"Yes po kuya! And don't worry, you'll always be my favorite guy in the world!" Sabay yakap pa sa akin, "Number two lang si papa, wag mo ako susumbong ah!" ^__^ 

"Loko ka talaga. Dali, aral ka na sa kwarto mo para makatulog ka pa rin nang maayos. Good night."

"Good night kuya!" Buti naman hindi nya nakalimutan ang good night kiss nya sakin. ^__^ At ayun, tumakbo na sya papunta sa kwarto nya.

Tapos na akong mag-aral ng notes ko, eh. Wala naman na masyadong ginagawa sa school, pinapapasok nalang kami para matapos yung final project, eh natapos na namin yun nina Chase at Migs. Pumapasok nalang ako for the heck of it. 

Hmm, maayos pala talaga sila Seven at Chase. Kilala ko naman kasi si Seven, hindi sya magkukunwari na okay sya kung hindi talaga. Hindi ko nga alam kung bakit sila naghiwalay ni Chase, eh. Basta alam kong pareho silang nalungkot dahil dun, unang beses na nalungkot si Seven dahil sa isang break up. Pero ang sabi ni Chase, si Seven ang nakipagbreak. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng mga babae. Okay na rin siguro na okay sila, at least hindi awkward pag magkakasama kami.

Bakit ko nga ba sila pinoproblema? Syempre, kaibigan ko silang pareho. Bahala na nga sila kung ano gusto nila, basta wag lang sanang umiyak uli si Seven. Hindi ako sanay eh. Pumapangit lasa ng mga niluluto nya. Haha! Biro lang, syempre ayaw kong malungkot si Seven. Hayaan na si Chase, matanda na yun. ^___^

Matext nga si Seven. Mabilis naman magreply yun basta gising eh.

To Seven 8 9:

Alam kong gising ka pa. Nag-aaral ka ba? Wag mong hawaan ng pagiging masyadong mature si Anne, nakakatakot. Baby pa ang kapatid ko, okay? Nagagwapuhan sya kay Chase. :(

From Seven 8 9:

Hahaha! Dalaga na kapatid mo Kirk. Accept that fact. Gwapo naman talaga si Chase ah. :) Kilala pala nya yun? And yes, nag-aaral ako. Patapos na nga eh. ^__^

To Seven 8 9:

Good. Nakita lang nya sa Facebook. Close pa rin pala kayo. Sabihan ko nga yun na wag ka na nya uli paiyakin, pumapangit lasa ng pinapakain mo sa amin eh. >:)

From Seven 8 9:

Ah, kaya pala. Gagi! Past is past, okay? Wag mo nang halungkatin pa ever. Pasalamat ka nga pinagluto pa kita noon. 

To Seven 8 9:

Nag-aalala lang naman ako para sayo. :) At para sa sikmura na rin namin. :p Pero hey, alam mo naman na nandito lang ako for you pag may problem ka diba? 

From Seven 8 9:

Eh bakit ang sweet mo ngayon Kirk? May kailangan ka? Haha! Pero thank you. ^__^ Sure, next time na kailangan ko ng punching bag, tatawagin kita. Itulog mo na yan! Nababaliw ka na sa sobrang aral. >:) Matutulog na rin ako, tapos na ako mag-aral eh. Good night Kirk! >:D<

To Seven 8 9:

Minsan na nga lang eh. Haha! Sige, good night Seven! See you tomorrow.

Syempre hindi alam ni Seven ang name nya sa phone ko. ^__^ Pumunta ako sa room ni Anne para i-check sya.

"Anne, matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Tapos ka na mag-aral?"

 "Opo kuya. Ready na ako sa exams ko! ^__^ Sige po, good night uli!"

Bumalik na ko sa kwarto ko at chineck yung phone ko. May text galing kay Chase.

From Chase:

Pre, asan ka? Nag-iinuman kami ni Migs dito sa bahay. Nandito din sila DJ at Vincent. Ikaw lang kulang! Tagal ka nang hindi sumasama sa tropa ah.

To Chase:

Mga mokong kayo. Late na, oh. Pasabi nalang sa tropa next time nalang. Alam nyo naman na hindi ko maiiwan yung kapatid ko na mag-isa dito sa bahay. Matutulog na ako. Kita kits bukas! Baka late nanaman kayo.

From Chase:

Tama nga si Sev, nerd ka! Hahaha! Wala na nga tayong ginagawa dun sa class eh, tunganga nalang. Sila Vincent ang hindi pa tapos, maarte daw prof nila eh. Geh na, tulog ka na. Bawi ka sa amin ah!

Hindi ko na sinagot. Hahaba lang usapan, epekto ng alak kay Chase. Sa kabilang klase sila Vincent at DJ, pero naging kaibigan pa rin namin. Oo, umiinom din ako ng alak, pero hindi ako nalalasing. Ako nag-aalaga sa kanila pag nalasing sila eh. Lagot nanaman tong si Chase pag nalaman ni Seven na tinwag syang Sev. Haha! Lokong Chase eh. Hay, makatulog na nga lang.

***Paroca***

Wala lang, natuwa ako kay Chase, eh. May Facebook acct din sya! Oo, ganun ko sya kamahal. Hahaha! External link! :>

Wire-rimmed glassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon