Alam niyo yung nakakapaglaway na kagwapuhan? Yung katawan na tingin palang, nakakabusog na?
Well... hindi ako yun.
Wala naman akong dito para magpa-impress, eh. Aminado ako, isa akong nerd. Eh ano ngayon? Basta ang alam ko, nagpapakatotoo lang ako. Pero hindi rin naman yung tipong binubully dahil sa pagiging nerd ko. Hindi ako yung tipong laging naka-checkered polo, sobrang ayos ng buhok na akala mo dinaanan ng lawn mower, may suspenders, may braces, at kung ano pa man ang 'typical' na description ng nerd. Oo, naka-salamin ako. Duh, wala namang mata na sobrang tibay, di ba? Normal naman ako manamit, at palakaibigan naman ako. In short, nerd lang ako pagdating sa pag-aaral (hindi naman kailangan madamay pa ang lifestyle, eh).
Nasa kolehiyo na ako. 3rd year. Pero isang sem lang ang kailangan ko para sa senior year ko. Yun ay dahil lang sa binawasan ko ang subjects na kinukuha ko this sem. Sinunod ko na yung normal number of units. Bakit? Sakin nalang yun.
Ako nga pala si Kirk Salva. Pamilya namin? Oo, mayaman. Yung tipong kaya kaming pag-aralin ng kapatid ko sa isang privtae school. High school palang ang kapatid ko. Si Anne, mahal na mahal ko yun. Ulirang kuya din ako, eh. Siya naman ang masasabi kong sinwerte sa looks department sa aming dalawa. Kaya nga doble bantay ako sa kanya, mahirap na, baka kung ano pa ang magawa ko sa kung sino man na magpaiyak sa kanya.
Sunod sa kapatid ko, may isa pang babae na malapit sa akin. Madalas siyang napagkakamalan na girlfriend ko. Pero, hindi naman. Dati, madalas kami mag-away. Siguro napagod lang kami kaya ngayon sinusubukan naman namin maging magkaibigan. Si Seven de Bree. Actually, proud siya sa pangalan niyang yan. Weird, right? Kaya nga natatawa ako sa kanya, eh. Unique daw kasi. Kaya huwag nyo na siya asarin tungkol dun, kasi kayo lang din ang kawawa.
Alam ko, may mga kwento ng buhay na dapat lang talagang ilagay sa libro. Sa pananaw ko, hindi kabilang dun ang kwento ko. Pero syempre, hindi rin naman mape-predict ang kung ano pang mangyayari.
***Paroca***
Hi! K, feeler ako, kunwari may nagbabasa nito. HAHA! Pahabol tong note, sorry. Writing this story as a favor to my friend. <3 Peroooo, wala pa talaga tong patutunguhan. First story ko ito to write, so sorry kung di ganun kaganda. :]
Si Kirk yung nasa kanan, 'yan ang nerdy look nya. Pero hindi ganyan ang normal na ayos nya. HAHA! Gusto lang nya ipakita ang itsura nya pag 'nerd' look nya. :] Honestly, wala lang akong mahanap na pic ni Enchong Dee na naka-glasses.
Enjoy!