Ang ingay naman. Sabado ngayon, di ba? Ano ba yun? Ay peste!
*boogsh*
Ang sakit naman nun. Nahulog ako. Ayoko pa dumilat, bakit ba? May karapatan din naman ako maging tamad, no.
Teka, bakit parang may tumatawa? -_____-
Si Anne. Nasa kabilang side ng kama, nakatayo.
Bakit parang pakiramdam ko sinadya ang pagkakahulog ko? Ay letseng bata to. Masabihan nga. "Hoy Anne, ano sa tingin mo ang ginawa mo? Nalimutan mo na ba na kuya mo pa rin ako? Hindi mo na ba ako nirerespe..."
"Kuya namaaaan. ^___^ Ang cute mo nga, oh! Ginigising lang kita. Wag ka na magalit kuya, please?"
Haaay. Sabi ko nga, hindi ko kayang magalit sa batang to. Bumangon na ko. Sinusuot ko palang yung salamin ko, tumakbo naman to sabay yakap. ^__^ Oo na, hindi na talaga ako galit.
"Kuya, samahan kita, please? Puntahan natin si Ate Ven. Miss ko na siya, eh. Nakakasawa ka na. Hehehe! Biro lang kuya!"
"Teka, sasamahan mo ko? Pero ikaw tong nag-aaya?" Huh? Di ba, ang labo? Sino si Ven? Si Seven ang tinutukoy niya. Hay nako. "Hoy Anne, huwag ka nga masyadong malapit sa wirdong babaeng yun. Baka mahawa ka sa kanya."
"Waaaaah! Huwag mo siyang tawaging wirdo kuya! Ang bait kaya ni Ate Ven! Tsaka, sinasamahan mo naman siya, at magkasundo kayo, edi ibig sabihin, wirdo ka rin? Haha!" Sabay peace sign.
Aba! Lokong bata to. Wala naman akong pangkontra sa sinabi nya. Hay nako. "Oh, sya. Sige, mag-agahan lang tayo. Maligo at magbihis ka na pagkatapos."
"Maligo ka na, kuya. At magbihis. Tinext ko na si Ate Ven, sabi ko dun tayo mag-aagahan. Magluluto na daw siya, at dagdag daw sa utang mo yung kung anong lulutuin niya. ^_____^"
Nakaplano na pala ang lahat, sana kanina pa niya sinabi. Haaay. Ito siguro ang dahilan kung bakit akala ng iba girlfriend ko si Seven. Madalas kasi kami nandun. Si Anne naman ang laging nag-aaya. Mabilis kasi kumalat ang chismis. -___- Edi sige, kesa naman mag-isang pupunta tong kapatid ko sa kung saan at kung sino pa kasama. Mas maigi na yung ganito na ako ang kasama niya.
Bago pa ko makasagot, tumakbo na palabas ng kwarto ko si Anne. "Huwag kang magsuot ng sobrang ikling shorts, ha!" Pahabol ko nalang, sana narinig niya.
Naligo na ako at nagbihis. Casual na damit lang. Shirt at shorts. Wala naman parents ni Seven, eh. Mayaman kasi sila, sa abroad nagta-trabaho ang parents niya. Bunsong anak si Seven, oo, pang-pito siya. Siya nalang ang naiwan dito sa Pilipinas; spoiled siya sa anim na kuya niya na nasa Europe. Hindi ko alam kung nagtatrabaho ba o tagabili lang ni Seven ang mga kuya nya, lagi nalang kasi humihiling ng kung anu-ano si Seven. Normal naman ang mga pangalan ng mga kuya niya. Pero ayos naman si Seven, ayun nga, siya talaga nagluluto para sa sarili niya at para sa amin. Mababait naman lahat sila, eh. Pero si Seven lang yung kung umasta, akala mo hindi mayaman. Seryoso. Kaya siya gustung gusto ni Anne. 'Mabait' nga daw siya. Uhh, siguro? Siga yun, eh. Sigang sobrang girly kung manamit. -____- See? Weird, di ba?
Kinatok ko nalang yung pinto ni Anne, umiiral nanaman kasi ang kabagalan kumilos ng mga babae. Buti nalang di ganun katagal kumilos ngayon tong batang to. At buti naman at normal na shorts lang ang sinuot, mahirap na, maraming loko-loko sa labas.
Kaya ko naman siya ipagtanggol, may muscles naman ako. Lahat naman ng tao meron, di ba? Haha! Biro lang. Hindi lang ako tulad nung mga jock na grabe kung magpalaki ng katawan na akala mo cast sila ng Terminator. Sakto lang katawan ko, may abs din ako. Iilan pa nga lang ang nakakita; si Anne at si Seven lang. Inimbita kasi ni Anne dati si Seven na magswimming dito sa bahay.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ko. Mini Cooper. Yan lang pinagyayabang ko. Haha! Sabi ko nga, di ba? May kaya pamilya namin, pero hindi kami sobrang yaman tulad nina Seven. Nasa ibang bansa din parents namin, may small business dun. Kaya kami lang ni Anne dito.
Malapit lang naman bahay nila Seven, kabilang village lang. Ayoko lang paglakarin si Anne, baka mapawisan, eh. O, baka madapa. Ayoko siyang magkaroon ng gasgas. Ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang umiyak.
